Chapter 20

35.7K 1K 19
                                    

Dad



Sinalubong kami ng mga tauhan ng ama ni Viktor pagdating ng America. Feeling ko tuloy ay meyembro sila ng gang dahil sa mga suot nila. Naka black suit and shoes ang apat na lalaki at hindi man lang ngumingiti. Pormal sila kung makipag usap kay Viktor na kung minsan ay tango ang nakikita kong sagot sa kanila.

Literal na napanganga ako sa bungad pa lang ng mansyon ng tatay ni Viktor. Ang dalawang sasakyan na dala ng mga tauhan nito ay huminto sa tapat ng gate at ibinaba ang bintana ng kotse. Tumango ang gwardiya ng makilala ang nagmamaneho at binuksan ang malaking gate. Sa tingin ko ay isang pribadong pag aari ito ng kanyang ama dahil wala akong nakitang kapitbahay gaya ng isang eklusibong subdivision na nakikita ko.

Mga pine trees ang nakahilera sa magkabilang gilid ng daan sa mahabang daan papasok sa malaking pintuan ng mansyon at nakatayo na sa labas ng pintuan ang ama nito.

Ngumiti ito ng makita kami.

"How's your flight? I hope you're both comfortable?"

"We were comfortable during our flight,thank you."

Nilingon ko si Tyrone na karga ng ama nito at mahigpit ang yakap sa leeg ng ama. He even hides his face in his father's neck.

"Hey baby...say hi to your grandfather."

Hindi ito umimik. Sinubukan itong kausapin ni Viktor pero di ito umiimik. Kinuha ko sa kanya si Tyrone at binaba. Umupo ako para pumantay sa kanya."Wag kang mahihiya,lolo mo sya. Daddy sya ng daddy mo.Say hi at magmano ka."

Alanganin itong lumapit sa matanda at binati ang matanda. Kinuha nito ang kamay at nagmano. Tumatawa ang matanda sa kanya.
"Obedient child."
Ginulo nito ang buhok ng anak ko at nagyayang pumasok na habang akay nito si Tyrone.

"What did you say to him?"

I shrugged my shoulders."Just a little explaination."

Tumango tango ito na nakatingin sa akin.Kinuha nito ang kamay ko at pinagsalikop sa kanya. Taas ang kilay ko sa kanya.Kilan pa ito naging ganito ka sweet? I always known him a rough like kind of man.

Rough...iba na naman tumatakbo sa isip ko. Nagiging berde na ang utak ko simula ng bumalik ulit ito sa buhay ko.

Pinisil nito ang dulo ng ilong ko."I know what you're thinking. We can do that later."

"What? What are you talking about?"
Kilan pa ito marunong magbasa ng iniisip ko? Or is it very obvious in my face?

He give me a quick kiss."I already know you from the tip of your hair till the end of your toenails."

I rolled my eyes to him and didn't admit anything to him.

Hinila nya ang palad ko kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Bumulong ito sa akin,"you can't even hide that from me because you know i am the only one who can did this to you."

Ang yabang! Natural na sya lang! Wala naman akong naging ibang lalaki pagkatapos nya kaya wala akong mapagkumparahan.

"Okay! Okay fine! I agree! Happy?"

Nag ngising aso ito sa akin."Yes. Of course, babe."

Inirapan ko ito at naunang pumasok sa loob. Kahit kilan ang yabang talaga ng unggoy na yun. Kahit naman totoo dapat bang ipangandalakan yun? Ipagmayabang talaga?

Matapos kumain ay pinagpahinga kami ng matanda dahil sa mahabang byahe. Si Tyrone ay nakatulog agad. Marahil ay sa pagod sa mahabang byahe at sa antok.

Beast LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon