Chapter 18

402 25 6
                                    


Taeyeon's POV

I've been hiding from him and even though I know that he tried coming to me, I still acted to not know.

Pero kung tinuloy nya ang gagawin nya nung araw na yun ay siguradong bibigay ako.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon nya kaya naman ni hindi ko sinubukang lapitan sya. Nakagawa ako ng pagkaka-mali, hindi ko alam kung paano.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-doorbell.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinihiling na sana ay hind sya ang m...

Napaawang ang mga labi ko nang sya ang magbukas ng gate ng mansyon.

Napahinto rin sya at tinitigan akong mabuti.

Ilang sandali pa ay agad syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang sarili at umiyak na habang yakap sya. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to.

Kahit ngayon lang, gusto ko namang ipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

"T-Taenggoo.",bulong nya sakin habang nanginginig pa ang boses. Ramdam ko rin na nabasa na ang damit ko dahil sa luha nya.

Natawa ako ng mahina. "Ssh. Nandito na ako, Baek. "

Ramdam ko ang mas humigpit nya pang yakap.

"I missed you so much. ",pag-amin ko dahil iyon ang totoo.

Bumitaw sya mula sa pagkakayakap sakin at tinignan ako nang diretso sa mga mata.

"You don't know how much I longed for you. ",sabi nya at hinalikan ang noo ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Sobrang saya na may halong kaba.

Pumasok muna kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina.

Naupo muna ako habang sya ay pumwesto naman sa upuan na katapat ng akin.

"Si Tao at ako lang ang nandito. Umalis silang lahat eh. Susubukan nilang hanapin ang natitirang prinsesa. ",sabi nya habang nagsa-salin ng juice at ibinigay sakin.

Ngayon ko na balak sabihin sa kanya ang lahat.

"Baek,sana pakinggan mo muna ang sasabihin ko tungkol sa lahat ng nangyari bago ka mag-react. Please."

Hinawakan nya ang mga kamay ko at tumango.

"All that had happened, and all that is happening is all based in the prophecy. All from the great oracle." Tahimik lang syang nakikinig habang nakatingin sakin.

"At nakatakda na rin kaming mawala sa oras na isalba namin ang kahit isang mahalagang elemento na bumubuo sa lost galaxy. Kaya ipinagbawal samin ang umibig na amin namang ginawa."

"Pero walang nakakaalam sa amin na may pabuya ang Tree of Life. Ang mga sinumpang Majesties na ang nagsabi samin sa kabilang dimensyon bago sila muling makabalik sa totoong dimensyon. Sila ang nagbigay ng mensahe na mula sa gintong puno na ibabalik sa amin ang buhay na nawala, at ibibigay rin ang normal na buhay bilang isang mortal sa aming lahat. "

Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Tila parang ay hindi naintindihan.

"Ano ang ibig mong sabihin? "

Nginitian ko sya.

"Dahil wala na kaming kapangyarihan at tinanggal na sa amin ang pagiging fairy ay hindi na kami muling makababalik sa inyong mundo. "

Uminom muna sya ng tubig bago muling nagsalita.

"Taenggoo, tanggap ko na sana na may propesiya na magkakahiwalay tayo. Pero bakit hindi pa rin kita pwedeng makasama?! "

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now