Chapter 38 - Reunion with Erina

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpabalik-balik ako sa loob ng office ko habang nakahalukipkip. I am not like this. Kahit kailan hindi ko 'to naramdaman kahit noong baguhan pa ako sa work. Lagi akong confident, at ngayon lang ako hindi makapag concentrate sa trabaho dahil sa model na 'yon.

I decided na bumaba at pumuntang greenroom. Busy ang lahat sa loob. Nakita ko ang mga models na naka-upo at inaayusan na. Si Gean naman ay busy sa pagche-check ng mga susuotin sa photoshoot.

"Miss Sy!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Simone, our photographer.

"Is everything okay?"

"Yes. Except, 'yong isang model ay medyo ang hirap pakisamahan," nakanguso niyang sabi. Napangiti lang ako kay Simone. I have known her for quite some time and she doesn't like a diva.

Lumapit naman sa akin si Gean and she look so relieved seeing me. May katabi siyang lalaki na nasa thirties na.

"Ma'am, this is manager Hyun. He's handling our models. Sir, this is our head designer, Miss Ingrid Sy," pagpapakilala ni Gean sa amin kaya agad akong ngumiti.

"Nice to meet you, Miss Sy. Mr. McKinley told me so much about you. Come, I'll introduce you to our models," nakangiti niyang sabi. His accent sounded more like Koreanish though he is fluent in English.

Nilapitan namin ang tatlong lalaki na mukhang Koreano. They're all smiles except from him. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Miss Sy, this is my talent. Kio, Sai, and Hariko," lahat sila ay nag bow sa akin at hindi ko alam kung gagayahin ko ba sila o ano.

"Anyeonghaseyo," Kio and Sai said with a cheerful face.

"Hi," tipid ko lang na sabi. Eh, wala naman akong alam na salita nila, eh. Nakita kong pasimpleng siniko no'ng Sai si Hariko kaya napilitan itong nag bow sa akin.

"Hello," he said in a low voice.

I met his gaze. He has a dark chocolate eyes and I was waiting for it to change from brown to red pero hindi 'yon nangyari. Of course because he is not Hansel and he's not a vampire.

No'ng nagsisimula na ang shooting, napansin kong napaka-jolly nilang lahat. Lahat masaya except sa isa. That Hariko guy. Katabi ko si manager Hyun at sa tingin ko ay napansin niyang kay Hariko ako nakatingin.

"He's a snob one," manager commented. "He never smile except if it's necessary. But that attitude makes more mysterious and girls falls for it." He continued.

I nodded. Just like my Hansel. Ugh! I should stop comparing him to my Hansel. Because if it's him, he'll never ignored me.

Nag-ring naman ang phone ko so I excused myself to answer the call. Unknown number siya. Lumabas ako ng room at pumunta sa balkonahe ng office.

"Who's this?"

"Ateeee!"

Agad kong nailayo ang phone sa tainga ko. What the hell!

"SINO KA BA—"

"Ako 'to, Erina."

Parang nagprocess sa utak ko kung sino ang kausap ko. At halos manlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong si Erina nga ang kausap ko.

"Erina? As in, Princess Erina Kang?" paninigurado ko pa.

"Yup. Can we meet? Nasa mundo niyo ko. Maxhene told me na umuwi ka na raw so I'm really excited. Kyaah! So, let's meet. I'm here at Cafe Linei."

"Sige-sige. Tapusi—"

"NOW NA ATE!" then she hang up.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang choice ko kapag si Erina ang humiling. Besides, I really missed her. I told my secretary na aalis lang muna ko, tumango lang siya. Masyado siyang name-mesmerize sa kaguwapuhan ng mga models.

Nagmamadali akong tumakbo pababa ng building nang may humila sa akin.

"Aww!" Nagulat ako sa sobrang lakas ng hatak niya na halos mapalapit na ako sa kanya. Natural na nanlaki ang mata ko kung sino 'yon.

"What are you doing?" pataray kong tanong.

May shooting pa siya, 'di ba? Then this Hariko guy just pulled out of nowhere at ngayon ang sama ng tingin niya sa akin as if may ginawa akong mali sa kanya. Dahil sa sobrang lapit niya sa akin ay natitigan ko ang mukha niya. Ang init din ng kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Who are you?" he asked.

Blanko ang expression niya at 'di ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi niya ba narinig na ipinakilala ako ni manager Hyun?

"Huh? I'm your client. I manage—"

"I'm not asking for your position. I wanted to know your name. Who are you?" kunot-noo pa rin niyang tanong pero medyo maluwang na ang hawak niya sa braso ko.

"Ingrid. Ingrid Sy," seryoso kong sabi.

Bigla niya akong nabitawan at dahan-dahang napahawak sa ulo niya. It looks like he has headache or something.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Lalapitan ko sana siya pero nasigawan lang ako.

"Don't come near me!" he shouted like he was in severe pain.

"But—"

"I said don't come near me!" Naglakad siya paakyat habang sapo pa rin ang ulo. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Parang baliw.

* * *

"ATE!"

Papasok pa lang ako sa Cafe ay sumisigaw na si Erina. She looks a little matured at may something nagbago sa kanya, 'di ko lang mawari kung ano.

"Kyaah! Namiss kita, Erina." Tumayo siya tapos niyakap namin ang isa't-isa. Dahil hyper siya at tumatalon habang yakap ako. Napatalon na rin tuloy ako.

"Agad akong lumabas nang nalaman kong umuwi ka. Grabe! Kailangan ko pang tumakas. May queen's lesson kasi ako ngayon," humagikhik siya. Pag-upo ko sa table namin, may nakaready ng frappuccino. "Inorder ko 'yan para sa'yo ate. Para kunwari sa akin," Sabi niya pa.

"Bakita ka pala may Queen lesson?" curious kong tanong.

"Sa next Eclipse kasi kokoronahan na akong Reyna.," kibit balikat niyang sabi. Nanlaki naman mga mata ko. What? Siya na ang papalit kela King Vladimir at Queen Veruca?

"Sino'ng King mo? May asawa ka na?"

"Ikakasal ako sa Eclipse. S-si Cris, Ate, ang mapapangasawa ko," she said giggling.

"Omg! Talaga? Wow!"

"Hanggang ngayon kasi, Ate, nawawala pa rin si Kuya. Pakatapos niyang... Basta wala na kaming balita sa kanya," nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Hindi ko mapigilang malungkot din.

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit niya ako iniwan. Nakakatampo talaga siya. Pero kahit gano'n pa man, mahal na mahal ko pa rin siya,"

Nararamdaman ko na naman ang sakit. Parang tinutusok ang puso ko. Hinawakan ni Erina ang kamay ko at piniga 'yon. Naramdaman ko ang lamig nito. Kagaya ng lamig ng balat ni Hansel. Kailan ko kaya ulit mararamdaman ang yakap niya? Ang malamig niyang balat? Ang mga ngiti niya. Ang mga corny niyang jokes at cheezy lines niya.

"Ate, may kailangan kang malaman," seryoso niyang sabi. Napatingin lang ako kay Erina at hinihintay ang sasabihin nito. "Ate,"

"B-bakit?"

"Si Kuya..."she paused. "Si Kuya wala na!" then she started crying.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon