Chapter 20 Worries

13.8K 333 3
                                    

" Good morning Sunshine.." masayang bati ni Michelle sa pasyente niya. She was doing her morning rounds, it was her usual routine lalo na at patapos na ang kanyang graveyard shift.

" Hi doc Hoffman, mukhang maganda ang araw niyo po ah.." sagot ng pasyente.

" Well it's a beautiful day, sayang naman kung papapangitin lang natin hindi ba? Kaya ikaw always make your day bright para good vibes palagi.." aniya pa dito, hindi pa rin mawala wala ang masayang ngiti sa kanyang mga labi.

Well she's happy for many different reasons. Una, she got the chance to spoke to her father na wala na yatang ginawa kundi ang pagtaguan siya everytime na hinahanap niya ito at gustong makausap, kinailangan pang si Dylan ang gumawa ng paraan para makausap niya ulit ito without mentioning that Armeo thing.

Second, hindi na niya dinidibdib masyado ang hindi niya pagkakasama sa listahan ng mga sasama sa medical mission. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit tinanggal siya ni Dylan sa listahan. Oh well! For safety measures daw, eh di pagbigyan

Third, nagkaroon na rin ng closure ang nangyari sa kanila ng asawa niya five years ago. Nakuha na niya ang eksplanasyon na matagal na niyang hinihintay na marinig kay Dylan..

And was she satisfied?

The answer...

Very..

And the last reason ...

Oh well!

Umamin na siya ng tunay na nararamdaman para sa kanyang asawa... and the feeling is MUTUAL...

Grabe lang ang feeling niya.

Parang cloud nine lang ang peg..

And she's loving it...

She was busy analyzing her feelings ng maramdaman niya ang pagtama ng ulo niya sa matigas na katawan.

Ouch!  What the hell?

Nakaramdam siya ng hilo dahil sa wala pa nga siyang tulog kaya bigla ang pagragasa ng asar na kanyang naramdaman.

Makastigo nga ang taong ito hmmmp. Hindi marunong tumingin sa dinaraanan syete !

Nag angat siya ng tingin upang pagsabihan ang nakabanggaan ngunit naumid at  halos malulon niya ang kanyang dila ng masilayan ang napaka guwapong mukha ng kanyang asawa.

He smiled at her.." Easy my sweet, you almost dropped, it's a good thing I'm here to catch you, pero bakit ka ba nagmamadali? Can't  wait to see me? "
nanunudyong tanong nito.

Napairap siya...Tsss ang yabang talaga ng isang ito kahit kailan! Lalo pa yatang nadagdagan ang kayabangan simula noong nalaman nito na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya dito.

" Bakit naman kita kasasabikang makita aber? " kunway naaasar na tanong niya with matching rolling her eyes upward.

Dylan just laughed at her expression his eyes twinkling in teasing manner. "Are you done with your rounds? Puwede na ba kitang yayaing kumain ng breakfast? "

Nagtatakang napatingin siya sa asawa,  " Why? Hindi ka pa ba nag-aalmusal?"

He just gave her a nod. " Gusto ko kasing kasabay ka eh, pandagdag sa energy kasi maghapon na naman kitang hindi makikita." he took her hands and interlaced it with his. He absentmindedly played with it too.

Michelle gasped at the sudden sensation. Good god hawak pa lang sa kamay iyon ha and yet it stir so many emotions on her being. " Baliw ka talaga ..." nasabi na lang niya sa pagsisikap na ibaling sa iba ang kanyang atensyon.

ENTRAPTMENT OF LOVEWhere stories live. Discover now