Chapter 27

4.9K 121 58
                                    

JHO'S POV

*Back to present*

"We're here."

Umikot ang tingin ko sa paligid ng ihinto ni EJ ang van sa harap ng isang malaking villa. Sa unang tingin palang ay alam na alam mo na agad na isang mayamang pamilya ang nagmamay-ari nito.

"Jho..." Ate Ly held my hand and turned at me with a concerned look. "Are you sure about this?"

"Of course ate. It's now or never. Kailangan kong iuwi si Beatriz."

"Okay..." She took a deep breath and smiled. "Tandaan mo lang na lahat ng sasabihin ni Bea sayo, positive man or negative, lahat yun para lang sayo."

"I don't get it."

"Basta. Maiintindihan mo rin ang lahat."

"Jho, let's go." Utos ni EJ at bumaba ng van.

Okay... This is it. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong maging matapang. Kung ano man ang mangyayari sa loob, kung ano man ang malalaman ko, lahat ng yun ay para sakin. Lahat yun ay para samin.

Okay...

Okay...

"We got you Jho." Ate Ly smiled. "If anything goes wrong, we will show up in just a snap."

Napatingin ako sa kanilang lahat. Kumpleto kami. Buong team. Lahat sila ay nakangiti sakin at sinasabing walang iwanan.

"Thank you." I smiled as I get out of the van.

EJ escorted me. Naglakad kami papunta sa entrance ng villa. Kahit sa labas ang napakarami ng tao na sa unang tingin palang ay alam mo ng mayayaman ang mga ito dahil sa eleganteng kasuotan ng mga ito. Tuloy lang kami sa paglalakad pero mahahalata mong nakatingin silang lahat sa amin. Nagbubulungan, na para bang nagulat, para bang nakakita sila ng taong matagal na nawala at ngayo'y nagbalik na.

"Relax ka lang Jho. I got you." EJ said as she smiled at me.

"Why are you doing this?"

"Because you're my greatest love."

"Huh?"

"Malalaman mo rin sa tamang panahon."

Bumukas ang entrance. Bumungad saking mga mata ang isang napakagandang hall na puno ng mga mayayamang nilalang.

Rest house lang to? Grabe. Ang yaman nila.

"Let's go."

Inalalayan ako ni EJ papasok ng bahay. Lahat ng tao ay nakatingin saming dalawa. Ano bang problema ng mga to? May dumi ba ko sa mukha? Maganda naman ako ah?

"Just act natural. Titigilan ka rin ng mga yan." Bulong niya sakin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti na parang walang nangyari. Bahala sila sa buhay nila kahit magbulungan sila dyan. Hindi naman nila ko kilala.

"Nasan na ba si Bea?"

"Nandyan lang yun."

"Akala ko ba alam mo kung nasan siya? Dalhin mo na 'ko sa kanya." Ma-awtoridad kong sabi sa kanya. Eh kasi naman naiinis na 'ko! Si Bea lang naman ang pinunta ko sa party na 'to tapos ayaw pa 'kong dalhin agad sa kanya!

"Chill. Wag kang masyadong gumawa ng eksenang kapansin-pansin. Baka makita tayo ni Kianna."

"What the f?! Kanina pa tayo pansin na pansin ng mga tao. Malamang alam na ni Kianna na nandito tayo dahil kanina pa tayo pinagtitinginan dito."

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 09, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Secret Love Song (JhoBea)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant