Special Chapter- 6

74 4 0
                                    

May nagsabi po kasi sakin na bakit daw di ako nag uupdate. Eh ano ba ilalagay ko? Kasinungalingan? Ayaw ko nga. So may nangyari naman kaya ayun, sige mag uupdate na ko.

Happy ka na? Hahaha joke kapatid.

------------------------------------------

First Time

December 05,2013

So tanda niyo pa ba tong date na to? Kung hindi, balik kayo sa chapter one. :)

Memorable din tong date na to kasi isa nga siya sa naging masaya sa buhay ko, naks ang drama ko.

Sige na, wag na ibalik ang dati. Ganto nga kasi yun, yung kapatid kong yun? After 1 month and 10 days, i think. After nung halos maiyak iyak ako sa conversation namin noon, bigla ba naman magparamdam.

Ano naramdaman ko? Mixed Emotions.

Masaya? Gulat? Tampo? Ewan.

Nagviber eh. Eh ang pangit naman tignan kung hindi ko papansinin.

-CONVERSATION-

Francis: Kapatid

Ano? Sasagutin ko ba?

In the end, wala. Sinagot ko din.

Ako: Oh?

Siya: Ano ba req sa la salle?

-END-

So ayun, puro tungkol lang dun napag usapan namin. Pero atleast diba, nagkausap ulit kami.

Wag nga kayo. Si Ivan na crush ko. Masaya lang talaga ako kasi nga diba, for one year ko ng halos kilala yan, ngayon lang kami nagkausap ng harapan. Oo, harapan yun.

Eh paano kanina.

-FLASHBACK-

Pagkatapos namin sa Math, recess na namin. Ako ata yung unang lalabas sa room namin.

So paglabas ko ng pinto, nakita ko sila. Oo yung tropa nila, sa gulat ko, napabalik ako sa room.

EWAN KO. Parang kinabahan ako eh. Di ako sanay kahit gusto ko maging close yung kapatid ko.

As if na magiging close ko. :)

So, ayun. Kaso pinalabas din kami ng guard kaya sa labas kami ng room ng stay.

Eh bakit naman ganun? Nalaman ko nalang na nakapanik na agad sila. Grr. Pag feeling ko nga, papunta sa may room namin, napunta ako sa mga kaklase ko. Ewan ko ba, hindi nga kasi ako sanay.

Pero alam niyo nakakagulat? May tumawag sa pangalan ko.

Eh sino pa ba? EDI SIYA.

Siya: PAU!

Lilingon ba ko? Malamang tinawag ako eh.

Ako: Oh?

Siya: Papapirmahan ko nalang ba yun?

Ako: Tapos mo ba? Dala mo lahat?

Siya: Oo.

Ako: Oo sige, pwede na yun. Basta ibigay mo lang sa office.

Siya: Sige.

HARAPAN YAN! Nakakahinga pa naman ako no. Hindi nga kasi ako sanay kumausap ng taong first time akong kinausap ng harapan.

Ewan ko ba, pagkatapos nun bigla akong nakahinga ng maluwag. Yung feeling na parang takot ka tapos pagtapos nun bigla kang magiging okay.

So ayun, 2 hours na klase. Nagreport pa nga ako sa subject na Araling Panlipunan. Niloko pa nga ako ng mga kaklase ko, pati na teacher namin. Eh paano, si Francis kasama ko. Francis na kaklase ko, hindi siya. Nagkataon lang na kapangalan.

Tapos pinagsabay pa sa araw na to ngayon.

Hindi ako maka-angal kasi pag ginawa ko yun, alam nila na umaayaw ako dahil kay Ivan. Ayokong matukso ako lalo na at nandun si Ivan.

Pagkatapos nun, LUNCH TIME NA.

Bumaba lang ako sa canteen para bumili pero agad din akong umakyat. Eh grabe naman. Hindi ko naman ineexpect na lalapit na naman siya eh.

Nasa loob kasi kami nung kabilang room. Eh narinig ko na yung pinto ay parang may nagtatakang magbukas, lumingon ako. Tapos nakita ko yung kaibigan niya, eh matik na yun. Kasama siya.

Nung lumapit, okay lang naman. Kaso hindi ako sanay pa rin kasi kasama niya yung mga tropa niya na minsan na din akong napag usapan kasi alam nila na NAGING crush ko si Kapatid ko, si Francis.

Nagtanong lang naman ulit siya dun sa form. Ayos lang sakin yun. Mabait po kasi ako :)

So ayun. Pagkatapos naman nung 3 balik niya na pagkausap sakin. Masaya naman ako. Malay ko ba na kung kailan ko siya hindi na crush, dun siya makikipag usap ng harapan.

-END-

Oh sige na. Next time ko nalang ulit kayo kukwentuhan ah? Siguro sa JS ulit? Kaso bahala na. Pinag iisipan ko pa kung aattend ako eh, ayaw ko po maging loner sa JS. Imposibleng isayaw ako nun ni crush. :)

Next time po ah? Kausap ko pa kasi yung nagsuggest sakin na magupdate daw po ako. :)

"I maintain that I never expect anything, therefore I'm always pleasantly surprised."

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now