Chapter Nineteen Part Two

Start from the beginning
                                    

Naalala ko yung sinabi ni Lola Sabel na wag kong ipagkakalat na ako si Nigella kasi papatayin kami. Papatayin kami. Pero bakit alam na ngayon ng lahat?!  Sinong nagsabi? 

"Noong bata ka pa, nakidnap ka Niki. Your parents, hindi nila sinabi sa pulis kasi natatakot sila na malaman namin at hindi matuloy ang kontrata. So they adopted a new girl at siya ang ginawa nilang Nigella, kapalit mo."

"Sabi ni Lola Sabel, patay na ang mga magulang ko."

"Nagsinungaling lang siya."

"HINDI!" sigaw ko. Hindi sinungaling ang lola ko! Hindi niya kayang magsinungaling. Mahal niya ako. Kahit hindi ako mahal ni Mico,  o ng tunay kong mga magulang, mahal ako ni Lola Sabel, ramdam ko iyon! 

Bakit nangyayari to? Bakit ang gulo-gulo? Hindi ko pa lubos na maintindihan.

"Alam ng lola mo ang lahat. Pinili niya lang na itago."

"Para saan?" napapaos kong tanong. Pinipilit kong pigilin ang paglandas ng mga luha sa mukha ko.

"What do we know? Malay mo binayaran siya ng kumidnap sayo."

Tumingin ako sa kanya ng matalim.

"At ikaw? Bakit alam mo ang lahat ng ito?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko kasi pinitas niya ang tatlo sa mga talulot ng rosas.

Kung kanina gusto kong itigil niya ang ginagawa niyang pagsira sa rosas, ngayon naman, gusto kong tanggalin niya na ang lahat ng talulot nun. Totoo nga na ang rosas na iyon ay ang aking puso, dahil habang sinisira niya iyon, nararamdaman ko rin ang unti-unting pagkawasak ng puso ko.

"Alam ko kasi hinanap kita. Unang tingin ko pa lang sa ipinalit sayo ay alam kong may mali. Kaya pinaimbestigahan ko lahat."

"At ang mga magulang ko, pinahanap ba nila ako?"

"Oo naman. Pero nung magtagal at wala pa silang lead, pinaubaya na rin nila sa kapalaran na talagang si Nigella na ang gagawa ng hindi mo magagawa."

Kinuyom ko ang kamao na parang sa pamamagitan nun ay maiibsan ang sakit.  Hindi ko akalain na ang mga taong mahal ko, ang mga taong pinagkatiwalaan ko ay ang siyang magbababa sa akin. Ang siyang sisira sa buhay ko. Ni hindi ko na alam kung sino talaga ako ngayon.

"Hindi ako naniniwala sayo. Hindi totoo ang lahat ng ito." Umiiling ako habang umaatras palayo sa kanya.

Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa gawi ko, ganun na din ang pagbadya ng galit na kumawala. Ngayon ko lang napansin na punong-puno ng galit ang kaluluwa niya. Na sa sobrang galit ay tumigas na ang puso niya.

Isang malakas na kamay ang biglang pumulupot sa braso ko.

"Gusto mo ng patunay? Sige, dadalhin kita ngayon sa lugar na magpapatunay ng lahat ng sinabi ko!" sigaw niya sa akin.

Tumiklop ako. Nakakatakot ang itsura niya. Para siyang leon na kakainin ako kapag hindi sumunod sa inuutos niya.

Kinaladkad niya ako sa kotse na dala-dala niya at pagkatapos ay walang seremonyang ipinasok ako sa loob ng passenger seat.

Lumiko siya at pumasok sa kabila sabay tingin sa akin.

"Brace yourself Niki. Makikita mo ngayon ang katotohanan sa lahat ng sinasabi ko."

Pinahid ko ang naglandas na luha at tumingin sa harap. Kung ano man ang makita ko, alam ko na may dahilan iyon. Kaya ko to.

Pinaharurot niya ng takbo ang kotse hanggang sa makarating kami sa isang motel. Hinigit niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng kotse.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now