Inihiga ko sya sa sofa at nagmadaling pumasok ng kwarto para damputin ang tableta na nakapatong sa bedside table. Ilang beses kong ikinalma ang sarili ko, humugot ng malalalim na hininga bago muling lumabas para tanggalan sya ng sapatos.

Magaan na ngayon ang paghinga nya, hindi na rin nakakunot ang noo, payapa lang syang natutulog, di gaya kanina na aakalain mong pasan nya ang daigdig sa mga balikat nya.

Hindi ko na inabala pa ang sarili kong bihisan sya, wala naman kasi akong damit ng lalaki. Kung kaya't malaya ko syang napagmasdan. Nakatunganga lang ako sa kabuuan nya sa loob ng halos isang oras, iniisip ko kung paanong hinahanap hanap nya si Zadana, at kung paano sila nagkakilala. Hindi ko maiwasang isipin na, baka may alam sya.

Pero pupwede ba yun? Pwede bang magkaroon ang dalawang tao ng parehong pares ng mga mata? Mas singkit ng konti si Euan sa lalaking ito, pero kung titingnab mong mabuti, makikita mo ang malaking pagkakahawig nila.

Napailing na lang ako at pinisil ang tungki ng ilong ko. Kung anoman ang iniisip ko, imposible iyong mangyari, napakalaki ng mundo para magkaroon sila ng kaugnayan, baka naman nagkataon lang.

Dahil sa takot sa sarili kong pag iisip, minabuti ko na lang na pumunta sa kusina at ipagluto sya ng instant noodles. Hindi ko gusto ang tinitingnan sya, hangga't maaari, ayokong salubungin ang mga tingin nya.

Habang nagluluto, hindi ko na rin naiwasan ang alalahanin si Mama. Tuwing may sakit ako, ganito ang ginagawa nya, ipinagluluto nya ako ng noodles, at babantayan ako hanggang sa makatulugan nya. Namimiss ko na sya. Halos dalawang taon na rin pala nang huli ko syang nakita. Gustong gusto ko na syang makita at mayakap, pero takot akong baka salubungin nya ako ng mga tanong na hindi ko masasagot.

Ayokong malaman nya ang kung anoman ang nangyari sa akin habang nasa Amerika ako, sapat nang alam nya na maayos ang lagay ko at nananatili ako sa States para mag aral. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ito ang tamang gawin, dahil ako mismo hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit, bakit nangyari ang bagay na ito. I can solve this on my own, hindi ko na kailangan pang pag alalahanin si Mama at ang kapatid ko.

"You cook?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita sa bandang likuran ko. I turn my back, and there he is, leaning on the table, half naked. Nag iwas ako ng tingin. How could he? Sinong nagbigay sa kanya ng permiso para maghubad sa bahay ko? At wala na ba yung lasing nya? Or am I just hallucinating? I shook my head thrice, pero hindi naman ako nananaginip o ano.

"Give me a minute, maluluto na 'to. Kumain ka tapos pwede ka ng umalis." Inirapan ko sya at ibinalik ang atensyon sa kumukulong tubig sa harapan ko. Napamura pa ako ng lumabo ang paningin ko dahil sa usok na dumikit sa salamin ko. This is what I hate about cooking, people with glasses knows the struggle.

"Zadana can't cook. She burns the kitchen." Humalakhak pa sya matapos sabihin yun, uminit ang pisngi ko. Hindi naman dapat ako maapektuhan.

"I'm not Zadana." Kibit balikat ko na lang at pinatay ang stove. Pinaupo ko na sya, at inihain ang niluto kong instant noodles, ng hindi sya tinitingnan o sinusulyapan man lang. I need to get out of here, gumagapang na naman ang sakit sa sintido ko just because of his freaking laugh! And this is not good, really. I can't take another tablet. Too much med will kill me. Oh God! What should I do?

Pilit kong ikinalma ang sarili ko at napagdesisyunang bumalik na lang sa kwarto, magkulong hanggang sa makaalis sya.

"Where are you going?" Hindi pa man ako nakakailang hakbang ng hawakan nya ang braso ko. And I almost freaked out. Anong ginagawa nya? Gaano ba kataas ang kakulitan sa katawan ng lalaking ito? Hindi na ako makapag isip ng maayos. I can't turn into something I'm not in front of him.

"Dammit, let go!" Hinawi ko ang kamay nya at nagmadaling maglakad palayo. I am not rude, I'm not. Kailangan ko lang talagang gawin ito. He'll hate me? Then that's good, that means that there's a chance that he'll hate Zadana too. I'm laying my cards down. Argh! Hindi ko alam.

"Hey, ano bang problema mo?" Hinabol nya ako at muling iniharap sa kanya. And upon seeing those piercing eyes, dumoble ang sakit ng ulo ko. I'm counting one to ten, kapag hindi sya tumigil, then let it be. Sawa na rin naman akong magtago, kaya bahala na.

"Ikaw! You're-- you're her freaking trigger! And I fucking hate you for that..." Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko, natatakot ako. Nakikita ko ang nakangiting mukha ni Zadana sa utak ko, masaya sya sa nangyayari ngayon. Damn! I hate you Zadana!

"What are you talking about? Fuck! Bakit ka ba umiiyak?" 5 more seconds, and I swear, mawawala na ako sa sarili ko. Lalo pa't ganito sya kalapit sa akin. Hawak nya ang mga balikat ko at pilit akong hinihingian ng sagot.

"Just leave! Please, just leave!!!" Buong lakas ko syang ipinagtulakan palabas ng unit ko. Hinablot ko ang t-shirt nya sa sofa at inihagis iyon sa kanya. Mabilis kong isinara ang pinto at pinihit ang lock noon. Rinig na rinig ko ang pagkalampag nya sa pintuan ko at ang malulutong nyang mura.

Sino ba ang lalaking yun? Ni hindi ko naman alam ang pangalan nya. Boyfriend ba sya ni Zadana? Bakit nya kilala si Zadana, paano?

"Jade! Open this door. Com'on!" Napamulat ako sa sinabi nya. He knows my name. I smiled bitterly, of course, hindi ba't lagi kong ipinagsisigawan sa kanya iyon. But I don't even know his name, or his initial. Pero si Zadana, kilala sya.

Right, Zadana?

Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Talaga nga atang kinain na ako ng kabaliwan ko. I need him now, please, I need my Euan now. He's the only one who can calm my system down, if that boy is Zadana's trigger, then Euan is the counterpart. Inside my head, I own Euan, so please bring him here.

Madilim na ng nagising ako, wala akong maaninag kundi ang mumunting ilaw sa ilalim ng pinto ng unit ko. I creased my forehead, dito pa talaga ako nakatulog sa sahig. I sigh upon remembering what happened. Nandito pa kaya sya? Mukhang napaka imposible naman nun. Baka umalis na sya, at 'wag na sana syang babalik pa.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero idinikit ko ang kanang pisngi ko sa sahig para masilip ang kabilang bahagi ng pinto. Napanatag ako ng wala akong makitang kahit ano bukod sa puting sahig ng hallway.

Natrauma na yata ako. I laughed. At least I'm safe, pero hanggang kelan? I shrugged my shoulders off and turned on the lights instead. Pagod na akong isipin ang bagay na yun, gusto ko na lang talagang matulog ulit.

Sumalampak ako ng upo sa sofa at niyakap ang unan, napangiwi na lang ako ng dumapo sa ilong ko ang amoy nya na kumapit pa yata sa unan ko. I quickly throw the pillow away. Pero nakuha ng isang bagay na nalaglag ang atensyon ko. Gumawa iyon ng ingay sa sahig at agad kumalabog ang puso ko.

Dinampot ko ang susi at pinaloob ko iyon sa palad ko. This is his car's key, at naiwan nya ito sa bahay ko. Mawawala na yata ako sa katinuan, bakit kailangang maiwan nito rito? Anong gagawin ko rito? Should I put this in trash at kalimutan na lang ang pangyayaring ito? Or should I return this to him?

Isinabit ko sa hintuturo ko ang maliit na chain na nakakabit sa susi at tiningnan itong mabuti. May maliit na bote ng beer na nakakabit doon, gawa iyon sa metal at may nakaukit sa likod.

Isen. Is this his name? Napatawa na lang ako, imposible naman yata. Baka idol nya lamang iyong isang character sa Bleach. Or is this really his name? But who cares right?

Agad akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa trash bin sa kusina. Hinayaan kong mahulog ang susi doon. No, I won't let Zadana see you. Hindi ka naman mahalaga, saka isa pa hindi ka na rin naman babalik, so you deserve to be there. I don't need you, or Zadana, or anyone, even Euan. I can face this on my own.

If you're Zadana's trigger, then why would I let you stay? I'd rather erase your traces and just forget about this day. There's nothing wrong with me. There's nothing wrong. Yes, there is. Alam kong may mali sa akin.

***

Unchained FeelingsKde žijí příběhy. Začni objevovat