Chapter Forty Three

96 4 1
                                    

Happy Birthday! :)

Pauline's POV

Sa mga nagdaang araw, halos hindi kami nag uusap, syempre naman ano ang pag uusapan namin? Wala naman diba? Minsan naman nag uusap din kami kapag tungkol sa school or whaever na kalokohan. Pero MINSAN lang. Once in a blue moon nga ata eh.

Eto ako ngayon sa school, June 20 ngayon eh. Birthday ko. Pagpasok ko sa school, binati agad ako ng mga kaklase ko. Syempre sino ba naman ang hindi matutuwa diba? Pero may isang tao pa din talaga akong hinihintay bumati sakin.

Hindi pa din niya ko binabati hanggang sa nagsimula na ang flag ceremony. Sa mga nakalipas na araw, parang hindi ako naging masaya. Napapansin ko na kasi na twing sabado ay magkasabay sila pumasok ni Girl.

May CAT kasi kami twing sabado o mas kilala sa tawag na Citizens Army Training. Naghinala na ko na siguro sila na pero sa twing tinatanong ko si Francis, hindi siya nasagot.

Kaya heto ako, hindi ko iniintindi kung ano man yung naiisip kong yun. Birthday ko ngayon. Dapat masaya ako diba? :)

"Pau, Happy Birthday!"

"Pauline, Happy Birthday!"

"Happy birthday!"

Yan ang mga naririnig kung bati ng mga kaklase ko sa akin. Hanggang ngayon na nakapila kami sa labas ng room ay hinihintay ko pa din ang kanyang pagbati.

Nakarating na ang teacher namin ay hindi pa din, wala pa din. Pati ba naman pagbati, Imposible kong makuha? Saklap talaga no?

2 oras nang nagtuturo ang mga teacher namin. Pagkatapos kasi nito ay Recess na kaya't saglit nalang naman ay makikita ko ulit siya.

Ayan, tapos na kami magklase kaya't eto ako ngayon, naghihintay pa din ako sa pagbati niya. Bakit ba hindi niya magawa? may masama ba dun? may magagalit ba? nakakatampo eh.

30 minutes akong naghihintay na lumapit siya at batiin ako pero natapos na naman ang recess ay wala pa din. :(

Paakyat na naman kami sa room namin na may malungkot na ekspresyon sa aking mukha. Kahit isa lang, okay na ko.

Ayan na naman, 2 teacher ulit ang magtuturo sa loob ng dalawang oras. Sige lang, turo dito, turo doon. Sagot dito, sagot doon.

Natapos na ulit ang klase namin at eto kami sa Cafeteria. Hindi namin gusto kumain ng madami kaya't hanggang ice cream lang muna kami.

Paglabas namin ay nakita kong parang nakatingin siya sakin. Oo siya, kilala niyo na siya. Medyo malapit kasi sila samin. Hindi sa nag assume ako pero parang talaga.

"Jessica, alis na tayo dito! Para kasing nakatingin siya sakin." Sabi ko kay Jessica.

Agad kong hinila si Jessica pero hindi pa kami ganoon nakakalayo ay biglang may dalawang lalaki na sabay sumigaw..

Si Luis at Francis. Sumigaw lang naman sila ng "Happy Birthday!" Ang sadyang nasabi ko nalang ay "Thank you" dahil sa hiya ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil binati niya ko o malulungkot dahil ngayon lang niya siguro naalala.

Kinilig pa din naman ako kahit papano. Pagkatapos ng kilig moment ay agad kaming pumunta sa loob ng Cafeteria dahil nakakauhaw kaya. Ahaaha!

Hindi ko naman inaasahan na sa pagpasok namin ay nandun sila. Dun pa

mismo kung saan ako bibili.

Hindi naman ako nahiya at ayun ay bumili pa din ako. Pagkakuha ko ng inumin ko ay bigla na namang may sumigaw pero isa nalang siya, sabi niya,

"Pau, Happy Birthday!" Bati sakin ni Francis. Matutuwa na ba dapat ako? Hindi. Kasi feeling ko inutusan lang siya na batiin ulit ako. Ay ewan.

Tanging nasabi ko lang ay, "Paulit ulit?" Ginantihan naman niya ko ng isang ngiti.

Pagkatapos ay agad kaming umakyat dahil mag uumpisa na muli ang aming klase. Pero iba ngayon dahil umakyat ako ng may ngiti sa labi.

Natapos ang klase namin at pag kauwi ko ay agad akong nagbukas ng aking facebook. Madaming bumati pero may naalala ako. Merong hindi bumati sakin. Alala ko pa na binati ko siya pero hindi niya ko binati. So ano sa tingin niyo dahilan? Hahaha. Pero hayaan natin siya.

Patuloy lang akong nagpapasalamat sa mga bumati sakin pero bigalang may nagmessage sakin. Nagulat ako!

Kasi binati ulit ni Francis. Sabi niya lang ay, "Pau Happy Birthday Ulit." Natuwa naman ako kasi nakatatlong bati siya. :)

Kaya hanggang sa pagtulog ko ay maganda ang ngiti sa labi ko.

Addicted to that Guy with Braces!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon