Chapter Thirty Four

129 3 0
                                    

HAPPY OUTSIDE, DYING INSIDE.

Pauline's POV

Dapat ba maging masaya ako para sa taong mahal ko? Dahil improving na yung relationship nila sa isa't isa. Siguro sasabihin ng iba, dapat masaya ako. Yun bang mga linyang "masaya ako kapag masaya ang mahal ko." tama ba yun?

Siguro karamihan sa inyo, sasang ayon sa linyang yon, pero tayong mga nagmamahal o nagpapakamartyr, handa ba tayong tanggapin ang linyang yan?

Siguro sa una, HINDI. Sana okay lang, kasi tayo din yung nasasaktan diba? Tayo din yung nahihirapan kung patuloy pa din natin mamahalin ang taong kahit kailan ay hindi magiging atin. Tayo din ang magdurusa sa sakit na nararanasan natin.

Nakakatorture diba? Yung nakausap mo pa rin siya, pero ano? Yun yung malalaman mo tungkol sa kanya? Masakit, sobrang sakit. Ang sarap umiyak ngayon.

-FLASHBACK-

Viber:

Pauline: Oh musta kayo ni ano?

Francis: masaya eh.

Pauline: eh ba't nga eh.

Francis: improving kasi eh.

Pau: paano? kwento nga diba?

Francis: parang kami na haha

Pauline: how?

Francis: yung tawagan namin sa isa't isa haha

Pauline: endearment?

Francis: LOKO.

Pauline: loko ka pala eh, ano ba yan?

Francis: LOveKo powzzz hahaha

Pauline: improving na nga, ikaw na. yehey! party.

Tapos may mga sinend siyang conversation nila about sa endearment nila, ang sakit lang.

-END-

ang tanga ko diba? alam kong masasaktan na ko, pero bakit ko binasa? kasi para satin, iisipin natin na sana isang joke lang ang lahat ng sinasabi niya.

Habang tinatype ko to, hindi ko mapigilan umiyak. kasi alam niyo naman ako, madali akong umiyak. iyakin na talaga ata ako eh, habang kausap ko siya, sinasabi ko na masaya ako para sa kanila, pero deep inside, parang NAMAMATAY ako, or siguro dapat na ba?

Sasabihin na naman ng ilan na, "Tanga ka ba? Magpapakamatay ka para sa kanya? Ang dami daming lalaki diyan." Oo nga madami nga, pero mahal ko ba sila? Hindi diba. tapos may magsasalita ng, "Kasi hndi mo pa siya nakikilala." Siguro nga, pero ngayon? tong araw na to ngayon? Masakit talaga.

Tunay akong masaya kung yun yung nangyari, (tungkol sa secret namin to), pero wala naman akong magagawa, nakapagdecide na siya eh. Masaya na siya.

Should i be happy? Dapat ba talagang maging masaya ako?

Ang laki kong tanga talaga, di ko alam bakit ako nagkakaganito, sana nung una palang tinapos ko na tong feelings ko sa kanya, e hindi eh. hinayaan ko pa rin na mainlove ako sa kanya, alam mo masasabi ko? tulad lang ni Mae Chua sa Paano na kaya..

"LAHAT NG NAGMAMAHAL, NAGPAPAKATANGA, KAYA TANGA NA KUNG TANGA PERO MAHAL KITA! MAHAL KITA, GAGO KA!"

Ang laki ko din kasing gago eh, i mean tanga na din. Hinayaan ko pa kasi tong letseng pagtingin ko sa kanya, kung tinigil ko agad eh di sana di ako nasasaktan ng ganito.

Alam niyo yun? Siguro iba sa inyo, sasabihan akong, "MAARTE, OA, MALANDI," o kahit ano pa, sige lang. Ganito kasi ako maglabas ng sama ng loob eh, dito ko sinasabi lahat lahat ng nangyayari samin ni Francis.

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now