She smiles, teasingly. "Wow! So, may nangyari na?"

"Wala nu! Kiss palang." I defense.

She laughed at my reaction. "Okay, Okay.. eh bakit di mo pag bigyan at buksan nalang yung bintana mo?"

"Baka maramdaman siya ni Papa at patayin. Ayaw ni Papa na may nakakalapit na bampira sakin maliban syempre sakanila ni Mama."

"Akala ko patay na mga magulang mo?" Pagtataka niya.

"No! Actually, you met them already. Sila yung pinakilala kong Ate ko at yung asawa niya nung pumunta ka ng bahay." Nakapunta na kasi siya noon sa bahay at nakilala niya sila Mama na ang sabi ko Ate ko lang, naniwala naman siya kasi nga mag kamukha kami ni Mama.

"Oh wow! Kasing edad mo lang silang tignan."

"Yah, kaya ang hirap sabihin na magulang ko lang sila."

"I understand."

Nakarinig kami ng pumito kaya nahinto ang pag chichikahan namin ni Majah na talaga namang nakakamiss. Ang tagal na kasi nung huling chikahan namin.

Nakita na namin si Lucas na bitbut yung katawan kaya tumakbo kami papalapit sakanya.

Sinimulan na naming lumabas ng school, luckily isang security guard lang ang nakasalubong namin. Ayaw ko na din kasi manakit pa, ang hirap pa namang magpigil ng lakas pag tao lang ang sasaktan.

Nilagay ni Lucas yung katawan sa likod ng kotse tsaka naman namin sinimulan ang byahe papunta kung saan namin ililibeng yung katawan.

"Guys, im curious.. " Majah speaks from the back seat. "Diba takot sa araw ang mga bampira bakit kayo parang walang epekto?"

"Nag research ka ba?" Natatawang tanong ni Lucas.

"May nakakatawa ba dun? Out of curiosity kaya ko ginawa yun." Maj said.

"Hindi yun totoo, walang epekto sa bampira ang araw. Kaya nga mahirap malaman kung bampira yung tao eh, maliban nalang kung papakingan mo yung tibok ng puso nito. Yung bampira kasi wala ng tibok yung puso." I explained.

"Eh sa tulad mong half vampire?"

"Well, tumitibok pa din yung puso ko."

"Tumitibok para sakin!" Pagsisingit ni Lucas.

"Ha.ha, mag drive ka nalang dyan!" Sarkastiko kong sabi.

"Kung yung mga magulang mo halos kasing tanda mo lang tignan, ikaw tatanda ba?" Majah asked again. Mukhang kumakalap siya ng information tungkol sa mga vampires. Kung sabagay deserves niya yun lalo na't may nakapaligid sakanyang bampira at kalahating bampira.

"No, ang sabi nila pag tungtong ko ng 100 years old baka pang 25years old lang ang itsura ko."

"What the hell? So ilang taon ka na ba talaga?"

I chuckled. "Same parin tayo, don't worry."

"Eh ikaw Lucas ilang taon ka na?"

"Matanda na siya." Pinagdiinan ko talaga yung salitang matanda bilang pangaasar. Tumingin lang sakin si Lucas, yung tingin na mamaya-ka-sakin habang nakangisi. Bring it on!

"Totoo bang pag nagmahal ang bampira wagas?" Majah asked again. This time pati ako na curious sa tanong ni Maj, never ko namang natanong yun sa parents ko.

May nagustuhan na noon si Lucas, until now kaya may feelings parin siya dito? Nung napag usapan kasi namin siya umiiwas agad siya at napaka seryoso pa ng mukha.

"Siguro.." Lucas said.

"Bakit siguro lang?" I asked.

"Subukan mo ko para malaman mo kung wagas nga ko magmahal." Okaaaaaay, hindi yun ang ineexpect kong sagot kaya umiwas nalang ako mg tingin. Feeling ko kasi namumula yung pisnge ko eh.

Narating din namin finally kung saan namin ilibeng yung bampirang napatay namin. Si Lucas na ang gumawa nun, kaya pinagmasdan lang namin siya ni Majah habang nag huhukay at inililibeng na ito tsaka tinakpan muli ng lupa.

Nang matapos si Lucas sa paglilibeng humarap siya samin. "Gusto niyong uminum sa bahay ko?" Tanong niya.

"Kailangan ko ng umuwi, gabi na eh. Baka magaalala sila Mama, may nakita pa naman silang dating kakilalang bampira na dugo ng tulad ko ang gusto." I said.

"Sino naman?" Lucas asked.

"Damon daw ang pangalan."

"Baka siya yan!" Tinuro ni Majah yung kakalibeng lang ni Lucas na bampira.

I shrugged. "Ewan ko." Sana nga! Sana nga yang bampira na yan ang Damon na yun para mawala na yung takot nila Mama at Papa.

"Kasama mo naman si Lucas eh. Tsaka isa pa, gusto ko ding uminum. Sabihin mo nalang na mag iisleep over ka samin pero ang totoo iinum tayo sa bahay ni Lucas. At isa pa, marami pa akong gustong itanong tungkol sa pagkatao niyo." Majah said.

I sighed, giving up. "Okay sige tatawagan ko sila Mama."

--

Please vote. ★

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon