Chapter One

520 14 2
                                    

His First Smile and My Wishlist :">

December 05, 2012

*bell*

"Oy tara na, pila na tayo. Bell na 'oh." Sabi ng kaibigan kong si Dominique.

"Tara na nga, init init na. Gusto ko na sa Aircon. hahaha." sabi ko naman.

Lakad papunta sa pila..

5 minutes..

"Hi Francis!" sabi ni Dominique sa tropa ni Luis.

Si Luis? Oo, naging crush ko yan. NAGING! So, hindi na. Ako si Pauline. Well, 14 years old pa lang ako, third year highschool pero ang dami dami kong crush. hahaha, hindi ako malandi, ganun talaga ako. NBSB ako, pero di ako pangit no. Sadyang gusto ko lang na puro crush muna. :)))

"Hi Dom." Sabay lingon samin nung Francis.

Nasa unahan niya kasi kami. Iba ang section nila samen, ka section niya si Luis at bestfriend daw nitong si Francis ang dati kong crush.

Pero ang di ko aakalain..

Sa paglingon niyang yun..

Tatamaan ako! *dug dug* *dug dug*

Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit kaya? Nagustuhan ko siya?

Eh kasi naman, yung paglingon niyang yun kay Dom, hindi nga ako ang nginitian pero ba't parang bigla akong sumaya?

"Jessica, pakinggan mo nga yung tibok ng puso ko." Sabi ko.

"Oyy, ano meron? bakit bumilis?" Sabi ni Jessica.

Si Dominique at Jessica, yan yung mga kaibigan kong lagi kong kausap tungkol sa mga crush ko. Si Dominique or Dom, classmate niya kasi nung first year si Francis, wala lang yung pagtawag niyang yun kasi may boyfriend na yan. Si Jessica naman, classmate ko hanggang ngayon, wala yang boyfriend, katulad ko yan e, puro crush lang. Magkakaklase kaming tatlo.

"Hindi ko alam, basta nung ngumiti si Francis kay Dom, bigla akong nakaramdam ng saya?" sabi ko.

"Crush mo?"

"Siguro?"

"Dooooom! Dali, may sasabihin kami."

"Dun na sa room." Sabi ni Dom at nagmadali kami umakyat.

Pgdating sa room,

"Oh ano sasabihin niyo?"

"Eto kasing si Pauline, natuwa dun sa smile ni Francis sayo."

"OHHHH?"

"Oo, di ko nga alam e. Feeling ko parang tinamaan ako sa kanya."

"Eh? Sure ka? Luis ka diba? HAHAHAHA" sabi nilang dalawa sabay tawa.

"Letse kayo, past is past."

"Akala mo may past." pang iinsultong sabi ni Dom.

"Tigilan niyo ko." Sabi ko.

Well, describe ko muna sa inyo si Francis. Si Francis, gwapo, mabait daw sabi ng ilan, height? pwede na. matangkad naman e, matalino, magaling magbasketball, crush ng bayan, FC daw hahaha, cute, palakaibigan at kung ano ano pa.

Di ko siya kilala personally. Actually, nagkakachat na kami sa facebook niyan dahil FC ako nun, itanong ko ba naman ang mga tungkol kay Luis. Eto namang si Francis, sagot ng sagot. Halos nalimutan ko na nga yun kaso naalala ko nung bigla akong tinamaan sa kanya. Si Francis, bestfriend ni Luis.

Si Luis, gwapo, masayahin, daming nagkakagusto dyan, Yung tropa kasi nila, heartthrob e. 5-6 ata sila na magkakatropa. teka teka, ba't ko ba sinasabi to? Gusto ko na ba si Francis? Na " Love at First Sight" ata ako e. HAHAHA :))))

Addicted to that Guy with Braces!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora