Nang marinig iyon ay napawi ang ngiti ko.

Ang bilis kumalat ng balita kapag Elizalde.

"Hindi ako sasama, Mr. Hindi 'ko kayang iwan ang anak niyo-"

"But it's for your business. Your family's business," makahulugang sabi niya.

Nagtiim-bagang ako at tinignan suya ng may iritasyon.

"Kung anong sinabi 'ko, hindi magbabago," matigas at malamig na sabi ko.

"Sana nga'y hindi mabago ng kahit sino ang desisyon mo." sabi niya at tumalikod.

What does he mean?

May alam siya tungkol rito. At alam 'kong may plano  si Papa mapaalis lang ako.

Kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang lumayo.

Umakyat ako sa kwarto ni Timi at dahan-dahang pumasok. Nakita 'ko siyang nakaupo sa kama at nakayuko. Mas lalo akong nagtaka dahil hindi man lang ako nito napansing pumasok sa kwarto niya.

"Babe! Musta ka? Namiss-"

"Aalis kayo." natigilan ako sa sinabi niya. Nawala ang ligaya sa aking muhka. "Ipagpapatuloy mo ang mission mo sa London."

Kumunot ang noo ko.

"Timi, hindi ako sasama-"

"Kailangan diba?" tanong niya at tumayo rin siya.

"Pero Timi-"

"Sumama ka na, iwan mo na ako."

Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Napaatras ako at kinabahan, dumagundong ang dibdib ko na taas-baba habang humihinga sa sobrang kaba.

"Hindi kita iiwan," matigas 'kong sabi. "Sinong pumilit sayo? Na paalisin ako!" sigaw ko.

"Walang nagpilit sa akin! Umalis ka na! Kung para naman sa pamilya mo!" lalo ring nagtaas ang boses niya.

Parang binibiyak ang puso ko habang naririnig ang mga salitang iyon galing sakaniya.

Tumulo ang luha ko, hindi tumulo, bumuhos na parang ulan!

"Timi, sinong nag sabi sayo? Sinong nagsabi sayong paalisin ako? Timi, hindi ako aalis! Alam 'kong may nag utos sayo!" sigaw ko.

Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Basag na basag ako.

"UMALIS KA NA! Ito lang ang paraan para mapaalis ka! Mission mo 'yon! Wala sa pamilya niyo kung may maiwan kayo! Basta magawa lang ang mission niyo!" napapikit ako ng mariin.

"Handa akong iwanan ang pagiging Elizalde, Timi, para sayo-"

"Hindi pwede, Megan, umalis ka na." mariing sabi niya.

Ngunit hindi ako nagpatinag! Niyakap ko siya kahit wala akong emosyong nakikita sakaniya.

"Hindi! Hindi ako aalis!"

"Umalis ka na! Mamili ka! Aalis ka o makikipag hiwalay ako sayo? Ano!"

Napaupo ako sa panghihina.

Lalong bumuhos ang luha ko. Tumayo ako at tumingin sa mga mata niya. Wala talaga akong makitang emosyon man lang.

Taas-baba ang dibdib ko dahil sa pag iyak, basang basa ang buong muhka ko.

Tumalikod ako. It's better to leave than to see him treating me like other girls.

Pigilan mo ako, Timi, pigilan mo ako!

Ngunit bigo ako. Ni-tawag kahit isa ay wala akong narinig mula sakaniya.

Durog na durog ang puso 'kong lumabas sa tahanan niya. Sinilip ko ang bintana niya, ngunit isang tingin, wala pa rin.

Anong nagawa 'ko? Bakit kami nagkaganito? Bakit ganito? Bakit siya pa mismo ang nagtaboy sa akin?

ANG SAKIT!

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt