Daddy Scire Gerone

9.2K 184 9
                                    

2 years later...

Sobrang sakit isipin na wala kana. Ilang taon akong nahihirapan at umiiyak dahil miss na miss na kita. Hindi manlang kita na kausap o nahagkan at nayakap ng mahigpit. Iniwan mo akong luhaan at nasasaktan.

Hanggang ngayon ay nakatanim parin sa pusot, isip ko ang nangyari. Alam kong matagal na kanang wala ngunit hanggang ngayon ay parang bago parin sakin ang pangyayari.

Parang bula at naglaho nalang bigla. Miss na miss na kita alam mo ba iyon?
Kong pwede lang ibalik ang dati. Kong  pwede lang mayakap ka ng mahigpit muli at mahagkan.

Hinawi ko ang mga luha ko sa sakit.

Miss na miss ko na sya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa pagkawala niya. Maging sa panaginip ko ay lagi niya akong hinahagkan at niyayakap. Ilang beses na akong umiyak dahil sa naalala ko lang ang mga masaya naming nagdaan.

Mga ala-alang kay hirap kalimutan.

Pilit kong ayaw maniwala dahil nasasaktan lang ako pag pinapaniwalaan ko ang sarili ko na wala ka na talaga.

Nakaupo ako sa damohan habang paulit-ulit na binabasa ang pangalan niya sa lapida. Ang bigat ng damdamin ko. Sobrang namamanhid ang puso ko.

"Daddy," mabilisan kong nilingon si Scire dahil bigla syang nag-salita habang nakatitig sa puntod.

"Did you already miss daddy baby?" lumingon sya sakin na nakangiti. Sobrang lapad ng kanyang ngiti.

Parang pinotocopy lang ang mukhang ni baby Scire at Justin.

"Daddd, Daddy. Mios, mios Daddy I mios you Daddy." pumalakpak sya habang sinasabi iyon.

Napangiti ako habang pino'pronounce niya ang I miss you. Sobrang lapad ng ngiti ko at the same time sobrang sikip ng dibdib ko.

Nasa gilid si baby Scire habang naka indian sit at yakap-yakap ang paborito niyang laruan na Minions. Halos hindi sya mapahiwalay sa binigay ni Justin na laruan.

Binalik ko ang tingin sa puntod.

"Miss na miss ko narin si Daddy, baby Scire." napabuntong hininga ako. Lumapit sya sakin habang naka indian sit parin. Hinakbang niya ang kanyang paa bago ako sinilip. Natawa ako sa ginaws niya. Ang cute niya habang ginagawa iyon.

"Mommy? When did Daddy came back?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Binuhat ko sya at pinaupo saking hita. Hinalikan ko ang noo ni Scire bago sya niyakap ng mahigpit.

"Daddy is busy baby Scire. He will be back soon. Okay!" kinurot ko ang magkabila niyang pisnge kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

Si Justin ang bumuo sa pangalan ni Scire. Scire Gerone, it means love and power.

Love, dahil nagmamahalan kami ni Justin. Power, dahil makapangyarihan ang pagmamahal ng isang tao at kaya nitong talunin ang kasamaan.

"I lab yoo Mommy?" Nguso niyang sabi kaya natawa ako. Hindi ko alam kong saan niya ito natutunan. Bigla-bigla nalang kasi syang ngumunguso pagkatapos sabihin iyon.

"I lab yoo too baby boy," nguso ko ring sagot. Humagik-ik si Scire.

Dalawang taon na si Scire. Kuhang-kuha niya ang mata ni Justin pati ang mapupulang labi nito. Siguro ay nagmana ito sakin sa pagiging isang makulit at malambing.

Ilang minuto kaming nagyakapan bago napagdesyonang tumayo. Kinarga ko si baby Scire. Yakap-yakap niya ako sa may leegan habang isinandal ang kanyang ulo saking balikat.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon