Chapter 1 Unexpected

48.7K 749 10
                                    

Michelle was sitting comfortably on the wicker chair na iniregalo sa kanya ni Angelica habang umiinom ng kanyang favorite na white choco frappe na sinamahan pa niya ng alcapone flavored donut

Ang weird naman kasi ni Umaga eh, sukat ba namang regaluhan siya ng upuang tumba -tumba, pamparelax daw kasi palagi siyang high blood

Well, naappreciate naman niya ang binigay nito lalo na at kapag ganitong wala siyang duty sa ospital at gusto niyang mag relax ay dito siya umuupo habang nagbabasa kaya lang minsan ay gusto niyang ibato lalo na at kapag nagpupunta ang mga ito sa bahay niya at naabutan siyang nakaupo doon ay tinatawag siyang lola ng mga bruhang kaibigan niya.

She was living alone na eversince she had her license as a doctor and a surgeon. Her parents practically grew tired of living in the country kaya palagi na lang laman ng mga cruise ship, though she didn't mind at all dahil gusto naman niyang maranasan ng mga magulang ang sarap ng buhay, kaya kahit hindi niya ito madalas na nakikita personal man or through video phone or skype ay okay lang sa kanya basta alam niyang naroon lang ang mga ito. Safe,  Masaya at nag eenjoy.

She stretched her arms,  kapag ganitong day off niya ay may tendency na maging tamad siya, kaya naman she always rely on the delivery service dahil tinatamad siyang magluto.

She reached for her phone and was about to call Cappussina ng bigla namang tumawag si Angelica.

Tsss, ito talagang Umaga na ito palagi na lang wrong timing ang hirit... sasabunutan ko talaga ito kapag nagkita kami eh...

She ignored the call... kung bakit naman kasi ibinigay ko pati yung private number ko sa makulit na ito eh

Well that's her. She value her privacy too much kaya naman talagang nag provide siya ng phone na magkaiba ang number. One is related too much to her work and colleagues and the other is for personal purpose at pili lang ang nakakaalam ng private line niya.

At kasama sa pili na iyon ay ang makulit na babaeng ang pangalan ay Angelica Missha Miller

Her caller was persistent. Matabang siyang napangiti,  knowing Angelica hindi iyon titigil hangga't hindi niya sinasagot ang tawag nito

Inabot niya ang cellphone and lazily answered the call. Ini on na lang niya ang speaker dahil tinatamad rin siyang hawakan ito

" It's better be good Umaga or I'll ---- "

Kahit wala sa tenga niya ang cp niya ay pakiramdam pa rin niya ay natatanggal ang eardrums niya sa lakas ng pagsasalita ni Angelica

" Ano ka ba naman Michelle saan ka ba nanggaling at ang tagal tagal mong sumagot ng phone?"

Napaismid siya. " As far as I can remember madam off ko po ngayon sa hospital and you know my rules Umaga. I don't entertain any form of diturbance kapag nagpapahinga ako. And you my friend is no exception. But since you already embark on the deepest solitude of my limited rest, care to tell me your reason on employing such bad vibes in my systematic and program day and oh before I forgot you only have two full minutes so proceed "

" Haisst ewan ko sa iyo Michelle "

" You're two minutes is still running Umaga so don't waste " she reminded her

Narinig niyang napabuga ito ng hininga " Okay, well then listen to this. Narinig kong pinag uusapan nila mommy at daddy na darating na raw ang magiging bago niyong presidente sa Miller Hospital, yung papalit kay daddy. And-"

" Ano ka ba naman Umaga, alam ko na yan. Almost a week ng favorite topic yan sa buong hospital no. Lahat na lang ng staff ng hospital even my colleagues palaging yang darating na bagong presidente ang bukambibig. Nakakasawa na " putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan

" But do you know his name? "

" Kailangan pa ba?  I mean, makikilala ko rin naman siya sa doctors meeting sa Lunes, so doon ko na lang siya kikilalanin "      

" You're sure about that. Puwede ko na sa iyong i fill kung sino siya " pangungulit nito

" Nakakahiya naman " she said sarcastically " Baka masamain pa nila kapag nalaman nilang kilala ko na siya"

" Trust me Michelle Dy----"

" Ooops, times up, goodbye friend and don't bother calling again okay... see you when I see you ciao " she cut her and smile ng mawala na ito sa linya

Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay niya. Dumiretso siya sa banyo sa  kanyang silid at nagpasyang maligo na lang. Maghahanap na lang siya ng malapit na fastfood chain at doon na lang kakain.

It started to drizzle ng makarating si Michelle sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Halos puno na ang parking lot at medyo nahirapan siyang makahanap ng slot na paparadahan ng kanyang jaguar. It wasn't the latest edition, but hey it's a jaguar baby.

Napabusangot siya. Hindi sana niya problema ang parking eh kasi mamaya pa sana ang shift niya kaya lang ay ngayon naman daw ipapakilala ang bagong presidente ng hospital at required ang lahat ng staffs, pati nga doctors na umattend dito at magpakilala sa taong yun.

She glanced at her watch, its almost ten am. Dalawang minuto na lang ay late na siya. She groaned in dismay saka nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan at halos takbuhin ang entrance ng hospital.

Dire- diretso siya sa conference room kung saan ginaganap ang turn over ng pamamahala sa buong hospital. Hindi niya na pinagkaabalahang suotin ang kanyang doctors uniform at pumasok na sa loob.

" I'm sorry " she immediately said ng makapasok sa loob, but she was greeted by the coldness of the room.

Anyare? Bakit walang tao ? Hindi pa ba nag uumpisa? Ano to gaguhan? 

" You're two hours late Doctor Hoffman. Kaninang eight nagsimula ang turnover ceremony and it's almost ten am now. Ganiyan mo ba sasalubungin ang bagong presidente ng hospital na pinaglilingkuran mo?"

Goddammit! That voice....

Why does it sound so familiar?

This couldn't be!

He chuckled mukhang naaaliw sa discomfort na nararamdaman niya.

She slowly turned around.

And came face to face with the man whom she buried in her memories a long long time ago

" D-dylan? " she stammered as she processed his looks in her system

Ikiniling nito ang ulo " The one and only . Hello Michelle it's been quiet a while " his lips twitched in a wry smile.

Oh god Umaga! Im gonna kill you for this



#doctorandpresident
#booktwo
#everafter

Sinnersaintbitch






ENTRAPTMENT OF LOVEWhere stories live. Discover now