Chapter 40: Identity Revealed

6.7K 188 53
                                    


Third Person's POV:

Pagkatapos ng mahabang oras na pag-iisip ay napagdisisyonan na ng Hexagon ang magpatawag ng pagpupulong sa buong school council. Lahat ng heads bawat school ay nagtipon tipon sa maespasyong bulwagan ng pamilyang Arkille. Lahat ay kompleto na at ang hinihintay nalang ay ang hari at reyna. Pagpupulongan na nila ngayon ang kanilang gagawin at mga hakbang patungkol sa pag atake na naganap dalawang araw nang lumipas. Nasa mahabang mesa ang mga Heads at nasa gilid naman sa may dingding nakaupo ang mga masters. Elegente ang lugar sa pagkat gawa ito sa ginto at mamahaling kagamitan. Sa pinakadulo ng bulwagan kung saan nakaharap ang pinto ay nakapuwesto ang dalawang naglalakihang upuan. Ang isa ay may desenyo ng corona sa itaas na siyang may pinakamataas  na sukat. At ang isa naman sa gawing kanan ay medyo mababa sa isa at may desenyo rin ng corona. Tahimik ang lahat sa bulwagan at ni isa ay walang nagtangkang basagin ito. Maliban sa isa...

"Ano kayang ibig ipahiwatig ng mga taga southern sa pag atake nila?" Basag katahimikan ni Headmaster Sahara ng Yin Academy. Lahat namam ay napatingin sa kanya.

"Ano pa ba? Edi gusto nila ng laban! At laban ang ibibigay natin!" Sagot ni Headmaster John ng Ardonian Academy.

"Tama! Lahat ng pag atake nila ay walang ibig sabihin kundi ang pagdedeklara ng Gyera." Headmaster Elleyn ng Ra'niyan Academy.

"Impossible! Natalo na natin sila noon kaya hindi na sila gagawa pa ng hakbang laban sa atin!" Headmaster Kaun ng Andornian Academy.

"Ganun? Eh anong tawag mo doon sa nangyari sa Naya? Ano yun ha? Peace offering?" Mataray na sagot ni HM Elleyn.

"Hindi naman sa ganun, ibig kong sabihin--"

"Paano kung lumusob naman sila ulit? Tutunganga nalang tayo? Titingin nalang tayo habang ang mga schools natin ay iniisa isa?" HM John.

"I will present my school for protection of the Northern gates!" HM Sahara.

"Are you saying na mas malakas ang school niyo kaysa sa amin? Wow!" Sagot naman ni HM Elleyn.

Ang mga Masters naman sa lahat ng schools ay naalerto sa tensyon sa ere. Napatuwid naman ang tayo ang ilan.

"ENOUGH! There's no point in fighting! We must consult first our king! And we must be cooperative about any matters! Tandaan nyo! May sinumpaan kayong mga salita!" Galit na sigaw ni Headmaster Laudwig sabay hampas ng kanyang kamay sa mesa.

"Who voted you to be head of the council?" Mataray na sagot ni HM Elleyn.

"I'm just keeping us united. We musn't break the bonds of the school!" Sagot ni HM Laudwig.

"UNITED! Big Word! Speaking of unity, bakit nakapasok ang mga itim na halimaw sa loob ng school niyo kung united ito?"

"I'm warning you Elleyn. Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo."

"Oh shut the fuck up! Headmaster! Ang sabihin mo you're a coward! Hiding behind the wall of his room doing nothing!"

Agad  na tumayo si Headmaster Laudwig at itinaas ang kanang kamay ka level lang sa balikat. Agad na nagkaroon ng matitigas na bakal ang leeg, paa at beywang si HM Elleyn. Sacred Metals ito na naglalagay ng seal sa buong katawan. Stopping everyblood from moving. Kung mahinto ito ay saka lang babalik sa normal  na daloy ang dugo na kung sino mang nakakabit dito. At kung magtagal man ito for 10 minutes can cause death.

Mabilis naman na ikinuyom ni HM Elleyn ang kanyang kamay at agad namang napahawak si HM Laudwigsa kanyang leeg. Nagkakaroon ito ng pulang marka na para bang nasusunug.

Hindi rin kinaya ni Master Seda ang pangyayari at tumayo na rin. Walang pagaatubiling tinitigan niya si HM Elleyn at pinasakit ang ulo nito.

Napangiwi si HM Elleyn sa sakit na naramdaman at dumudugo na rin ang ilong niya. Susuporta na sana ang ibang master ng Ra'niyan Academy nang biglang malakas na hangin na may napakataas na temperatura ang sumampal sa lahat. Sa lakas ng hangin ay napaupo lahat sa upuan nila at dahil doon nakansela lahat ng kapangyarihan na inilabas nila.

Naya Academy: Return of the GoddessWhere stories live. Discover now