Chapter 30: Jitters

Start from the beginning
                                        

“Dont you trust me Genie?”

“I trust you but..”

“But what?”

“Ayokong maging selfish, maiiwan din kita.”

“Demmet Genie!! What’s being selfish with this! You are giving me your life and future for God Damn Sake!! Hindi ka ba masaya na magiging asawa mo na ako at magiging asawa na kita?! Demmet Genie!  Wala akong pakialam kung mamatay ka man or kung kuhain ka man ni Kamatayan ngayon din! Ang maha~~”

Tumayo si Genie sa pagkakaupo niya sa lap ko at tumakbo si Genie papalayo. Napataas yata ang boses ko. at napasama ang mga lumabas na words sa bibig ko. ang gusto ko lang naman sabihin eh..

Ang mahalaga ay masaya ka at napasaya mo ako kahit sandali.

“Genie Please...”

Sinubukan kong habulin si Genie pero lumabas na siya ng tuluyan ng gate namin.

*Sigh*  anu ba tong nangyayari sa amin. Simple lang naman dapat eh.

Maglulunch kame.

Magpplan ng Kasal.

Magsshare ng good memories.

At magpapakwento sa parents namin ng mga good memories nila nung bata pa.

Hay. T.T

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Paps at Mommie na magkatabi sa may pinto ng bahay namin.

“Mom, I was just trying to make her happy.”

“Groom doesnt cry on planning his wedding, punasan mo muna yan anak, everything will be alright.”

Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko. Shet. I get so emotional when it comes to Genie talaga.

She always moves me and it even scares me more pag nawala na siya.

“Thanks Mom, Excuse me lang po, aakyat muna ako sa kwarto ko.”

Kinuha ko yung gitara ko sa garden at umakyat na sa kwarto. Kumakabog yung dibdib ko at hindi ako mapakali.

Paniguradong umiiyak si Genie ngayon.

Genie’s POV

Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ni Marco kanina sa lahat ng mga pinagsasaabi niya.

Naglalakad ako pauwi ng bahay namen since ilang street lang ang layo ng bahay namin kanila Marco nang.

“Pst.”

Tuloy parin ako sa lakad. Malamang si Marco yun, trying to make up with me. Kainis takaga yung mga words na ginamit niya.

Sa tingin niya hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari sa amin ngayon.

“Pssstt.”

Hmmff. Hindi talaga ako makapag isip ng maayos kaya tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi parin ako lumilingon.

“Same Old Genie. Ugali mo takagang hindi lumingon pag hindi pangalan mo ang tinatawag sayo ah.. haha”

Binobosesan ko yung lalaking nagsalita. Ngunit hindi pa ako lumilingon sa likod.

“How are you my Angel?”

Jicks.

“Lagi nalang pag nakikita kita, umiiyak ka.”

Lumingon ako sa kanya.

“Hmm hindi pala ‘lagi’,  madalas lang. Anung problem?”

Hindi parin ako nagrereact sa lahat ng sinabi niya. Sabi ko naman sainyo hindi ko na kayang mag isip eh.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now