Chapter 15 Control

14.4K 364 3
                                    

When Michelle finally woke up the next day ay nagulat siya dahil alas onse na ng umaga. Pero may pakiramdam siya na ilang minuto lamang ang itinulog niya.

Paano siya makakatulog agad kung kasama niya sa iisang silid ang lalaking gumugulo hindi lang sa isip niya kundi maging sa buong sistema niya.

And the hell! Hindi lang niya ito basta kasama sa isang silid, katabi niya pa ito sa kama.

At ang unggoy pagkatapos ng muntikan ng may mangyari sa kanila ay dineadma siya, at hindi na kinausap. He sulked like a schoolboy na pinatikim ng masarap pero agad ding binawi.

Ito pa talaga ang may ganang magalit sa kanya samantalang ito ang nanamantala sa sandaling pagkahibang niya.

At kung nabitin man ito ganoon rin siya so patas lang. Mas pinahirapan pa nga siya nito ng parang nanadya pa ito dahil habang magkatabi sila ay panay ang likot nito sa kama. He would always deliberately brushed his legs to hers at sisiksikin siya fanning his breathe on her nape na talaga namang nagpapatayo ng mga balahibo niya sa katawan.

Galit pero kung makayakap naman sa kanya, parang ayaw na siyang pakawalan. Niyakap siya nito para raw hindi siya umalis at makasiguro raw ito na paggising nito kinabukasan ay nasa tabi pa rin siya nito. At kahit ilang beses niyang tangkain na makawala sa bisig nito ay lalo lang nitong hinihigpitan ang yakap nito sa kanya.

Kung hindi lang siguro malakas ang pagpipigil niya sa sarili ay baka bumigay na siya sa mga panunukso nito.

That guy really know how to tease. Mabuti na lang at well practice ang defense niya.

Nasapo niya ang ulo ng maalala muli ang nangyari kagabi. Hindi niya maiwasang panginigan ng tuhod.

Shit ! That was really close huh.

She shook her head at sinikap na alisin ang agiw sa utak. Mientras na iniisip niya ay lalo siyang nakakaramdam ng pagnanasa para sa asawa.

Tumayo siya upang pumasok sa banyo, but stopped suddenly. Pinakiramdaman muna niya kung may gumagamit. At nang matiyak na walang gumagamit ay saka pa lamang siya tuluyang pumasok.

A certain deja vu filled her as she saw the black cotton undies of Dylan on the tiled floor. Sa vanity counter ay ang toothbrush nito at ang toothpaste that was pressed in the middle of the tube. His shaver and aftershave cologne were there too.

There were a new set of toothbrush at pati na ang brand ng shampoo at sabon na ginagamit niya ay nakita niya sa vanity katabi ng mga gamit ng asawa.

Natitiyak niyang ginamit na nito ang shampoo dahil nakikita niya ang botelya nito sa caddy na bukas ang cap at nakatumba at tumutulo pa ang laman.

She smiled despite herself. Old habits die hard talaga.

Muli siyang lumabas ng banyo at pumasok sa walk in closet upang kumuha ng malinis na tuwalya. Nakita niya ang basang tuwalya na ginamit nito na nakakalat sa sahig.

" Tsss,  kahit kailan talaga napaka burara ng lalaking iyon.." dinampot niya ang tuwalya mula sa sahig at inilagay sa laundry basket kasama ang undies nito.

She was about to enter the bathroom ng makarinig siya ng masasayang tawanan mula sa ibaba.

Lumakad siya patungo sa bintana at saka nanungaw. Mula roon ay natanaw niya sila Dylan kasama ang mga magulang nito na masayang nag uusap.

A certain heat run through her.  Nakakagaang sa loob na panoorin ang mga ito na buo at masaya at humaplos sa puso niya ang nakikita niyang pagmamahal nito sa mga magulang.

Bago pa siya makaalis sa pagkakapanungaw ay lumingon si Dylan. For a few moments their eyes met. Siya ang unang umiwas. Agad siyang tumalikod at pumasok na sa banyo.

ENTRAPTMENT OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon