LIHIM

9.3K 105 2
                                    

Agad sumalubong sa kanya si Peachy peachy mukhang miss na miss siya ng aso.Tumatayo ito sa paa niya saka dinidilaan siya nito.

"Peachy peachy miss you too. ummm.." Kinarga na niya ang aso.

"Anong tawag mo sa kanya?"

"Peachy peachy"

"Ginawa mong bakla ang tuta ko."

"Ha bakit lalake ba ito?"

"Ay tingnan mo."

"Ay oo nga hi!hi"

"A cge Pikloy na lang, ay huwag pangit.Ay alam ko na Raf Raf."

"At ginawa mong junior ko."

"Puwede na yon para pgtahol niya Ralf..Ralf .. O di ba bagay."

" Melo ,ang pangalan niyan"

"Uhmm puwede."

"Just wait here." Sabi nito.Pagbalik nito my bitbit na itong Air Bed.Isinaksak ito sa electric pump.

Inilatag ito matapos lumaki ,pumasok ulit, may bitbit ng dalawang unan.

At saka ito nahiga.Siya naman nanatiling nakatayo karga ang aso.

"Ayaw mong humiga?"

Hindi siya sumagot

"Bahala ka kong mangawit ka diyan."

Naupo naman siya sa tabi nito.

"Parati ka bang nandito.?Ang sarap ng hangin, at parang ang lapit ng langit.Kitang kita ang mga bituin." Sabi niya

"Puwede ba? humiga ka! ako ang nahihirapan sa katitingala mo eh!"

"Melo.. dito ka sa gitna ha?pagnaglikot ang amo mo kagatin mo.?sabi niya sa aso.

" Puwede ba Maureen? Mahiga ka na lng ang damj mong sinasabi."

Nahiga din siya.Pareho silang nakatitig sa kalangitan.Siya ang unang nagsalita seryoso.

"Hindi ka ba nakokonsensiya sa ginawa natin?" Tanong niya dito.

"Natural nakokonsensiya."

"Ang laki ng kasalanan natin,asawa ko ang ama mo."

"Impossibleng maging asawa mo ang daddy ko ,hindi kayo kasal."

"Ngkakamali ka pinakasalan niya ako."

"Kasal si Daddy kay Tita Helen dito sa Pilipinas walang divorsiyo "

Na pabalikwas siya "sigurado ka?"

" Yup ! bakit nanghihinayang ka kong sakali wala kang makukuha?"

"Tingin mo ba talaga pera ang habol ko sa Daddy mo?"

"Hindi nga ba?"

"Ipokrita ako kong sabihin kong hindi.Pero alam ko sa sarili ko na my parte sa puso ko na nagsasabi na sana siya na lng ang tatay ko.Naghanap siguro ako ng father figure."

"Well ang pinagtataka ko lng bakit pinalabas ni Daddy na kasal kayo ,pero wala namang nangyari sainyo?"

'Ikaw bakit Tita ang tawag mo sa mommy mo?"

"Hindi siya ang nanay ko.Anak ako ni Daddy sa dating katulong dito.
Nang nalaman ni Daddy na nabuntis niya ito.Binigyan niya ito ng pera saka pinaalis dito."

'Umuwi daw ng probinsiya ang nanay ko,pero ng isilang daw ako namatay ito sa panganganak sa akin."
Pero bago daw ito namatay naibilin sa isang tiyahin ko na dalhin ako dito ,para ibigay kay Daddy,pero pinalabas ni Daddy Kay Tita Helen na my nagbigay lng sa kanya Kaya pinalabas na ampon ako.Tuwang tuwa daw noon si Tita Helen dahil wala pa silang anak ni Daddy.At para Kay Tita Helen suwerte ako dahil nagbuntis din ito , si Eloisa ang bata,Pero natuklasan ni Tita Helen na anak ako ni Daddy."

"Mula noon naging malupit na si Tita Helen sa akin.
Nagalit ako kay Daddy dahil bukod sa tinago niya ako dito,Hindi man lng ako maipagtanggol kayTita Helen."

"Pero hindi tumigil si Daddy sa pambabae,ng malaman ito ni Tita Helen,umalis ito kasama si Eloisa,mula noon hindi na bumalik si Tita Helen dito."

"Pero alam mo ba ?mula noong bata pa ako,pakiramdam ko ang apat na sulok ng roof top na ito ay hawla na para sa akin?"

"Pero noong umagang makita kita pakiramdam ko naging hawlang ginto ito."

"At sa dami ng kasalanan sa akin ni Daddy pakiramdam ko ikaw ang pinaka magandang nagawa niya para sa akin."

" Kaya ano man ang iparusa sa akin ni Daddy tatanggapin ko.Isa lng ang pakiusap ko sayo,ipaubaya mo ito sa akin.Hindi na bale na ang sisi ay sa akin."

"Sa maniwala ka sa hindi.Ikaw lang ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko."

Hindi namalayan ni Maureen tumutolo na pla ang luha niya.

   HAWLANG GINTOWhere stories live. Discover now