Charm 34 ❀ Training

Comincia dall'inizio
                                    

Maya maya nakadating kami sa parang pang Greek Mythology na lugar, iyong mga poste ng pang Greek myth at may mga ulap din dito. Parang sina-una, pero napakaganda at nakakamangha.

Dandahan kaming bumababa doon sa parang Greek myth na iyon. Mararamdaman mo agad ang enerhiya ng hangin, it's kinda giving me shivers, malamig na hangin tapos biglang mainit na hangin ganun, parang nakikipaglokohan iyong panahon dito. Tapos medyo malabo ang paligid dahil sa mga ulap.

May malakas na hangin na nanggaling kay Vien ang bigla na lamang nangyari at lumiwanag na itong paligid dahil nawala na iyong mga ulap dahil sa ginawa niya kanina.

"Matagal tagal na rin 'nung huli akong pumunta dito." She stated.

"Huh?"

Natawa naman si Vien dahil sa naging tungon ko. "As far as I remember 'nung huli kong punta dito ay 'nung time na nag train din ako, with the air goddess! Yes. She's the one who taught me all the things I need to know as an Air Charmer." Namangha agad ako dahil sa sinabi ni Vien. Goddess pa mismo ang nagturo sa kaniya! Ang swerte.

"Ang galing naman. Siya pa talaga ang nagturo sa iyo!" Masayang sabi ko.

"Syempre! Oh, by the way, Let's start? Time's running." She declared, kaya naman tumango ako dahi doon. Dapat wala kaming sinasayang na oras dahil madami pa akong kailangan matutunan.

Nagsimula siyang magpaliwanag ng mga bagay bagay na ang air daw, ay related sa halos lahat. Katulad ng: ang hangin ay kailangan para magkaroon ng tubig. Hydrogen plus oxygen equals water. Pati daw sa apoy air is used, at lahat tayo kailangan din ng hangin, pati na din ang mga halaman. Marami pa siyang sinabi at para iying logic.

"Huwag ka maiilang Ayisha, hindi ako nangangain. Kaibigan ka namin, kaya kaibigan din kita. So treat me like one." Malumanay na sabi niya. Napansin niya ata na medyo naiilang ako sa kaniya. Sa totoo lang, si Vien lang naman kasi ang hindi ko ganoong close sa charm five. Medyo mataray kasi ang dating niya kaya nahihiya ako minsan.

"Pasensya na, medyo naiilang lang kasi ako ng konti." Pag-hingi ko ng paumanhin.

"Don't be, you're my friend. Sorry rin kung ganito ako. Wala eh, I am who I am, nothing will change. Mataray kung mataray, bossy kung bossy pero I'm a good friend so be at ease." Malambing na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Noong gawin niya iyon gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya.

"Okay." I said while beaming.

Siguro 'nung magka-usap kami ni Vien nun naging okay na. Madali lang naman pala siyang pakisamahan at maging kaibigan siguro ganun kang talaga ang labas niya yung kala mo mataray pero may soft side din.

Ang galing din niya din magturo, parang professional ang dating.

Una niyang tinuro, iyong pagkontrol ng temperature ng air, kung paano magpalamig at magpa-init iyon. Noong una naiinis ako, kasi kapag siya ang nagawa ang bilis lamang, samantalang ako baka abutin pa kami sa susunod na araw. Natatawa na nga lang si Vien, kapag nakikita niya na nababarino ako. Kaya kinalma ko muna ang sarili ko, baka na-eexcite lang ako ng todo kaya ganito ako.

Maya maya, humingi ako sa kaniya ng time out, natawa siya sa akin saka tumango pumunta muna sya sa isang dulo dito at naupo, ganun din ginawa ko.

I concentrated. Peaceful. Just peace inside me. Naramdaman kong humahaplos ang hangin sa akin. Dinama ko ito. Natapos ko ang earth. It's time for air, at alam kong magagawa ko. The gods and goddesses trust me. I should trust myself too. "All along I've been beside you, show me what you've got." Narinig kong bulong ng malumanay na boses ng goddess of air.

Yes. I will. Kaya ko. Nagmulat ako at nagsimulang magconcentrate ng temperature.mIkinumpas ko iyong kamay ko at nag-concentrate saka ko inisip ang cold breeze na gusto kong maramdaman. Hanggang sa ilang sandali, bigla na lang lumamig ang paligid ko. I heard Vien clapped. Nakagawa ako ng cool air. "Fast. Ngayon naman gumawa ka ng ice." Diretsang sabi niya, sabay pakita sa akin ng isang pond. Oh? Pano nagka pond dyan? Takhang isip ko.

My Enchanted TaleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora