Chapter 8

309 20 2
                                    


Chen's POV

Pagkalabas ko ng backdoor ay nakita ko sila Shane at Aisha na kinakausap si Kai. Nakaupo sila sa ilalim ng silong ng isang puno doon.

"Matagal na kasi nung huli kong nakita si Tasha. Si Buen naman ay last week lang. Pinu-problema nya si Aubrey at yung kaibigan nyang may gusto sa bruhang yun. Hahaha. Imagine mo kung anong naging reaksyon ni Brey sa lalaki. Baka sumabog pa nga nguso nun eh. Hahahahaha!",sabi ni Aisha at tumatawa silang dalawa ni Shane. Nakita ko naman si Kai na napangisi.

Lumapit ako sa kanila at napatingin naman sila sa'kin.

"Oy. Ano daw gusto nyong kainin mamaya sabi ni Suho hyung. Mamimili kasi kami eh."

"Wow. Gusto ko ng lumpiang shanghai!!! Hahaha. Na-try ko yun sa kinainan namin dati. Masarap yun.Promise. Alam ni Aziel ingredients nun.",ngiting ngiti na sabi ni Aisha.

"Hyung, bili kayo ng lemons. Gusto kong gumawa ng juice na ginanagawa para sa'kin dati ni Yul." 

Hindi nagpakita ng ano mang reaksyon si Kai. Pero dahil kilala ko sya, nakita ko ang sandaling maliit na ngiti nya.

Maalala lang siguro si Yuri ay masaya na sya kahit papaano. Pero siguradong kasunod nun ay ang sakit pa rin na nararamdaman nya.

Ahhh! Ang drama ng buhay~

"Sige. Huhuhu. Alis na ako bago pa ako maiyak." Nagkunwari pa akong suminghot at hinawakan ang bridge ng ilong ko. Pfft.
Artista ako eh.

Nang makapasok ako sa loob ay nakahanda na sila Ezhraika at Suho hyung at ako na lang pala ang hinihintay.

Tinanong ko kay Aziel yung listahan ng bibilhin at sinabihan ko na rin na idagdag yung ingredients nung pagkain na gusto ni Aisha.

Si Aziel,Yshii at Kyungsoo ang magluluto mamaya. Si Minseok hyung naman ay nasa coffee shop na pinagta-trabahuhan nya. Si Kris hyung at Sehun ay kasama nya. Balak nilang sundan si Buen sakali mang magpunta sa coffe shop para malaman kung saan ito nakatira.

Si Tao,Baekhyun,Chanyeol at Lay hyung naman ay may kung ano-anong pinagkakaabalahan. Habang si Luhan hyung eh nawawala. Hahahaha. Ewan ba namin. Wala ni isa sa amin ang may alam kung bakit madalas wala yung Dolly hyung na yun eh. Sabi ni Chanyeol eh baka nag-iimbestiga mag-isa. Pfft.

Nang makarating kami sa isang mall ay dumiretso kami sa supermarket nun.

"Hyung! Pwede bumili ng iba pa bukod sa nandito sa listahan?" Tinaas ko pa ang dalawang kilay ko habang malapad na nakangiti. Hohoho.

"Sige. Ikaw na kumuha Jongdae.",sabi naman nya. Ayieee! Hindi talaga ako kayang tiisin ni hyung. Ang sweet nya diba??? Hehehe.

Nasa harapan ako naglalakad at tumitingin ng masarap kainin. Si Suho hyung ang nagtutulak ng cart at magkasabay sila ni Ezhraika na naglalakad.

Aysus. Dapat pala eh hindi na ako sumama.

Nang makuha na namin ang lahat eh pumunta kami sa counter para bayaran ang mga yun. Punong-puno yung buong cart na malaki ng pagkain.Tatlong araw lang yun samin eh.Pfft.

"Hala. Sandali lang at nakalimutan kong kumuha ng wrapper para sa lumpia. Wait for me here.",sabi nya at tumakbo na paalis.

Napatingin ako kay Suho hyung at nakitang nakakunot ang noo nya.

"Problema,hyung?",tanong ko at hindi sya sumagot. Seryosong seryoso ang kanyang mga mata.

Napatingin ako sa tinitignan nya. Napalunok ako ng mariin.

Imbis na maging seryoso katulad ni hyung eh halo halo ang naramdaman ko. Pagkalito,saya,inis at lungkot.

"L-Luhan hyung?!"

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now