Chapter 10

314 19 6
                                    


Lay's POV

Ugh.Ang weird ng babaeng 'to.

Kakakilala pa lang namin at ni hindi ko pa nga nakikita yung prinsesa Aubrey tapos yun agad ang ipapagawa nya.

Mga buntong hininga na lang tuloy ang kaya kong gawin ngayon. Hay. Wala naman akong choice eh.

Nilingon ko si Jongdae na nasa kanang bahagi ko at katabi si Irish. Mukhang enjoy na enjoy sya. Samantalang ako dito eh hindi pa malaman ang gagawin.

"Uhm.Irish? Matagal pa ba silang lumabas?",tanong nya ulit kaya naman inirapan na sya ni prinsesa. Nakailang ulit na kaya sya.

Pfft. Hindi marunong magpapansin si Chen sa babae.Hohoho.

Napatingin ako sa may gate ng school na nasa tapat namin ngayon at nakitang nagla-labasan na ang mga estudyante.

"Aubrey. ",bulong ni Irish saka tumayo at nauna nang maglakad kaya naman sinundan na namin sya.

Lumapit sya sa isang babaeng may itim at mahabang buhok. Mukhang nagu-usap sila.

Hindi pa kami nakaka-lapit nang may isang lalaking lumapit sa kanila at ang laki pa ng ngiti habang naka-hawak sa balikat ng prinsesa Aubrey.

Mukhang agad nainis ang prinsesa at tatanggalin na sana ang kamay ng lalaki sa pagkaka-hawak sa kanya ng bigla ko syang hinila kaya naman nagulat sila at nailayo ko sya sa lalaki na binibigyan ako ngayon ng masamang tingin.

Hala. Galit na ata sya?

Hindi ko na lang yun pinansin at ginawa ang pinaga-gawa ng prinsesa Irish.

Hinalikan ko so Aubrey sa pisngi pero hindi ko pinahalata na hindi naman dumikit ang labi ko sa pisngi nya.Hehe. Ang bait bait ko eh.

"How are you babe? Am I late?",sabi ko at nginitian ang prinsesa.

Pero nagulat ako dahil hindi ko inaasahang ngingitian nya rin ako pabalik.

Napa-lunok ako. May dimples pa sya.

A-Ang ganda nya.

"Yeah.At hindi naman, you're just in time." Nilingon nya ang lalaki na nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"Mauna na kami, Vex. Pakisabi kay Buen na hindi ako sasama. Bye."

Umakbay pa ako sa prinsesa at tinalikuran na namin sya.

"Don't go over board,prick."

Ahh. Ganito pala ang normal nya. Hehehe. Binawi ko na lang ang pagkaka-akbay ko sa kanya.

Pagkabalik namin sa bahay ay kasama na namin si Aubrey.Agad syang kinausap ng ibang prinsesa.

"Hyung! Musta naman? Hindi ka ba nakatikim ng malufet na moves ng mahal na prinsesa?",bulong sakin ni Chanyeol habang nakaakbay pa.

"Hindi naman. Mas mabait naman ako kumpara kay Kai. "

"Oy,hyung!Narinig ko yun."

Natawa na lang kami ng may sumigaw mula sa kusina.

Nang makalapit kami sa kanila ay halatang halata na masaya sya.

Inaasahan ko na rin ang agad nilang pagbabago na ganyan. Nabigyan ulit sila ng pag-asa...pati na ng pangalawang pagkakataon.

Nagpalinga-linga pa ako pero mukhang wala sya dito.

"Si Baek?"

Mula sa pagkakayuko ay napatingin sakin si Tao. Habang si Yeol naman ay napaiwas ng tingin.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now