Chapter 27: Oracle

8.8K 298 15
                                    

Gabriel's POV:

Pagkalabas ni Yun ay sumonod na rin ako. Wala namang importanteng gagawin eh. Tapos na rin naman ang training.

Pagkalabas ko ay agad na samalubong saken ang sariwa at malamig na hangin. Now I know what Yun feels. Coz I'm starting to feel it too.

Longing

I badly want to see my parents right now. Wish this wasn't this complicated.

Wait....

Wish? 0_0

Mabilis kong dinukot ang bracelet sa aking bulsa at nag teleport sa aking kwarto. Buti nalang dala ito ni Yun.

Binuksan ko ang aking cabinet at kinuha ang back pack na dala ni Yun nung papunta kami dito.

Binuksan ko ang zipper at bumungad saken ang aking hinahanap.

Ang Lah'nayan stone.

Ang batong nagbibigay ng kahit anong hilingin ng isang maharlika. Ito rin ang batong ginamit ko para magkaroon kami ng mga bagay nakailangan namin sa mundo ng mga mortal.

This stone only works for royals. Not ordinaries.

Agad akong nagtungo sa aking kama at pabagsak na umupo.

"Lah'nayan stone. I Gabriel. Wishes to end this problem. Make all things right. Back to normal."

Sabi ko sa aking isip. Nag antay pa ako ng ilang segundo pero walang nangyari. Ni hindi nga umilaw ang bato.

Anong???---

"Aahh!" Daing ko dahil sa sakit. Bigla nalang kaseng uminit ang bato. Init as in init talaga. Dahilan para mabitawan ko ito at nahulog sa kutson ng bed ko. Pero agad nanlaki ang mata ko nang biglang nagkaroon ng usok ang parte kung saan ang bato at may parte na rin ang nasusunog. Mabilis kong kinuha ang bedshet ko at hinampas sa sahig. Buti nalang at naapula ko ang apoy. Ang tanga! Ginamitan mo nalang kaya ng kapangyarihan?!. Oo nga noh? Tsk.

Hinanap ko naman ang bato dahil tumalsik ito nang hinampas ko sa sahig ang bedshet. Nakita ko naman ito sa ilalim ng upuan sa study table.

Mainit parin ito dahil nagsisimula na namang masunog ang kahoy na sahig.

Pupulutin kona sana ito pero naalala kong napakainit pala nito. Kaya ginamitan ko ng kapangyarihan. Gumamit ako ng hangin lara palutangin ito sa ere. Pero nangunot ang noo ko nang wala man lang epekto ito sa bato. Huh? Saglit akong napatitig sa aking dalawang kamay dahil sa kaisipang baka nawala ang kapangyarihan ko.

Tinutok ko ito sa ballpen na nasa study table at sinubukang palutangin ito. Di nagtagal ay umangat ito sa mesa at lumutang sa ere. Napabuga naman ako ng hangin. Akala ko ano na.

Pero kung gumagana pa ang kapangyarihan ko bakit di ko ito magamit sa bato? Anong nangyayari?

Teka. May naamoy ako. Parang sunog?

Napatingin ako sa pwesto ng bato pero nakita kong wala na ito dun. Bagkus ay isang butas lang ang nakita ko. May baga pa sa mga gilid nito.

Agad kong tiningnan ang butas.

Shit.

Tatlong palapag ang butas. Agad akong nagteleport sa labas ng dorm ko at pinalutang ang sarili sa ere gamit ang hangin.

Nothing unusual.

Wala pang nakakapansin saken dahil nasa field lahat at nagt-training.

Tangina! Ba't ngayon kapa nag loko.
Pinakiramdaman ko kung nasaan ang bato. At nalamang nasa pinakailalim na ito ng dorm. Shit!

Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon