Chapter 18

24.8K 645 13
                                    

Pagkatapos naming magpunta ng ospital.Hindi ko alam kung ano yung naisipan niya at tinanong niya ko kung gusto ko raw bang sumama.Tutal naman nagpaalam ako kay Mama na magkasama kami ni Bam pumayag na rin ako parang tinatamad parin kasi kong umuwi.Sa Intramuros niya ko dinala.Sabi niya madalas daw siyang nagpupunta dito.

"Bam bakit dito sa Intramuros ka madalas pumunta?Nakita kong napangiti siya habang binubuksan ang redhorse in can.Pinagbukas din niya ko pero rootbeer lang atleast my beer sa dulo diba saka niya inabot sakin.

"Wala lang tahimik kasi dito sa taas tapos nanonood lang ako sa mga nag gogolf o kaya hihiga lang ako dito."Ayun humiga na nga siya.

"Uy baka marumi dyan tayo ka muna.

"Ka arte talaga".Hinila niya ko para mahiga din.Hindi ko alam pero nung oras na yun kinabahan ako hindi ko mapaliwanag kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Diba ang sarap pakiramdam mo para kang nasa gitna ka ng bukiran tapos tingnan mo yung langit.Napabuntong hininga siya.

"Para sa iba luma na to pero para sakin wala naman sa luma o bago yan basta komportable ka sa lugar na pinupuntahan mo .

May ganern?Isip isip ko.May romantic side din pala siya.Para lang kaming lovers dito.Pero hindi ko sinira yung trip niya baka bukas kasi hindi na siya ganito.Saglit na katahimikan yung pumagitan samin.Hanggang sa maglakas loob akong magsalita.

"Sino si Jenny."Sabi ko sa kanya wala naman kasi silang sinabi kung sino siya.

"Kaibigan namin.Kapatid siya ng bestfriend ko si Roy."Kahit alam ko na kung sino si Roy dahil minsan may nakwento si Carla at tiningnan ko rin ang wall niya kaya parang siya yung sinasabi na namatay na tropa niya pero hinayaan ko syang mag kwento at tinanong ko pa rin sya para may malaman din ako kahit papaano.

"Nasan siya ?Wala namang Roy kanina sa Ospital diba?

"Wala na siya namatay siya sa car accident 3 years ago.May nakainitan daw habang nagmamaneho.Ayun nakipagkarera siya.Hindi na namin sya inabutang buhay."Nakatitig lang ako sa kanya hinahayaan ko siyang mag kwento ng magkwento.Habang nakatitig ako sa kanya narealize ko na ang ganda pala ng mata niya ang haba din ng pilikmata lalo pang gumaganda pag naka smile siya.Diyos ko kung kailan madilim saka ko pa nakita talaga ha.Ganon ba ko kalapit sa kanya at kung ano ano yung nakikita ko.

"Siya yung pinaka close ko sa lahat mula ng mawala si Mama ng maglayas ako sa bahay.Para ko syang naging kuya.Kaya ayun nakilala namin yung kapatid niya sabi niya kasi mas ok na raw na kami yung barkada ng kapatid niya atleast daw nababantayan niya."Ramdam ko yung lungkot niya habang nagkkwento siya kahit hindi ako makapagsalita tuloy tuloy kasi yung kwento niya.

"Tapos"Yun lang yung sinabi ko para magpatuloy pa siya.

"Syiempre may problema rin ako kaya hindi ko napansin na unti unti na palang napapalayo si Jenny samin.Hanggang isang araw pumunta siya samin umiiyak pinagtapat niya na buntis siya si Zee ang ama.

"Si Zandro?Panlilinaw ko.

"Oo kaya ganon yung galit ko sa kanya.Sabi niya hindi raw sa kanya yung bata.Pero si Jenny parang hibang na sunod parin ng sunod sa kanya.Tapos nahuli niya si Zandro na may kasama na namang iba pero sinundan pa rin siya ni Jenny siguro napuno na si Zandro ayun tinulak siya si Jenny kaya tumama yung ulo niya sa semento.Si Zandro naman nagtago ang sabi nasa ibang bansa pero nandito lang pala. "

"Sana denemanda niyo si Zandro.

"Ginawa na namin yun pero umurong yung witness.
Marami ng nagrereklamo sa kanya pero lagi niyang naayos mayaman kasi eh.Hindi ko alam pero bigla ko s'yang inakap.Siguro dahil nakita ko na hanggang ngayon apektado parin siya.

"Kaya hinila mo ko palayo sa kanya kanina?Tango lang ang sagot niya.Sa dami naming napagkwentuhan pakiramdam ko ang tagal ko na siyang kakilala.Naisip ko tuloy na ang sarap niya sigurong maging boyfriend o kaibigan yung pprotektahan ka.Ano ba tong iniisip kong kalandian.Erase erase yung part na yun.

Alas 9 na ng gabi niya ako naihatid sa bahay.Pero hindi ako agad nakatulog.Iniisip isip ko yung mga nakwento niya sakin.Ano pa kaya yung mga naranasan niya.Ano pa yung dahilan kung bakit sya naging ganon kung bakit siya nakulong dati. 3 years ago namatay si Roy pati yung Mama niya.Pero wala naman syang nasabi na nakulong sya.Ano ba to daig ko pa yung imbestigador.Pero kahit ganon masaya ko kasi nagtiwala sya sakin ikwento yung ilang bahagi ng buhay niya.Naputol ang pag iisip ko nung mag beep ang phone ko.

1 Message recieve

Nandito na ko sa bahay.its me Bam

Paano mo nakuha yung number ko?

Nung natutulog ka sa kotse :).

Matagal na palang nasa kanya yung number ko.Pero bakit niya kinuha.Napakagat labi ako hindi ko alam pero parang basta hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko.Hoy bruha hindi porke naging mabait ngayong gabi mabait na bukas kaya tumigil ka Marvie.Saway ko sa sarili ko.

Ah ok.

Yun lang sinabi ko ayoko namang sabihin na nasayo pala yung number ko bat di mo ko tinetext diba parang ang lande ng datingan.

Nyt. Night lang!Kainis dapat hinabaan ko yung sinabi ko eh.Hindi na ko nagreply sure naman ako na bukas iba na mood non.Hmmp makatulog na nga lang.

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Onde histórias criam vida. Descubra agora