Maureen Happiest Moments

9.3K 156 14
                                    

   Ilang buwan na,pero walang Ralf na tumatawag man lang sa kanya.Umaasa siya sa wala.

  Kailangan niya ng mag move on.Siguro nakalimutan na siya nito.Sino ba naman siya isang ordinaryong tao? iibigin ng isang anak mayaman at guwapo na gaya ni Ralf Benidecto?

  "Hay Maureen gumising ka sa katotohanan ,ang lahat ay pantasya lamang at malayo sa katotohanan." Bulong niya sa kanyang sarili.

   Dahil kakilala naman siya ng dati niyang pinagtrabahohan,natanggap ulit siya dito

   Sa isang supermarket siya na assign,Sa isang mall pa din , sa pinakababa lng ang supermarket.

  Dahil pangkaraniwang araw at alanganing oras mangilan ngilan lang ang tao.

  Inaantok siya sa lakas ng aircon at halos walang kaingay ingay.Ang dalang ng mamimili.Lalo na beauty section kong saan siya nandoon.

  Inayos niya ang mga display niya,para lng may magawa siya

Maya maya may narinig siya.

  " Miss Maureen Sta Ana , please proceed to customer service please....Miss Maureen Sta Ana, please proceed to customer service counter please..."

May nagpa page sa kanya sino kaya ?ano kaya ang problema? Tanong niya sa isip niya.

  Umalis siya sa puwesto niya lumabas,Natanaw niya walang tao sa customer service.

  Pinatawag siya yon pala wala namang tao.Sa loob loob niya.

Tumalikod siya sa counter at sumandal.Napako ang atensiyon niya sa mga nakahelirang empleyado , kong saan nandoon ang entrance at exit ng mga customer .Isa  isa itong lumalabas sa exit ,bawat isang  lumalabas ay kumukuha ng fresh flowers, yong mga fresh flowers na binibenta.Nakapuwesto kasi ang fresh flowers sa may exit.

  "Ano bang meron? bakit kaya hindi man lng siya na inform?"Tanong niya ulit sa sarili niya

  Papunta sa gawi niya ang mga ito.Bawat isa ay may isang dipa ang layo sa kasunod.

  Pagdating sa tapat niya .inabot ng nauna ang bulaklak sa kanya.

  "Hoy ano to?"  Tanong niya dito pero hindi pa siya nakatapos inabot ulit ng kasunod ang bulaklak sa kanya.

  "Hoy anong gimik to?" Tanong ulit niya.

Ganun din ang ginawa ng kasunod ,para tuloy siyang debutante na binibigyan ng bulaklak.

  " Hoy bakit? sagutin niyo naman ako." Pero tuloy tuloy lang ang mga ito

  "Hoy! na promote ba ako?"
Wala ni isang sumagot sa kanya.

  Hanggang halos hindi niya na mahawakan ang mga bulaklak niyakap na niya ang mga ito.

  Nag day dreaming na naman ba siya ? Malamang!!Yon na ang inisip niya.

Pero maya maya may pumailanlang na boses ng isang lalake.At kahit na nagsalita ito Na gamit ang microphone,  kilala niya ito .Kilalaing ,kilala!

  "Miss Maureen Sta Ana,! The woman who change my life.Ang babaeng nakilala ko noong sobrang dilim ng aking mundo"Ang babaeng nagbigay kulay sa aking mundo."

  " Maureen Sta Ana, ang babaeng gusto kong iharap sa dambana.Ang babaeng nais kong makasama hanggang sa aking pagtanda."

   Tulo luha kasama pati sipon,Hindi niya mapunasan ang mukha dahil sa dami ng bulaklak na hawak niya.Isa pa ayaw niyang gumalaw Kong  nanaginip siya ,ayaw niya muna magising.

  Maya maya may lumuhod sa harap niya may singsing itong dala.

  " Will you marry me?"sabj ni Ralf habang nakaluhod ito sa harapan niya.

Click!,Click! Click!Click!

Say YES! Say YES!!! Say YESS!!!

Parang nagising siya.Ang dami nang nakapalibot na tao sa kanila.Mga emplayado. Mga mamimili,kanya kanyang kuha ng litrato sa kanila.

  "Grabe !!nakakakilig si Sir,sigaw halos na baklang nakasaksi sa pag propose ni Ralf sa kanya.

  " Ralf.."

   "Yes Honey..Im here , will you Marry me?

    " Yes Ralf Yes!!Sabay halik ni Ralf sa kanya sa harap ng mga tao.

   Palakpakan ang mga tao.

"Paano Guys thank you sa cooperation ha!Alis na kami nitong Mrs to be ko. Naghihintay sa amin si Dad.At alam niyo Na sabay kindat sa mga empleyado.

" I miss you so much honey.."bulong ni Ralf sa kanya.

"I miss you too Ralf .Nananaginip ba ako?" tanong niya ulit.

"No Honey this is a reality,I love you so much Maureen .Hurry up Honey marami akong susulitin sayo.And promise bubuo tayo ng happy family ,Yong mga bagay Na wala tayo noon,bubuohin natin ngayon." sabi ni Ralf.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Maureen para sa kanya natagpuan niya na ang lalakeng mamahalin niya habang siya ay nabubuhay.Ang kanyang forever.

     The End

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 09, 2016 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

   HAWLANG GINTOOnde as histórias ganham vida. Descobre agora