Chapter 1

1.1K 38 1
                                    

(Rhian's POV)
Hindi na natuloy yung Promise namin para sa isa't isa. Naka upo ako ngayon sa living room katapat si Angelica at Stephen.

(Flashback)
Tumakbo si Dominic kay Shin at hinila papalabas.

"SHIN!!!" Inis na sabi ni Angelica. Pupuntahan na sana nya sila Dominic pero pinigilan sya ni Stephen.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ganito nararamdaman ko? Nasasaktan ako. Bumalong ang luha sa mga mata ko. Lumapit sa akin si Angelica at niyakap ako.

"LABAS!!!"sigaw ni Stephen sa mga taong nasa loob ng Gym. Naramdaman kong nagsilabasan na nga sila. Nanghihina ako pero hindi ako makagalaw.

Napaupo ako sa sahig habang umiiyak na para bang walang bukas. Niyakap ako lalo ni Angelica.

"FUCK YOU DOMINIC!!" Sigaw ni Stephen

Maya maya narinig ko ang yabag ng paa ni Dominic. Hindi ako nagkakamali sya nga.

"DOMINIC!" Sigaw ni Stephen pero hinawakan sya ni Angelica
"Sa tingin ko kailangan nila mag usap Stephen" sabi ni Angelica. Inakay nya ito palabas ng Gym.

Tinitigan ko si Dominic habang may luha sa mga mata ko. Nakikita kong palapit sya at umupo sa tabi ko.

"Rhian" mahinang sabi nya
"Ang ganda ng ending no? Sa tingin ko maganda kung hanging ending yung mangyari" pekeng ngiti kong sabi
"Rhian"
"And good idea pala na hindi lahat ng planadong pangyayari masaya" naiiyak ko pag sabi. Hinawakan nya yung mukha ko at pinunasan ito gamit yung daliri nya.
"Dominic, ano pa ba kailangan ko para mapatunayan ko sa sarili ko na sapat na ako?"
"Rhian. . May tiwala ka ba sa akin?" Malungkot nyang sabi at niyakap nya ako. Binuhos ko ang luha ko. Hindi ko kayang mawala sya sa akin. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya
"Rhian. . May kailangan akong puntahan" mahinang sabi nya
"Saan?" Malungkot na tanong ko
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Ngayon ako magpapromise sayo. Kaya mo ba akong hintayin?" Sabi nya at tinitigan ako sa mata
"Gaano katagal Dominic?" Hinagpis ko pa. Saan na naman sya pupunta? Iiwanan nya na naman ako?
"Days? Months? Or Years? Hindi ko masabi" napabuntong hininga ako at tumango
"Mahal kita at ikaw lang. Kaya kitang hintayin, mamatay man ako"
"Mahal din kita. Lagi mong tatandaan yan" sabi nya

Hinalikan nya ako sa labi na para bang huling pagkikita na namin. Hindi ko masasabi.

(End of Flashback)

"Rhian?" Tawag ni Angelica sa akin
"Wala na sya" mahina kong sabi
"Rhian! Bakit ba sasayangin mo luha mo kay Dominic? Sinasaktan ka nya lagi!" Mahina pero concern na boses ni Stephen
"Mahal ko sya. Sya lang yung kilala ng puso ko" mahinang sabi ko
"Rhian. Lagi lang akong nandito. Tutulungan kita" sabi ni Angelica.
"Papahinga na ako" mahinang sabi ko at tumayo.

Hindi ko talaga alam yung gagawin ko. Ni hindi ko nga nararamdaman na naglalakad ako ngayon para bang bawat apak ko parang nasa sahig na puro bulak. Hindi ko rin alam kung saan pa ako dadalhin ng mga paa ko.

"RHHIIIAAANN!" Narinig kong sigaw sa likuran ko at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Biglang nagkamalay yung paligid. Muntik na pala akong mauntog sa pinto ng kwarto ko. Hinawakan ni Stephen yung braso ko.
"Thanks" mahinang sabi ko at binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

(Stephen's POV)
Napauwi ng Pilipinas sila Mom, Dad, Ate Kristal at Kuya Gian. Nag aalala na kaming lahat dahil 2 days ng nasa loob lang ng kwarto si Rhian, hindi pa sya kumakain at puro tubig lang ang hinihingi nya. Ayaw nya ring lumabas pa kaya di talaga namin alam gagawin.

"Di ba may Mother si Rhian?" Mahinang tanong ni Angelica sa akin habang nakahiga kaming dalawa sa kama
"OO NGA!" Sabi ko at biglang tumayo.
"Alam ko may number sya sa akin" sabi ko at nagdial

My Royal Bride (Book 3)Where stories live. Discover now