Chapter 13

295 20 5
                                    


Chen's POV

"Anong problema nyo?Ha?"

"Dude.Baka naman gusto rin sumama satin."

Na-bwisit ako nang tignan nila si Irish nang kakaiba at ngumisi pa ang mga loko.

"Irish,sabihin mo lang at tulog agad ang mga 'to." Ngayon ako naman ang ngumisi.

Magsasalita pa sana ang isa sa kanila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hay.Kung sinu-suwerte ka nga naman.Hahaha.

"Bitiwan nyo na sya nang hindi kayo masaktan.",sabi ni Irish pero tumawa lang ang mga pangit na 'to.

Naku,naku,naku. Kung nandito lang si Suho hyung eh ipapa-drain ko ang dugo ng dalawang 'to!

Tumingin sakin si Irish ko kaya naman nginitian ko.Hehehe.

Dumagundong ang malakas na kulog at sinundan ng pagkidlat.

At tumama iyon sa kanila. Well,dahil mabait ako eh binabaan ko ang boltahe para naman hindi madeds ang mga ito. Hohoho.

"Wait,what just happened?",tanong ng prinsesa Buen habang nakatingin sa dalawang lalaking ngayon ay nakahandusay. Ang sabi nya ay schoolmate nya ang mga nangha-harass sa kanya kanina.

Ipinaliwanag naman agad ni Irish sa kanya. Katulad nga ng sinabi nila ay matigas ang ulo ng prinsesa. Napa-buntong hininga na lang ako.

"You won't make me go with you.",matigas nitong sabi. Medyo lumayo na nga kami ni Tao eh.

Nakitang huminga ng malalim si Irish bago muling nagsalita. "Aubrey needs you tomorrow. May party na kailangan nyang puntahan sa bahay ng boyfriend nya. I can't go because of Tasha. Ikaw lang ang pag-asa nya. I'll text you the address. "

Tinalikuran na nya si Buen at nilagpasan din kami. Nang lingunin ko ang prinsesa at walang reaksyon ang mukha nya pero halatang may iniisip sya.

Sana lang talaga ay gumana ang plano nila na ipakita at ipaintindi sa kanya na ayos nang bumalik sa mundo nila.

---

Pagkagising ko kinabukasan ay hindi ko inaasahang makikita kong kumpleto kaming lahat.

"Uhh.What's happenings in the universe at napag-desisyunan nyong huwag umalis?",tanong ko sa kanila.

"Naku,tanungin mo si Minseok hyung. May mahalaga daw na gaganapin. "

"Birthday nga eh batian lang tayo tapos ito eh parang may party. Grabe ha. Gaano kahalaga ba 'to?"

Hmm. Base sa sinabi nila eh Kai at Baek ay mukhang hindi rin nila alam.

Napanguso ako at babalik na sana sa sala nang mapatid.

"Ay,butiki!"

Shit naman!Ang sakit.Huhuhu.

"Buset,sinong naglagay ng box dito?! Huhu.Kawawa naman ang lips ko.",sabi ko habang hawak ang labi kong dumudugo. Grabe ha. Hindi nga ako nasubsob,nakagat ko naman ang labi ko.

"Hahahaha! Tingin tingin din kasi hyung pag may time!Pfft.",asar pa ng walandyek na Tao.

"Haha. Kay Ezhraika yan Jongdae. May nagpadala kanina eh,kaso tulog pa ata ang prinsesa.",sabi ni Lay hyung.

Kawawa nga naman talaga ako.Tsk.

Nang patayo na sana ako para pumunta sa washroom at bigla namang may nag-doorbell.Tinignan ko silang lahat at wala talagang balak magbukas dahil mga mukhang inaantok pa.

Hay.

Imbis na sa banyo tuloy ang punta ko eh sa gate pa.Naman talaga!

Habang naglalakad papunta dun at napahawak ako sa sugat sa labi ko na may kaunting dugo. Kumikirot pa. Buhay nga naman.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now