Chapter 12

4.4K 109 5
                                    

JHO'S POV

"Beh, malayo pa ba? Jusko, natatakot na 'ko." Ilang oras na kaming naglalakad pero wala pa ring nangyayari. Jeez. Niloloko lang yata ako nitong kasama ko! "ANUNA BEH?!"

Tahimik lang ang buong paligid. Tanging mga insekto at dahon na hinahangin lang ang naririnig ko. Ang creepy na talaga, idagdag mo pa yung malamig na haplos ng hangin sa balat ko. F*ck. Nilalamig na ako.

Patuloy lang kami sa paglalakad ng maramdaman ko nalang na biglang nag-init ang pakiramdam ko. I'm wearing a jacket now and it smells like Bea.

"Thank you." I said but received no response from her. "May maganda naman palang naitulong 'tong pakulo ni Ate Ly. Ang tahimik ng buhay ko, walang maingay na Bea akong naririnig."

She's definitely frowning right now. Haha! Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng may marinig akong kumaluskos. "F*ck. Ano yun?"

"AHHHHHHH!!!!"

"HOY! LECHE. ANO YUN?! BAKIT MAY SUMISIGAW?! PARANG SI TREY YUN AH! HOY BEA! ANONG NANGYAYARI?!" Bigla niyang binitawan kaya SH*T LANG HOY! SAN NAGPUNTA YUN?! "HOY BEA! NASAN KA NA?! HINDI NA 'TO NAKAKATUWA! HOY!"

Bigla akong may narinig kumakaluskos. Jusmio ayoko pang mamatay! Hindi pa ako handa. Napaupo ako at nagtakip nalang ng tenga. Hindi ko na maexplain yung nararamdaman ko. Ni hindi ko na magawang alisin yung blindfold ko dahil baka kung ano pang makita ko pag inalis ko. Jusko. Ayokong makakita ng multo. Mas lalo namang ayokong makakita ng tigre dito, o ahas, o kung ano man.

F*ck. Humanda ka sakin mamaya Bea! Leche. Bakit mo 'ko iniwan dito?! Mapapatay talaga kita mamaya! Wag na wag kang magpapakita sakin!

"Jho."

"AY P*TA!"

"Grabe ka namang makamura dyan. Ang ingay mo."

"W-wait. Ikaw ba yan Gi?" Tumayo ako at kinapa-kapa ko yung taong nasa harapan ko. Malaki. Malaki ang katawan. Si Gi nga. "Nasan si Bea?"

"Bakit mo sakin tinatanong? Para namang makikita ko eh nakablindfold ako."

"Ay. Oo nga pala. Si Jamie?" Tanong ko at kinapa-kapa kung may katabi siya pero... "Yuck. Ano ba 'tong nahawakan ko? Ang lagkit."

"Ano yan?"

"Ewan ko." Inamoy ko yung kamay ko at-- "Ang baho! Ano ba 'to?!"

"Aba malay ko! Tigil tigilan mo yang pagkapa mo at baka may iba kang makapa dyan."

"Hinahanap ko kaya si Jamie. Nasan ba?"

"Edi nandito sa tabi ko--- HOY! JAMIE NASAN KA?! HOY! P*TA! BAKIT INIWANAN MO KAMI DITO! HUMANDA KA SAKIN MAMAYA!"

Oh crap. Now we're doomed! "Leche ka De Leon! Patay ka sakin mamaya!"

"AHHHHH!!!"

"ANO YUN?!"

"Si Mich!" Sigaw ko at napahawak kay Gi.

"Kadiri ka Jho! Bakit mo pinahid sakin yung kamay mo! Ang baho!"

"Sorry naman. Natakot lang ako."

"Mabuti pa kung lumakad na tayo."

Naglakad kami at nangapa sa dilim. Gustuhin man naming alisin yung blindfold, hindi namin magawa dahil ayaw naman naming mandaya noh. Kahit na nakakainis 'tong pinapagawa samin ni Ate Ly, hindi namin magagawang mandaya.

Secret Love Song (JhoBea)Where stories live. Discover now