Chapter 30: Jitters

Start from the beginning
                                        

“Unless you and Marco got an issue with other girls?.”

“Uwaaaaa!!!”

Jicks’ POV

“Uwaaaaa!!!”  nagulat ako nang umiiyak si Genie na parang bata na parang batang tumatakbo sa akin.

“What!?! Nambababae si Marco? Sabi na nga ba eh, that punk! I’ll kill him!”

Napatingala siya sa akin habang nakayakap parin.

“Jicks hindi!! Wala siyang babae anu ka ba.”

“Eh naman kasi, makareact ka namang anghel ka eh!What now?”

Tinanggal niya yung pagkayakap niya sa akin.

“This is regarding my Health and Future Jicks. Natatakot akong magpakasal sa kanya kasi nga mas lalong masakit sa habang tumatagal yung pagsasama namin.”

“Tara sa park,” hinawakan ko yung kamay ni Genie at hinila siya sa direksiyon na papunta sa Park.

Kailangan kong makausap itong anghel ko. Kahit kaulan talaga, iba parin ang iniisip niys. Alam ko namang masaya siya nang nanjan si Marco eh.

Walang imik si Genie na hinihila ko siya, parang wala siyang lakas upang pumiglas man sa akin. Hanggang sa makadating kame sa park at inupo ko siya sa swing.

Dalawa yung swing doon. At umupo ako sa katabing swing ni Genie. Nilakasan ko yung pag sswing at nang nagswing paharap ulit ang swing ko ay sumigaw ako.

“GUSTO KONG MAGING MASAYA HABANG NABUBUHAY PA AKO!!!!”

Tapos hindi ko pa itinitigil yung pagsswing ko nang malakas. Nagulat ako nang biglang nilakasan din ni Genie yung swing at sumigaw.

“GUSTO KONG MAGING MASAYA ANG MGA MAHAL KO HABANG NABUBUHAY PA AKO!!! WUHOOO!!”

Siya un?

As in, siya ung sumigaw?

Napatigil ako sa sigaw niya. At the same time, lihim akong natutuwa kasi marunong na siyang mag express ng feelings niya. Yan ang gusto kong matutunan niya.

Madalas kasi ay wala siyang imik eh.

Maya maya’y itinigil din niya yung swing niya.

“Alam mo Genie, taliwas yung sinabi mo kanina sa swing sa sinabi mo kanina dun sa kalsada.”

“po?” nakita ko ang kalituhan niya sa mukha niya.

“Diba sabi mo, gusto mong maging masaya ang mga mahal mo sa buhay?” tumango siya.

“Then why dont you marry Marco and make him the happiest man here in Cavite, and in the whole world” parang kumislap yung mata niya, or imagination ko lang un.

Ngunit nawala din ang mga kislap at ngiti sa mga labi niya.

“Pero Jicks, I dont wanna be selfish. Alam kong sa huling huli ay iiyak lang siya. Ako, patay na nun kaya wala na akong sakit na mararamdaman.”

Tumungo ng ulo si Genie.

“”Pero siya, habang buhay niyang kakarguhin yung sakit at pagkakamiserable ng buhay niya dahil wala na ako at iniwan ko na siya”

Nakita kong may tumulong luha sa mga shorts niya.

“That tears Genie, where did they came from?”

Hindi siya sumagot.

“Hindi mo alam kung anung mangyayari sa future Genie, what if he accept your death as a positive experience, a memorable and happy experience? What if your death will inspire him to live a life a more meaningful one?

“Asa.”

Tumawa ako ng malakas at napatingin tuloy sa akin si Genie.

“Bakit ka tumatawa? Nakuha ko yung word na yan sa script mo sa Concert for a Cause natin” oo nga naman. Magsasalita pala yung character ni Genie ng ganun sa script namin.

Sumeryoso ako sa kanya.

“Genie~”

“Jicks, may nabalitaan ka na bang natuwa dahil namatay ang mahal niya sa buhay? You need a miracle to happen what you said a while ago. Masyado nang maraming napagdaanang masasakit si Marco. His Father died. And soon, his wife will die. Saklap nun.”

Naaawa ako kay Genie.

Umalis ako sa swing na kinauupuan ko.

Lumuhod ako sa kinauupuan na swing ni Genie.

At habang nakaluhod ay kumakanta ako sa kanya.

“Close your eyes.. Dry your tears.. 'Coz when nothing seems clear

You'll be safe here”

Parang wala siyang reaction. Kaya pinagpatuloy ko.

”From the sheer weight... Of your doubts and fears... Weary heart... You'll be safe here”

Hinawakan ko yung kamay ni Genie.

“Alam mo kung saan yung “Here” na sinasabi ni Rico Blanco nung kinakanta niya yun?”

Tumingin siya sa akin.

Ni-guide ko yung kamay niya papunta sa puso niya.

“Dito. Dito ka laging safe Genie. Just follow this. Dito ka magiging masaya. Ito ang tama.”

Pinahid ko yung mga tumutulo niyang luha sa pamamagitan ng kamay ko at nagsalita, “Ayoko nang makikitang tumutulo ulit ang mga ito ah.”

Nang may biglang...

“Wala na akong maintindihan Genie. Masaya ka naman sa akin diba?”

Lumingon ako at nakita si Marco na naniningkit at parang umiyak ng madaming tuloy tuloy na luha.

“Pre...”

“Jicks saglit lang please...”

Hindi ko alam kung anung nasa isip ni Genie nung time na yan. Napatayo ako sa pagkakaluhod ko dahil nga umalis si Genie ng swing at lumapit kay Marco.

Kinakabahan ako pero sana ang mga next step na gagawin ni Genie ay yung hindi siya masaaktan or maiiyak ulit.

“Marco, ulitin mo lahat ng sasabihin ko please...”

Sinabi ni Genie kay Marco nang makaratinf siya sa harap ni Marco.

Tumitig si Marco kay Genie. Ang lungkot ng mga mata ni Marco.

Pero ang mata ni Genie, halata mong nag tatapang tapangan, ngunit halata sa kanya na babagsak na ang mga luha niya.

“Sige uulitin ko lahat ng sinabi mo...” sumagot si Marco.

At bumuka na ang bibig ni Genie at nagsimulang magsalita ulit.

“Lets say good bye to each other while we still can...”

A/N: Anung problema ni Genie? :’(   Thanks pala sa mga sumusoporta wah? Mejo busy lang ako at mejo baliw kaya hindi ko maipredict based on my plot kung ilang chapters nalang ang Strings Attached, pero matatapos na ang Plot eh,..hmm cge po! Hinabol kolang toh may dance rehearsal pa kame bukas ng umaga. Love Much Guys! Nababasa ko lahat ng comments niyo at sorry ulit kung hndi ko kayo mareplyan lahat.. huhu

Strings AttachedWhere stories live. Discover now