The face off:32

6.8K 151 24
                                    

Monica Point of View

Pagkatapos nong iniwan ko si Justin sa condo niya ay agad akong umuwi sa bahay ng gabing iyon.

Hindi ko maiwasang masaktan at mapaisip kong tama ba kaya 'yong ginawa ko.

Gusto ko ng kalimotan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang naman mapag-isa. Gusto ko yung walang iniisip kahit panandalian lang.

Dali-dali akong bumaba ng sala. Napag-isipan kong mamasyal kahit sa mga Park lang o di kaya'y sa Mall. Gusto kong libangin ang sarili ko.

Pagbaba ko ay unang bumungad sakin si Ann at Mama. Nakaupo sila sa sofa.

"Monica? San ka pupunta?" Agad na tanong ni Ann sakin. Ngumiti ako kahit mapait.

Lumapit ako kay Mama at hinalikan sya sa pisnge.

"May bibilhin lang ako," ngisi ko ulit. "Alis na ako," mabilisan ko silang tinalikuran. Narinig ko pa ang tawag ni Mama ngunit hindi ko na iyon niligon pa.

Tahimik ako habang nag mamaneho patungong Mall.

I Shook my head. I want to forget all the negative things. Gusto kong makalimot kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang please!

Pinark ko ang kotse sa parking lot sabay nang pagtunog ng phone ko.

Agad ko yung binasa. Natigilan ako sa pagbasa ng bumungad sakin ang text ni Justin.

From: My man

Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka, please. Came back to me.

Tumulo ang luha ko sa nabasa. Napabuntong hininga ako. Hindi ko lubos maisip na nasasaktan parin ako.

Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa Mall. Nilibang ko ang aking sarili sa pamimili ng damit at kong anu-ano pa. Naglaro sa Hiro's, kumain mag-isa at gumala kong saan-saan.

Napahinto ako sa paglakad ng mapadpad ang mata ko sa kagamitang pang bata. Napadpad ang tingin ko sa stroller na nakahalera sa isang sulok. Hindi ko alam kong sinong tumulak sakin para hawakan iyon.

Hinimas ko ang bawat bahagi ng stroller kaya nasasaktan ako. May namumuong luha sa magkabila kong mata. Ang sakit. Halos sasabog ang puso ko sa sakit.

Ang daming kagamitan at tila na'eengganyo akong bilhin iyon.

"Babe, ang ganda noh?" Bigla akong napalingon sa likuran. Sigurado akong mag-asawa sila. Buntis ang babae habang hinimas-himas ang kanyang tyan.

Kumirot ang puso ko habang tinititigan sila.

"Mas maganda ka pa dyan," napangiti ako. Naalala ko si Justin sa kanya. Ganoong pangungusap ang laging binibitawan niya sa tuwina.

Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy sa pamimili. Tumulak ako sa mga iilang dress na mukhang pang buntis. Naantig ang puso ko sa kulay pulang dress. Dali-dali akong nagtungo duon.

Kinuha ko ang damit sabay ng may humawak din nito.

Napalingon ako sa sinong humawak. Umusok ang tenga ko ng tumambad sakin si Lovely. Sobrang pula ng kanyang labi habang kitang-kita ang cleavage niya.

"I got it first," hinila niya ang damit ngunit hindi ko iyon binitawan.

"I see it first," binawi ko ang damit ngunit hindi niya rin binitawan ito.

"Pero ako ang unang nakahawak," ngisi niya na tila nang-aasar.

"Hindi porket nahawakan muna, sayo na." asar kong ngiti habang pabalik-balik naming hinihila ang damit.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon