Chapter 25: Won

9.1K 310 26
                                    

Gabriel's POV:

Mula sa aking kinatatayuan sa mini stage na lumulutang, ay kita ko ang buong lawak ng lupain na sakop ng Raura City. At sa ilalim ng school ay ang lugat kung saan binaba sina Yun.

Merong apat na parang gold sparkling glitters sa aming harap at naghugis parihaba. At sa mga kabuuan nito ay makikita ang mga kaganapan sa ibaba.

2 view kada tao kaya apat ang narito. Dalawang view sa bandang kaliwa ay nakatutuk kay Tanya at dalawa naman sa kanan na nakatutuk kay Yun.

Napaangat ang tingin ko-namin sa bagong labas na straight line measuring 10 meters wide. Di nagtagal ay naging parihaba rin ito positioned on top-middle of the four rectangles.

Lumabas dito ang mapa ng buong lugar kung hanggang san lang sila at kung saan sila. Kay tanya ay may kulay pulang dot at kay Yun naman ay kulay blue. Kita din dito kung san ang position ng activated na traps at ang life bars nila na sa kasalukuyan ay puno pa.

Tahimik lang naming pinagmamasdan ang dalawang mag-aaway para lang makuha ang slot. But knowing Yun, she will win this game effortlessly.

Unice's POV:

Sesh! Kanina pa ako naglalakad. Hindi sa napapagod ako ah. Kundi ako'y bored na. Bored na ko! Nasaan na ba yung tanyang yun? Ang layo ng pinagteleportan niya ha! Hmmp.

Sa aking paglalakad ay nakarinig ako ng tunog ng tubig na umaagos. Sinundan ko ito at nakarating naman ako sa kinaruruunan nito.

 Sinundan ko ito at nakarating naman ako sa kinaruruunan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang maliit na ilog. Pero napakalinis at napaganda. Malinaw ang tubig at mahinahon ang agos nito.

Lumumuhod ako at ginamit ang dalawang kamay para kumuha ng tubig at uminom. Ahhh...napakasarap. pakiramdam ko isa itong bagay na nagbibigay ng dagdag lakas. Napakasarap sa lalamunan at katawan. Napapikit nalang ako at inubos ang natitirang tubig sa aking kamay. Nang matapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero agad ding napahinto dahil sa nararamdamang enerhiya.

Pilit ko tong hinanap pero di ko matuntun ang pinanggagalingan nito. Na tila nanggagaling ito sa iba't ibang direksyon.

Di nagtagal, smokes more like fogs are starting to cover up the place. Pinapalibutan ako nito. Dahil dito naging alerto naman ako.

Kung enerhiya man ito ni Tanya au dapat galing lamang ito sa isang direksyon pero itong isang to. Ay kakaiba.

Ang usok na kanina ay puamapalibot sa akin ay nagkumpol-kumpol at kumorte ng isang bagay. Mali, isang hayop. Ito ba yun? Ang elemental Leo--

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang malakas na alolong ang narinig ko. Ang usok ay nagsosolidify. Mula dito ay lumabas ang hinahanap namin.

 Mula dito ay lumabas ang hinahanap namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon