Chapter Forty Two

104 2 0
                                    

History repeats itself.

Pauline's POV

Ako yung tipo ng taong kapag nagkwento, its either tungkol sa kaibigan o tungkol mismo sa'yo. Yung habang kausap kita at kinukwentuhan kita ng isang kwentong hindi pamilyar sa'yo, yun pala ikaw na ang bida dito.

Hindi mo namamalayan, mga kwento kong tinatawanan mo, iiyakan mo sa huli. Well, hindi naman sa nananakot ako, kapag alam kong may kailangan kang malaman, idadaan ko sa kwento.

Pero hindi naman lahat ng kwento ko tungkol sa'yo, kaya yung mga nakukwentuhan ko diyan, wag matatakot. Malay niyo, kilala niyo lang pala.

"Sasabihin ko ba o hindi?" Ang laging tanong ko sa sarili ko. Tama ba na ilihim ko pa din yun?

Sa tingin ng iba ay dapat kong sabihin, pero ako yung mahihirapan kapag sinabi ko, kasi sigurado akong malaking gulo ito kapag nalaman niya. Pero hanggang kailan ko ito itatago?

"Alam mo, pinag iisip mo ko ng sobra. Konsensya ko pa tuloy ito." Para na akong baliw kakasalita mag-isa. Eh sa wala akong masabihan at wala akong pwedeng pagsabihan.

Pero dalawa kaming nakakaalam nito. Isang kaibigan, hindi ko na babanggitin kung sino. Nag-usap kami sa WeChat.

Ako: Ano ba? Hindi ko ba pwede sabihin yun?

Kaibigan: Lagot ka naman kay *toot*

Ako: Eh lagot din naman siya kay *toot*

Kaibigan: Hahaha, baliw ka.

Alam mo yung feeling na tumatawa pa din kami kahit meron kaming alam na kinakailangan sabihin pero mahirap gawin? Kahit kaibigan niya kami, maraming pwedeng mangyari, gulo away. Hindi lang siguro yan.

Sabi nga nung isa ko pang kaibigan, "Kaya nga may kaibigan diba? Sabihin mo na." Kung kaya ko lang talaga, sasabihin ko na.

Itong sikreto naming to, parang nangyari na siya noon sa mismong kailangan naming sabihan. Uulit siya sa ibang paraan pero sila sila pa din ang bida dito. Pero ngayon, mas masakit kapag nalaman nila hindi tuald noon.

" Uy, sasabihin ko na. Wag kang magagalit, ikaw kasi yung gusto kong sabihan tungkol sa sikreto namin. Ikaw ang bida dito, ikaw ang kawawa. Kahit mahirap sabihin, pero kailangan mong malaman." Balak ko sanang isend sa kanya ito, pero parang may nagtutulak sakin na huwag muna.

Eh ano bang dapat kong gawin? Manahimik na lang? Parang mas mali ata yun. Hindi tama na hahayaan mo na lang yung kaibigan mo na mabuhay sa isang kasinungalingan. Siya lang din ang masasaktan, edi konsensya ko pa din kapag nasaktan siya.

Ayoko kasi siyang masaktan. OO, AYOKO. Bakit? Eh kasi nga---- kaibigan namin siya. Kaibigan din nung isa pang nakakaalam nito. Konektado kaming lahat sa kanya.

Siguro hanggang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya, warning lang muna ang magagawa ko. Ang hirap kaya diretsuhin ng isang tao.

Tulungan niyo naman ako. Hindi ko alam gagawin ko. Seeing someone you love in pain, mas masakit sakin yun. Chos! Love daw? Pero syempre love ko naman lahat ng kabigan ko eh.

Basta, siguro tamang pag-iisip lang gagawin ko. Namamali na ko eh. Ang hirap talaga, kung kayo nandito. Hindi lahat ng problema, madaling lusutan. Medyo mahina ako eh, hindi ko masyadong kaya ang gulo.

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now