Kathryn's POV

1 PM

Matuling lumipas ang mga araw. Tapos na ang intramurals. Nagpre-prepare naman kami ngayon sa papalapit na exam, bukas na nga e! 

I pouted my lips, review na naman.

Kagagaling ko lang sa bahay, binalikan ko pa kasi 'yong project ko sa TLE( last subject ko). Last submission  na kasi ngayon, ginawa ko lang kagabi 'to e! Ahyy... 

Stressing!

Who said student's life is easy?!

"Wala pa naman si ma'am!"

Bungad sa'kin ni Julia sa pintuan. 

"Punta muna tayo sa gym!"

 Yaya pa nito. Nasa likod na rin niya 'yong dalawa. 

"Ok!"

Sabi ko na lang at nagpatianod sa tatlo. 

Nandito na kami. Bitbit ko pa pala bag ko at folder(project ko)

"E anong gagawin natin!?"

Tanong ni Ej

"LET'S PLAY!"

Napayingin kami sa pinanggagalingan ng tinig na 'yon at nakita namin ang apat na unggoy.

"Guys! tayo na!"

Yaya ko sa mga kasama ko. Alam kong may mangyayari na namang hindi maganda kaya kung maaari, iiwasan ko muna sila sa ngayon, dapat focused ang mind ko sa exam .

Natigil ako sa paglalakad nang iharang niya ang sarili sa dadaanan ko.

"Hindi ka ba nakapaghanda? I warned you before!"

He was referring to the letter he threw on me in the library few days ago.

"Huwag ngayon."

Nasabi ko na lang. I tried to get away pero maagap siya, nahawakan niya ang braso ko.

"I want it now! Kaya sumama ka sa amin!"

"Shit! Ano ba! Bitawan mo ako!"

Sigaw ko

"Ito na siguro ang time para singilin kita sa mga atraso mo. "

Nanlaki ang mga mata ko. Anong gagawin niya?!

"Wait! Ano ba!"

Sigaw ni Julia. Binabantayan sila ng tatlong lalaki

"Ok."

Buti nga at ako lang, hindi na nila idadamay ang mga kaibigan ko. Pero malas! Bakit ba walang katao tao?

"Ano bang binabalak mong gawin ha?"

Sigaw ko.

"Balak kitang sampalin, sipain, sapakin, bitayin patayin!"

Tumawa siya. 

"Sinabi nang bitawan mo ako e!"

Sigaw ko ulit

Kailangan kong makawala, hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin. Naalala ko na naman 'yong pangyayari no'ng intrams. 

Haist! Baka totohanin na niya ngayon! Err!

Tumaas ang balahibo ko sa naalala kong 'yon. Binitawan nga niya ako. Aalis na ako nang hilain niya ako pabalik

"Sumama ka sabi e!"

Tinulak ko siya ng malakas pero tinulak din niya ako ng mas malakas!

Sa lakas no'n , napaupo ako sa sahig. OUCH! Kahit masakit, pinilit kong tumayo

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to! Hindi ko alam kung bakit ganyan ka Daniel Padilla! Hindi ko alam kung paano naaatim ng kosensiya mo na gawin ang mga ganitong bagay! Binabastos mo ako! Inaapak apakan mo ang pagkatao ko! Sinasaktan mo ako physically and emotionally! Ano ba talagang problema mo ha?! Kung may galit ka sa mundo, huwag mong ibunton sa akin o ninuman sa paligid mo! Wala kang karapatan! Wala kang karapatan!"

Sigaw ko. Hiningal ako do'n . Gusto ko nang maluha, sa SUPER inis at sa gigil. Napakabastos niya!

Matagal bago ito makasagot. Natauhan siguro. Nagtitigan kami. Masama ang tingin namin sa isa't isa. 

"Gusto mong malaman kung bakit ginagawa ko ang mga 'to?!"

Binigyan ko siya ng bakit-nga-ba-look.

"Kasi isa kang basura sa buhay ko na dapat nang itapon!"

Seryoso nitong sabi. Napasinghap ako buhat sa narinig ko. 

Ang galit na kanina ko pa tinitimpi ay kumawala!

Hinarap ko siya at isang malakas na SAMPAL ang pinakawalan ko. 

Galit siyang humarap sa akin. Marahas niyang hinawakan ang batok ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa susunod na nangyari!

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

ABANGAN!. . .

The Magic Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now