THE WEDDING❤

8.7K 175 10
                                    

Namamawis na din ang kamay ko sa kakahawak sa violet na boquet.

Ilang segundo pa akong nakatayo sa napa kalaking pintoan sa labas ng simbahan ngunit nanga-ngawit na ang magkabila kong paa.

Halos mabingi ako sa pintig ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Kanina pa ako kinakabahan pero pilit ko paring kinakalma ang sarili ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maipaliwanag kong ano ang mga ito. Basta't alam ko masaya ako.

Sobrang saya,

Napa-kasaya,

Super-super saya,

Pumikit ako sabay ng pagbukas ng malaking pintoan sa harapan. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at sinalubong ako ng nakakasinag na ilaw mula sa loob ng simbahan. Yumuko ako saglit. Ilang sandali lang ay dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Parang slowmotion lang.

Napamangha ako sa disenyo ng simbahan. Mga puting rosas na nakasabit sa nagliliwanag na chandelier. Ang kulay violet na petals ay nagkalat sa red carpet, maging sa bong paligid. Ang kulay violet na tela ay nakasabit sa gilid ng upoan na may desinyong bulaklakin.

Sa sobrang liwanag ng simbahan ay para akong nasa fairytale. Sobrang liwanag dahil sa mga puting series light.

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Daddy sa kanang bewang ko. Si Mama naman ay nasa kaliwa ko.

Sabay silang humalik sa pisnge ko kaya tinignan ko sila na may bahid na luha. Humikbi ng iyak si Mama at alam kong ganon din si Daddy. Ayaw kong umiyak dahil ayaw kong maging panget sa kasal ko.

"I'm so happy for you, nakey." ngiyak-ngiyak na sabi ni Mama.

"Ma? Huwag kang ngang umiyak. Papanget ka niyan eh." natawa si Mama at alam kong pilit iyon.

"Hindi ko maitago sa sarili ko ang lungkot, subalit mas pumangibabaw sakin ang saya dahil magkakaroon narin ng pamilya ang anak ko. We will have new extended family," napanguso ako sa sinabi ni Daddy. Himas-himas niya ang tyan ko at tila pilit niyang pinipigilan ang luha sa kanyang mata.

Gusto kong umiiyak ngunit di ko magawa-gawa dahil baka kumulat ang make-up ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Halos hindi ako makalakad ng mabuti dahil nangi-nginig ang tuhod ko. Tila hindi ko maramdaman ang sahig.

Naaninag ko si Justin sa may altar na pinunasan ang kanyang mga luha. Tinapik sya ni Zin sa balikat na bestman namin.

Napangiti ako habang nakikita silang magkaayos. Nagsimula ng tumugtog ang musika.

"Forevermore" (Originally by Side A)

There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night

There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine now

Sobrang bilis ng tibok ng puso dahil sa bawat titig ng mga tao sakin. Bigla nalang akong nagulat ng may iilang petals ang nahulog galing sa ceiling. Sobrang lapad ng ngiti ko. Para akong nasa engkantasya dahil umuulan ng maraming petals sa loob ng simbahan.

Patuloy kami sa paglalakad sabay ulit ng musika. Hindi mapawi ang ngiti ko sa labi.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermore

Si Justin ay parang kanta. Isang kanta na kahit nag-sasawa ka sa pakikinig ay binabalik-balikan mo parin. Palagi akong nagdadasal na sana dumating na si Forever ko. Yung moment na, you start to loving someone is that time you scared to lost him again. Takot ako. Takot akong mawala sya.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon