Chapter 19

4.6K 123 29
                                    

JHO'S POV

"Jho, anong sagot sa number 5?"

"Tumahimik ka nga Rex. Hindi ako nakapagreview kagabi. Wag mo 'kong guluhin. Tanungin mo si Marge." Bulong ko ng hindi siya nililingon.

Jusko. Eh sino ba naman kasing makakapagreview sa mga nangyari kagabi? Haaayyys. Paano ko ngayon sasagutan 'to?

"Jho. Wala rin siyang sagot sa 5."

"Ewan ko sayo Rex. Hulaan mo nalang."

"Mr. Intal and Ms. Maraguinot, anong pinagbubulungan niyo dyan?" Napalunok ako dahil masamang masama na ang tingin samin ng professor. Ugh. "That's a warning. Pag nahuli ko pa kayong nag-uusap papalabasin ko na kayo."

"Sorry po ma'am." Nakatingin na lahat ng classmates namin. Yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Bwisit kasing Rex 'to! Mangongopya nalang halatang halata pa.

Nakalipas ang halos kalahating araw-- este kalahating oras at natapos na ang exam. Oh crap. What a day. Naka-apat na exam kami ngayong araw. Tapos bukas ulit, dalawa naman. Argh.

Nakapagpasa na kami ng papel at lumabas na rin agad yung prof. Nag-aayos na kami ng gamit ng tumabi sakin si Rex. "Bakit di ka nakapagreview?"

"Lakampake."

"Sungit naman nito. Nagtatanong ako ng maayos eh."

Sheesh. Obvious naman siguro na ayokong pag-usapan di ba? Tss. "May pinuntahan kasi ako."

"Saan?"

"Ugh." Hindi ko na napiligan ang sarili ko kaya inirapan ko na siya. Sorry, I can't help it. "Do you really have to ask all the details?"

"Yes."

God. Seriously Rex? "Damn. And why is that?"

"Kasi hindi mo 'ko napakopya. Kaya go, kwento na."

"Arghh." May choice pa ba ako? Siguradong hindi niya ako titigilan pag hindi ko pa sinabi. "I was with Kim."

"Oh. Si Kim lang pala eh? Diba magkasama lang naman kayo sa dorm---"

"Kim Dy."

"WHAT?! KIM DY?! AS IN KIANNA DY?!"

Okay? "Why? You know her?" Ang OA mo Rex.

"Don't you know? She is Marck's girlfriend."

"WHAT?!"

"Dummy." Napalingon kaming dalawa sa pinto. Okay? What is she doing in here?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka."

"No need."

"So, maglalakad ka?" She grinned and show her most annoying signature facial expression.

"LQ na naman kayo?" Singit ni Rex habang palipat-lipat ng tingin saming dalawa.

"Eh kayo? Break na naman kayo? Sus. Sapakin kita dyan eh. Kausapin mo na si Trey." Inirapan ko lang siya at kinuha na lahat ng gamit ko at lumapit kay Bea. "Let's go."

"Sure thing, my princess." Inakbayan niya ako at ngumiti. Hay. Wala ako sa mood magsungit ngayon. "Kain muna tayo?"

"Saan?"

"Anywhere. Kung saan mo gusto."

"Tinatamad akong mag-isip. Bahala ka na."

"Hmm.... 'Kay."

Secret Love Song (JhoBea)Where stories live. Discover now