KABANATA 13

9.6K 220 12
                                    

Bumungad sakin ang nag-iilawang series light sa buong palid. Mga kandilang nakabitin sa puno at mga iilang kandila ring nakabaon sa buhangin.

Lumapit ako don at isa-isang hinahawakan ang mga nakabitin na puting bulak-lak sa may puno. Ang nag-iisang mesa ay pinagitnaan ng dalawang upoan at mga palamuti.

"Ano to?" Humarap ako kay Justin na nakangiti. Sobrang lapad din ng ngiti niya. Lumapit sya sakin saka hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Gusto kitang makitang masaya. Sa dami-dami nang pinagdaanan natin. Nakalimutan natin ang oras para sa isat-isa." Hinalikan niya ang mag-kabila kong kamay. Sumimangot ako saka sya niyakap ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"Sobrang saya ko!" Isa-isang tumulo ang luha ko. Kumalas sya sa yakap at agad pinunasan ang mga luha saking mata.

"Let's eat!?" Anyaya niya saka ako hinila patungo sa mesa. Inalalayan niya akong umupo na may ngiti.

"Thank you handsomed!" Pormal kong sabi na ikinangiti niya. Hindi ito ang unang pag-kakataon na sinorpresa niya ako. Lagi lang naman eh tuwing monthsary namin at anniversary.

Subalit, parang may kakaiba. Ito kasi parang kakaiba at feeling ko hindi ako mapakali.

"Ikaw ang nagluto nito?" Nagsimula na kaming kumain. Nasa hapag ay ang napakasarap na carbonara, mocca at pork steak plus wine.

"Yes," Tipid niyang sagot habang ngumuya ng pagkain. "Say ahh!" Sinubuan niya ako kaya kinain ko rin 'yon. Nagsuboan kaming dalawa kaya panay tawa namin sa isat-isa. Ang dami naming pinag-usapan.

Nang matapos kaming kumain ay ang pag tunog ng musika. Nagpalinga-linga ako sa paligid at napadpad ang tingin ko sa maliit na box mula sa buhangin.

Natawa ako bago sulyapan si Justin.

"May I dance you, miss beautiful?" Napanguso ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na may ngiti. Nagtungo kami sa baybay saka nag simulang sumayaw.

Now Playing: Like Im gonna love you, like Im gonna lose you.

Hinila niya ako sa may bewang at ipinatong ang magkabila kong kamay sa balikat niya. Siya rin ang sinisigaw ng bawat tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kong gano ko sya kamahal. Bigla-bigla ko lang syang minahal ng bigla syang dumating sa buhay ko.

Titig na titig ako sa mata niya.

Ang bawat hampas ng hangin samin ni Justin ay tila kay sarap damdamin. Ang buhok ko ay kusang sumabog dahil sa lakas ng hangin na humahampas sakin, maging sya ay mas lalo syang gumwapo dahil sa nag-sasayawan niyang buhok.
Hindi ko naman kailangan ng perfect one. I just need a simple one that can make me feel that I'm the only one. Ang sarap isipin na ako lang ang mahal niya, ako lang at wala ng iba pa.

Mas idiniin niya ang paglapit sakin, rason kong bakit magkadikit na ang aming katawan ngayon. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya ramdam ko ang init ng kanyang dibdib.

This is the best feeling in this world. Hugging your love one and he hug you back tighter.

Ayaw ko nang matapos ito.

"I can't imagine mylife without you." Matigas niyang english. Dahan-dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit ako!

"I will never let you go labs," Pasikretong tumulo ang luha ko pagkatapos sabihin iyon. Nagpatuloy kami sa sayaw habang sumasabay sa tugtog ng musika. Nanatili kaming magkayakap. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa saya.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon