Chapter 6 Mr. and Mrs. Miller

18.2K 476 5
                                    

Tahimik lang si Michelle sa durasyon ng biyahe her mind is full of things and to top it al that magpahanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang pinagsaluhan nilang halik ni Dylan.

Lihim niyang pinagagalitan ang sarili.
Why did she allow Dylan to kissed her again? Hindi ba at galit siya dito? What happened to her resolve at makita lang niya ang mukha nito ay nawawala na ang mga baon niyang galit dito?

She glance at him. Nakatutok lang ang mata nito sa kalsada. But she can see him smiling a little na tila nilalaro ng anghel ang mukha nito. Hindi niya maiwasang mapalunok ng laway. God dammit! Why does he have to look so edible? Ang guwapo talaga ng kumag na ito ! Promise!

Napasimangot siya at pumikit. Bakit ba naaapektuhan pa rin siya ng lalaking ito. Tss! Hindi puwedeng palaging ganoon ang reaksiyon niya kapag nagkikita sila nito.

She have to maintained her distance with this man. Delikado siya sa lalaking ito. Dylan possessed this charm na nakakapagpalimot sa kanya sa mga kasalanang nagawa nito . And if she allowed herself to get closed to him again baka masaktan na naman siya at ayaw na niyang mangyari ulit sa kanya iyon.

Her heart is too vulnerable to handle another heartache kapag nagkataon.

But .... she can't help but think about that kiss... again...

His kiss though aged five years older doesn't change.

It still have the same effect on her.

Same tingling sensation. Same unfathomable  feelings.

" Aaarrgggh! .." napahiyaw siya sa asar at biglang nagmulat ng mata. She could feel herself shiver habang dumadaloy ang bagay na iyon sa kanyang isip

" My sweet !..." nagtatakang binalingan siya ni Dylan ng tingin. Nagulat ito sa biglaang pagsigaw niya. " What happened?  May masakit ba sa iyo? .." agad nitong inihinto ang sasakyan at humarap sa kanya. Agad nitong ininspeksyon ang katawan niya na tila hinahanapan siya ng kung anong sugat.

Lihim siyang napaungol. Dagdag torture ang lalaking ito eh. Lapit pa ng lapit. Tukso eh! 

" Walang masakit sa akin baliw...Naaasar lang ako kasi hindi ko maintindihan ang sarili ko.." sagot niya na napabuntonghininga.

" Care to tell me why? .." he asked

Dahil sa iyo gago, buwisit ka kasi eh !

" I do care for my own safety. Kaya hindi na lang ako magsasalita. Paandarin mo na nga itong sasakyan mo at dalhin mo na ako sa kahit saang makakainan. Nagugutom na ako..." iwas niya sa tanong nito at agad na ibinaling sa labas ang paningin, avoiding his heated gaze

Dylan just chuckled and started the engine. Sinamaan naman niya ito ng tingin.

" Just drive my heart ..." pangagaya niya at tinawag ito sa endearment niya dito noon. Nakita niyang napatigil ito at bahagya pa ngang gumewang ang sasakyan nila.  " Careful Dylan... I only want to have dinner not a conference with death ..." natatawang tudyo niya dito.

Mararahas at sunod sunod na napahugot ng malalim na hininga si Dylan. " You tease... you're gonna pay for that I swear..."

" Tssss... Asa ka pa Mr. Miller..."

" Are you challenging me Mrs. Miller?"

She wrinkled her nose " Nah, I didn't say that ..."

This time ay malakas na ang tawang pinakawalan nito " Coward..."

Nakalabing inirapan niya ito at muling ibinaling sa labas ang paningin.

Funny but she didn't feel any bitterness. In fact she is happy. Masaya siyang kahit paano ay nakaka first step na siya sa healing process niya.

ENTRAPTMENT OF LOVEWhere stories live. Discover now