Chapter 11: P-test

12.5K 404 1
                                    

Eris' POV:

Papasok na kami ngayon sa academy. Nasa labas pa kami ng barrier. Waiting for M Zack. M is for master.
Inaantay pa namin siya para mabuksan ang barrier at makapasok kami. Napakatibay at napakalakas kasi netong barrier nato! Kaya't safe na safe ang mga students dito.

Kakagaling lang namin sa Arkille Sanctuary. Sa palasyo nina Lune. Dun kasi kami naka tira. Kaming lima actually. If your asking me kung what royal family ako galing, well that's Arkille. Arkille din ako. Pero di kami magkapatid ni Lune. Ibang Arkille kasi ang angkan namin, at iba naman ang sa kanila. Nagpunta kami dun para ipaalam na di kami nagtagumpay sa mission namin. Disappointed sila pero at the same time thankfull kasi daw may nailigtas kaming mga Lei'lahng na napadpad sa mundo ng mga tao.

Speaking of....

Saang pamilya kaya galing sina Gabe? I mean ang lakas kasi nila--niya! Di ko pa alam ang kapangyarihan ni Lea. Ano kaya yun? Bakit feeling ko di sila magkapatid. Mostly kasi pag magkapatid parehong malalakas. Pero sa kaso ng dalawa. Di ko maramdaman ang enerhiya ni Lea, pero kay Gabe, ramdam na ramdam namin.

Umiling ako at tinuon ang atensyon sa barrier. Nasa harapan na pala namin si M Zack. Binibigkas niya ang mga banal na salita para makapasok kami. Ilang saglit pa ay nag liwanag na ang aming kamay meaning pwede na kaming pumasok.

Unang pumasok si Lune, ang kambal at sunod naman si Mio. Papasok na sana ako nang nakita ko si Lea? Parang si Lea nga! At kakalabas pa lang niya! Pano siya nakalabas? Kinusot kusot ko ang aking mata at umiling.

Pano naman siya makalalabas eh ang lakas netong barrier. Kami ng mga royalties di nga namin mabasag. Siya pa kaya? Except kay Lune, pero di niya talaga ito mabasag. Mas malaki lang ang nagagawa niyang crack kesa sa amin.

Tiningnan ko ulit kung saan si Lea pero wala na siya. Haist! Baka guni-guni ko lang yun. Pumasok na ako sa barrier at nagpaalam na pupunta muna sa battle field mara makapag training. P-test pala ngayon. Di ko namn gustong matalo noh? Lalo na't nanalo ako last year laban kay Ken! Ugh! That man really gave me a hard time winning. But luckily! Ako nanalo! Haha!

Unice POV:

*sigh*

Kamusta na kaya sina ama? Ina?

May iba pa bang Lah'naya na angkan ang buhay pa? Kasi parang wala akong maramdaman na gaya ng angkan namin except kay kuya.

Ewan ko nga't lagi nyang nilalabas ang enerhiya niya. Alam kong naghihinala na sila Lune sa kanya. Pero siya? Di ba niya alam yun? Napaka talaga niya!

Bumuntong hininga nalang ako at humiga ulit sa kama. Nakaka antok. Wala pang activity ngayon. Lahat busy para mamaya. Para sa P-test, power test yan.

Bumalikwas ako sa kama at tumongo na sa banyo para maligo. Kailangan kong i handa ang kapangyarihan ko. Matagal-tagal ko din itong di nagamit.

Simple lang ang sinout ko. Black plain shirt. Jeans at rubber shoes. Pagkatapos kong maligo at magbihis agad akong tumongo sa pinto para umalis na. Buti nalang wala si Leayn. Nag training rin siya. Inaya nga niya ako eh pero humindi ako. Kase nga! Alam niyo na.

Dali-dali akong tumungo sa lugar kung saan ang hangganan ng barrier. Oo! Sa labas ako mag t-training! Mahirap na baka may makakita pa at makaramdam ng enerhiya ko.

Tinapat ko ang aking kamay sa barrier at pinalabas ang aking kapangyarihan.

Nag bukas ang barrier. Hugis bilog ito, sapat na para magkasya ako. Mahirap na pag tinanggal ko talaga ang barrier.

Lumabas na ako at sinara ang daanan.
Pinakiramdaman ko muna ang sarap ng hangin sa dito sa himpapawid.

Namiss ko talaga ang hangin ng mundo ko. Pumaikot ang hangin sa akin na tila masaya itong makita ako.
Napangisi ako dahil dito.

Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon