04

337 17 5
                                    

Malamig na hangin, madilim na kalangitan at ingay na gawa ng alon ang agad na sumalubong sa amin pakahinto ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng dagat na napapalibutan ng iba't ibang resort at nagringin-tingin sa paligid. Pagkarating ay naghanap agad kami kung saan ang pwede naming tuluyan habang nasa lugar kami. Umupa kami ng isang bahay at cottage saka nagbayad. Kukunin na dapat namin ang mga gamit nang sabihin ni Arila na gusto niya munang makita at mapanood ang pagsikat ng araw. Kinuha niya ang dala niyang camera. Nakatayo lang kami habang nag-aabang.

Nakita ko niyayakap-yakap at hinihingahan niya ang kaniyang kamay nang muling umihip ang hangin. Nakasuot siya ng long sleeve pero manipis naman ang tela at isang denim shorts.

"Nilalamig ka?" Tumango lang siya bilang tugon.

"Wala ka bang dalang jacket?"

"Nah."

Napatawa ako. "Wala rin akong dala." Ngumiti lang siya sa akin at muling tumingin sa kalangitan sabay lumakad ng kaunti. Sumunod ako sa kaniya at pumuwesto sa kaniyang likuran saka siya niyakap. Iniintay ko kung magrere-act ba siya ng negative pero hindi naman siya pumalag o kung anuman, kaya ginawa ko na lang na komportable ang sarili namin sa isa't isa.

"Better," rinig kong sabi niya at saka sumandal sa aking balikat. I felt her body relaxed against mine.

Ganoon lang kami ng ilabg sandali; Pinakikiramdaman ang init ng katawan ng isa't isa; nananahimik at nakikinig sa bawat hampas ng alon; at nakatingala sa kalangitan, hinihintay ang pagsikat ng araw.

The second time na pumunta ako ng bahay nila Arila, I knew that there's something between us. It understatement. For the past days, aside for getting-to-know-each-other phase, we both flirted and tease each other without inhibitions. Sa katunayan sobrang gaan nga lang niya kasama at komportable kausap. I just love the time we're together that I ended up smiling like crazy sometimes when I'm alone and thinking of what we might do the next day. If I'm going to describe us, I think we are a thing...who are slowly creating fire from a very small spark.

Naramdaman ko ang bigla niyang pagkapit sa aking braso. Ilang sandali pa ay unti-unti nang nagliliwanag ang kalangitan.

"Wow!" puno ng pagkamanghang sabi niya.

"Oo nga. Wow..." sabi ko hindi lang dahil sa maganda iyong nakikita ko. Kung hindi pati na rin sa pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng tahol. Nakita ko si Puchi na nakadungaw sa may bintana ng sasakyan sa di kalayuan. Medyo malapit rin kasi yung kotse sa dagat para madali namin mailagay ang mga gamit sa bahay at ipa-park na lang mamaya sa grahe mismo.

Binitawan ko siya para makakuha siya ng litrato nang isa sa magagandang tanawin na nakita ko habang kinukuha ko naman si Puchi mula sa loob ng sasakyan.

Pagkatapos noon ay napagdisisyunan na naming pumunta sa bahay. Hindi naman ito kalakihan at hindi rin kaliitan. Kung baga, sakto lang para sa amin. May dalawa itong kuwarto, kusina, sala at CR. Inayos namin ang aming mga gamit at saka nagpagkasunduang magpahinga muna dahil na rin sa haba ng byahe.

***


Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata. Napabangon ako at tiningnan ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng aking unan.

1:30 na pala. Lumabas ako sa kwarto at hinanap si Arila sa buong bahay na inupahan namin pero hindi ko siya nakita. Nasaan na kaya 'yon?

"Baby girl, dito ka muna ha? Tingnan ko lang kung nasa labas si Arila."

Lumabas ako ng bahay at tiningnan kung nasa kotse ba siya pero hindi ko rin nakita. Sinubukan kong maghanap sa paligid ng bahay at tinanaw rin ang ibang mga turista kasi baka hindi ko lang siya napansin sa rami ng tao pero wala.

Summer Scape [Weather Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon