Chapter 7

4.9K 86 13
                                    

JHO'S POV

You're my "never" in this world full of "almost".

Bigla akong napadilat. Umaga na pala. And f*ck. Bea's still an inch away from me. Ano yun? Walang galaw-galaw? Tulog na tulog lang?

You're my "never" in this world full of "almost".

You're my "never" in this world full of "almost". 

You're my "never" in this world full of "almost". 

Paulit-ulit na nag-echo sa isip ko yung statement na yun. Bakit tagos na tagos sa puso ko? Parang ang sakit. Parang sinasaksak yung puso ko ng paulit-ulit. What does that even mean? Panaginip lang ba yun o sinabi talaga ni Bea sakin yun?

Tinitigan ko ulit siya. I can feel her deep breathing. Crap. Ang amo pala ng mukha niya. Oo na, aaminin ko na... Ang ganda niya. Kainis. Nakakainggit. She's almost perfect. Beauty and brain plus an athlete. Sinong hindi maiinlove sa babaeng 'to? Ang swerte ng magiging jowa nito. Ang swerte ni EJ...

Damn it. EJ na naman. Nagseselos ba ako?! The last time I checked I'm straight as a ruler. Ugh. Maybe it's just on my mind. Right. Nasa isip ko lang 'to lahat. Mawawala din 'to.

My phone suddenly vibrated. Good thing maluwag na ang pagkakayakap sakin ni Bea kaya nakakagalaw na ako. I grabbed my phone to check the message.

To my surprise, it was mom.

---
From: Mama
Good morning sweetie. We need to talk. Meet me at St. Luke's. Check up day. Take care. Love you.
ps. don't bring De Leon
---

Don't bring De Leon? Why? Diba close sila or something? Diba nga tinawagan pa niya si mama nung sinugod ako sa ospital? I won't really bring Bea tho, but why would mom tell that?

I checked the date. It's 8th of May. F*ck. It really is check up day! Kahit ayaw ko, wala akong magagawa kundi harapin ngayon si mama. Bakit ba kasi kailangan pa niyang sumama? Pwede naman akong mag-isa nalang pumunta. Argh.

Dahan-dahan kong hinawi ang braso ni Bea para makatayo ako. Jeez. Tulog mantika. Di man lang nagising. Mabillis akong naligo at nagbihis. Nagluto na rin ako ng breakfast para hindi na magluto si Bea. Kawawa naman kasi yung tyan niya kung siya ang magluluto. Kumain na rin ako para may laman naman yung tyan ko kahit paano.

Paalis na ako pero tulog pa rin si Bea. Seriously? Puyat ba 'to o ano? Sa bagay. Lasing kasi kagabi. Hang-over maybe? Kumuha ako ng isang sticky note sa side table at sinulatan yun syempre. Ano bang ginagawa sa sticky note? Kinakain?

Iniwanan ko sa tabi ng food niya yung note at umalis na. This will be a long day. I know.

Paglabas ko palang ng Eliazo ay nakita ko agad ang isang itim na sasakyan na nakapark sa harap. What a f*cking beautiful scene to start my day! I meant that in a sarcastic way tho.

I frowned as I walk towards the car, pababa naman yung window at bumungad ang nakangising pagmumukha niya. Ang sarap lang lampasuhin.

"And what do you think you're doing here huh?" I asked with a raised eyebrow. "Siguraduhin mong maganda yang rason mo kundi lalampasuhin ko talaga yang pagmumukha mo Marci."

"How harsh Jhow-jhow." He just smiled again which made me annoyed than ever!

"Diba sinabi ko na sayo tantanan mo na 'ko?!"

"Sorry. But your mom told me to pick you up." Argh. Mama naman eh! Of all people bakit si Marci pa! "Get in."

"I don't have a choice, do I?" I just rolled my eyes on him and got inside of his car. Syempre sa likod ako sumakay. Ayoko ngang katabi yan.

Secret Love Song (JhoBea)Where stories live. Discover now