Chapter 10 Siya ang First Kiss ko?!

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit niya ginawa 'yon? Huhu! Hindi ko matanggap na siya ang firstkiss ko.

Nasira na ang pangako ko sa sarili ko nang dahil sa kaniya!

Ang pangako ko na,ang unang lalaking mamahalin ko ang siyang magiging first kiss ko.

Pero,huhu ang nakakainis pa, wala akong makapang galit o inis man lang.

"Ate ang libro,binabasa,hindi tinutungangahan! "

Nagulat ako ng may biglang magsalita sa harap ng study table ko.

At nakita ko ang magaling kong kapatid na si Pamela.

Hindi ko alam kung totoong 5 years old 'to kasi kung umasta daig pa ang 15 years old na tulad ko.

"Wag ka ngang istorbo! Nagrereview ang tao e!"

Asik ko dito.

"Nagrereview?Niloloko mo ba ako ate? Pa'no mo nababasa,baliktad naman 'yang book mo e!"

Ay oo nga! Kaya pala wala akong maintindihan.Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa'king mukha.

Kathryn umayos ka! Huwag mo nang isipin 'yong nangyari kanina.

Focus! Focus! Focus!

"Ayusin mo ang pag-aaral mo ate! Hindi mo lang yata alam ang mga sacrfices nina papa at mama e! And wag ka ding magbo-boyfriend at bata ka pa para diyan!"

Hayan nagsermon na. Batukan ko kaya?

Ginawa ko nga. Binatukan ko na para matigil na sa katatalak. Ibang klase ang batang 'to.

"Pinapaalala ko lang naman-. . ."

"Tumahimik ka!"

Putol ko sa sasabihin niya

"...ang mga dapat-. . ."

"Hay! Dun ka nga!

Pagtataboy ko.

"Pa'no ako makakareview niyan e ginugulo mo naman ako? Matulog ka na!"

"Ok fine!"

Inirapan pa niya ako bago umalis.

Daniel's POV

Nihaplos ko ang labi ko.Hindi ko lubos maisip na mahahalikan ko siya.

And I won't deny it,nagustuhan ko ang halik na 'yon.

Psh! Erase it!

Hindi ko nagustuhan pala.Napapikit ako ng mariin.

Kathryn? Hindi ka ba napapagod sa katatakbo sa isip ko?

Pwede bang patulugin mo na ako!?

Nagtalukbong pa ako ng unan.

Para akong baliw,ikaw kasi siopao ka!

Bigla kong naalala 'yong project niya. Exam na rin bukas,siguradong hindi siya mkakapagtake ng test niya sa subject na 'yon!
E bakit ba concern ka?

Tanong ng isang bahagi ng isip ko.

Bakit nga ba? Tsk.

Gagawa na lang ako ng paraan para sa kaniya.

Bakit mo pa gagawin 'yon? Akala ko ba hate mo siya?

Sabi na naman ng isang bahagi ng isip ko.Bad trip naman! Bahala na!

Pumikit ulit ako ng mariin.Grabe,ayaw akong dalawin ng antok.

Kathryn's POV

Malalim na ang gabi, gising pa ako.

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon