"Foolish second prince!"

Tinanggal niya ang natitirang yelo sa kanyang mukha. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo sa kabayo at mabilis siyang nakapantay sa amin ni Zen.

"Anong pakay mo sa Deltora, Zen? Baka kailanganin n'yo ang aking tulong."

"No. Just disappear."

"Itanong mo na sa kanya Zen kung saan ang mansyon ni Leon sa Deltora. Mas matatagalan pa tayo kung hahanapin pa natin siya." Sabat ni Evan.

"Si Leon pala ang pakay nyo, bakit?"

"Shut up, Le'Vamuievos. Napakadaldal mo."

"Alam ko kung saan siya nakatigil ngayon. I can tell it if you'll introduce me to this beautiful deity." Humigpit muli ang yakap sa akin ni Zen.

"Rosh." Tawag ng dalawang kapatid ni Zen.

"Zen..." hinawakan ko na ang kanyang braso para kumalma siya. Bakit nga ba yelo ang kapangyarihan niya? Dapat apoy katulad ng ulo niyang mabilis mag- init.

Humalakhak si Rosh na umagaw sa atensyon namin.

"Her name is Claret Cordelia Amor..."

Nang banggitin niya ang pangalan ko, alam kong nasa loob na ako ng kanyang hipnotismo dahil ang aking mga mata'y kusa nang sinalubong ang nagniningas na mga mata ni Rosh.

Ano ang ginagawa niya sa akin?

"Oh shit! Don't look at his eyes! Close your eyes Claret! Zen ang mga mata ni Claret!" sigaw ni Evan.

Anong nangyayari sa akin? Bakit parang gusto kong hawakan ang mukha ni Rosh?

Bago pa tuluyang takpan ni Zen ang aking mga mata ay nakita ko ang sabay na pagsugod ni Evan at Caleb kay Rosh na kasalukuyang nakangisi sa akin. Agad kong naramdaman ang panlalamig ng aking katawan nang sandaling takpan ni Zen ang aking mga mata.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi natuloy..." nagpatuloy sa paghalakhak si Rosh.

Malakas na dagundong ng kulog at kidlat, pagyanig ng lupa at biglang pagbaba ng temperatura ang siyang aking naramdaman.

Nagkakaroon ba ng paglalaban? Akala ko ba ay hindi siya kalaban? Ano iyong ginawa niya sa akin? Namamanhid ang katawan ko at tanging ang mukha niyang nakangisi ang tumatakbo sa isip ko.

"Claret..." lumukso ang dibdib ko nang tawagin ni Zen ang pangalan ko.

"Claret..."

Ako'y nakahiga na sa kanyang kandungan habang hinahabol ko ang aking paghinga. Bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina. Ano iyong ginawa sa akin ni Rosh? Tila nalason ang aking buong katawan.

"It's either she'll love me or she'll die..." Sa saglit na pagtitig lang na iyon? Ito ba ang sinasabi ni Evan na kapangyarihan ni Rosh? Paano na ang mga kababaihan sa kakayanan niyang iyon?

"Claret..."

Magkalapat na ang mga noo namin ni Zen sa isa't-isa. At halos malusaw ang aking puso nang may maramdaman akong mainit na patak ng luha sa aking pisngi.

"Ilang taon kitang hinintay para mahawakan at mayakap. But you're in pain..." alam kong nakikita ni Zen ang paghihirap ko sa mga oras na iyon. Ang hirap sa paghinga, ang matinding pawis, ang panunuyo ng aking mga labi, panlalabo ng aking mga mata at pamumutla ng aking kulay.

I'm dying...

"Don't resist his spell Claret, j-just love him. Love him and don't die for me..." No...

Pumipikit na ang aking mga mata ngunit nilalabanan ko iyon. Napapalibutan kami ng makapal na bloke ng yelo na siyang pumuprotekta sa amin mula sa kalaban hindi kalayuan.

"Rosh..." gusto kong umiling at bawiin ang pangalang binanggit ko. Hindi siya ang gusto kong tawagin.

"Go... a-accept him. Live..."

Ramdam ko ang matinding sakit mula sa kanyang boses at sa kanyang mga mata. Hindi ko akalaing ganito pala ang kapangyarihang taglay ni Rosh, mapanganib... nakakatakot.

"Bite her, Zen! Bite her!" sigaw ni Evan.

Sa natitira kong lakas ay pilit akong tumango upang bigyan ng permiso si Zen. Hindi siya nagsayang ng segundo, mas kinabig niya ako at niyakap sa kanyang mga bisig. Nanghihina ma'y iniyakap ko rin ang aking mga braso sa kanya. Ang aking mga kamay ay kumuyom sa kanyang likuran nang damhin ng aking leeg ang kanyang mga pangil.

Halos mapunit ang kanyang kasuotan sa kalmot ko sa kanyang likuran nang sunod niyang kagatin ang mga aking balikat.

"Zen..." nasabunutan ko na lang siya nang kagatin niya ang itaas na bahagi ng aking dibdib.

"Wala na kayong magagawa! That prophecy is nothing but a farce! Hindi totoo ang mga itinakdang babae! Huwad ang babaeng iyan! She's not even a vampire to protect herself! She'll die useless..." lalong lumakas ang kulog at kidlat sa buong kapaligiran ganoon din ang mga pagyanig ng lupa.

Patuloy ang pagpatak ng mga nyebe at ang aking panghihina'y hindi tumitigil. Hindi tumatalab ang mga kagat sa akin ni Zen. Pilit niya akong ginagawang bampira pero pilit iyong tinatanggihan ng aking katawan.

Nasa mga braso ko na ang mga pangil ni Zen.

"Zen..."

Nagtutuluan na ang mga luha ko. Kaunting panahon ko lang siya nakasama pero sumasakit ang dibdib ko sa kaalamang iiwan ko siya.

Punung-puno na ng aking mga dugo ang kanyang mga labi, nagsimula na akong umiling sa kanya. Walang nangyayaring pagbabago. Ayaw na ng katawan ko, kung magpapalit iyon ay dapat matagal na akong naging bampira sa unang kagat pa lang niya.

"Keep biting her, Zen!" malakas na sigaw ni Caleb. Pilit gustong makalapit sa amin ni Rosh. Anong malaking problema niya sa mga babaeng nabanggit sa propesiya?

"Claret..."

Nasira na ang magarang saya na siyang suot ko. Ngayo'y nakayuko sa aking mga hita si Zen at wala siyang tigil sa pagkagat doon.

Ano ang bagay ang pumipigil sa pagpapalit ko bilang bampira?

Pilit kong kinapa ang kwintas na ibinigay sa akin ni lola. Ito ang tumulong sa akin noon mula sa halimaw na gustong kumain sa akin. Ano pa ang kayang gawin nito?

"Zen..." tumigil siya sa pagkagat sa akin at mabilis niyang hinawakan ang aking mukha.

"Remove my necklace, iiwan ko na sa'yo..." ilang beses siyang umiling sa akin.

"No, no... Claret..." pilit kong hinila ang kwintas ni lola para ibigay kay Zen.

Ngunit nang sandaling iyon ay mawala sa leeg ko parang may kung anong klase ng pagsabog ang naramdaman ko sa loob ng aking katawan.

"C-Claret?"

Mas lalong nanuyo ang aking lalamunan, hindi mula sa panghihina kundi dahil sa matinding pagkauhaw. Ang aking mga mata'y agad hinanap ang leeg ng Prinsipe ng mga Nyebe.

I could even see his veins. Paano ko iyon nakikita?

Ang takot at sakit mula sa mga mata ni Zen ay unti-unting nawala. Kusang ibinuka ng Prinsipe ng mga Nyebe ang kanyang mga braso para sa akin.

At nagningas ang kanyang mga mata, tulad nang unang beses lumapat ang kanyang mga pangil sa akin.

"I made it."

Hindi ko na alam kung saan ko kinuha ang aking bilis dahil natagpuan ko na ang aking sariling nakayakap sa kanyang katawan habang ang aking mga labi ay marahang dinadama ang kanyang leeg.

Kasagutan sa aking matinding uhaw.

Isang kagat sa kanyang leeg ang nagpabuhay sa aking nanghihinang katawan. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong klase ng pagkauhaw sa buong buhay ko.

Marahan niyang hinaplos ang aking mahabang buhok.

"Welcome to vampire world my Claret Cordelia Amor..."

icon lock

Покажите свою поддержку VentreCanard и продолжайте читать эту историю

от VentreCanard
@VentreCanard
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a he...
Разблокируйте новую часть или всю историю. В любом случае, ваши Монеты помогают авторам зарабатывать деньги за истории, которые вы любите.

У истории осталось 68 частей

Посмотрите, как монеты поддерживают ваших любимых писателей, таких как @VentreCanard.
His Bite (Book 1 of Bite Trilogy) Venom Series #1Место, где живут истории. Откройте их для себя