Chapter 7

34.2K 773 18
                                    

MARVIE'S POV

Halos lahat kami napatingin sa pumasok na lalake.Siguro transferee to.Pero tumatanggap pa ba yung school ng ganitong bwan.

"Mr. Rodriguez?" Sabi ni Sir ulit sa lalake.Pumunta sa gitna yung lalake at nag pakilala.Uhmm napanguso ako ng tinitingnan ko siya.Infairness may dating.Saka ang tangkad parang basketball player.Naiwas ko 'yung tingin ko ng makita ko na nakatingin pala siya sa'kin hehe.

"Ahh My name is Bambie ."Bigla s'yang nahinto ng mag salita si Reggie isa sa mga bully dito tropa ni Ryan.

"Nice name Tol" Tawanan silang magkakagrupo.

"Oo nga pare parang Barbie lang ah."Tawanan ulit sila.

"Class patapusin niyo kaya siyang mag salita.Sabi ni Sir San Juan at mukhang galit na.

Mga loko talaga yung mga to nagttrip na naman sure bibinyagan nila yan.Nailing nalang ako.

"My name is Bambie Rodriguez, But you can call me Bam ,Age 21."Yun lang sabi niya.Biglang may nagsalita ulit isa sa tropa ni Ryan.

"Barbie nalang 'tol ,Kasi my name is Ken."Tawanan ulit sila.Pero pansin ko si Ryan hindi nakikisali sa kanila.Dati naman,siya yung kaunaunhan sa ganitong kagaguhan.Matapos ang klase nakita ko na mabilis tumayo yung lalake at biglang tumakbo.

"Sissy nakita ko na yata si Mr. Right hay ang gwapo".Si Carla

"Ayan ka na naman eh.Kung babae ka siguro malamang bwan bwan kang buntis.Tawanan silang  apat.

Pero mga sis gwapo talaga ang lakas ng dating.Si Kylie.

"Kung san san pa' ko naghanap at napadpad. Magiging classmate lang pala natin si Mr Right.Kahit late siya dumating humabol parin".Kilig na kilig talaga siya oh.Grabe 'tong si Carla.

Nakita ko si Ryan na papaalis na sana.

"Hoy Ryan."Tawag ko sa kanya.

Lumapit naman siya.

"Mukha yatang wala ka sa mood kanina?"

"Ha! saan naman?"Pagtataka niya napakunot noo pa.

"Sa pang aasar sa bago nating classmate may sakit ka ba?Ngayon lang kita nakitang di nang asar eh."Sabi ko.

"Ah eh kilala ko kasi yun."Mukang walang gana yung sagot niya.

"Talaga?Nanlaki mata ko.Bigla namang sumingit si Carla.

"O my sobrang meant to be talaga.Ano number niya? address niya ?number ng bahay?"Sunod sunod na tanong ni Carla.

"Kilala ko siya pero hindi kami close."

"Hay kainis ka naman Ryan eh."Si Carla.

Sumingit naman si Kyla sa usapan.

"Akala ko ba si Ryan ang type mo."pagbibiro niya.

"Oo noon pa hanggang kahapon.Pero ngayon nag iba na ang tinitibok ng puso ko.Hihi.."Tawanan kaming lahat

"Paano mo siya nakilala tanong ko naman."

"Ah nakita mo na rin siya."Bigla akong nagulat.

"Talaga saan parang di ko matandaan."

"Sa jumpNshout nung inaya kita.Ahhh siya yung bumugbog kay Zandro".Nanlaki yung mata naming lahat.

"Ha?Napanganga kami ni Carla.

"Oo nga siya yun".Seryosong sabi niya.

"iihhh parang ayoko na dun sissy. sayo nalang pala.Sayo nalang ulit ako Ryan."Tawanan kami ulit.

"Eh bakit niya binugbog si Zandro?"Pag usisa ko sa kanya lahat kami nakapalumbaba habang nagkkwento si Ryan.

"Ang alam ko lang matagal na nilang hinahanap si Zandro hindi ko alam kung ano yung atraso sa kanya.Madalang ko lang din silang makasama eh.Nung inaya ko kayo hindi ko rin alam na bumalik na pala si Zandro bigla kasi yung nawala eh."

"Hindi mo lang ba tinanong yung mga kasama niyo nung gabi na yun kung bakit siya sinuntok?"Para 'kong reporter sa pagtatanong ko sa totoo lang haha.

"Hindi naman namin napag uusapan yun.Pag katapos kasi non nag alisan na sila Jake at Sam yun yung mga tropa ko na kasama ni Zandro umalis."

"Siguro matindi yung nagawa ni Zandro na kasalanan kaya siya ginanon."Sabi ko naman.

"Ewan ko lang pero ang balita kasi sa F.e.u ganun daw talaga si Bam mahilig sa trouble.Ang sabi pa nga halos lahat daw ng school na napasukan niya nakikickout siya.Kaya nga nagulat ako sa pag pasok niya kanina."

So talagang basagulero yung Bam na yun?ganon ba?"Si Kyla

"Sa tingin ko oo.Ilang beses ko na nakakasabay yun sa bar at laging may away na nagaganap pag nandon siya.Pero wala na ko narinig na ibang balita sa kanya nung namatay yung isang tropa nila."

"Ahh.Bakit ang dami mong alam sa kanya Ryan?fanboy kaba niya?"Si Carla talaga iba kung sumingit epal na epal.Hahaha.

"Hindi no!"Biglang lumaki yung boses niya.

Pigil na pigil ako sa pagtawa .Sa totoo lang ang hirap palang tumawa ng walang sounds.Ngayon ko lang narealize hahahaha.

"Gago ko pero hindi ako kasing gago niya ."Pagkasabi non saka siya nagpaalam.

Nagulat ako kay Kyla ng batukan ako.

"Huwag mo sabihing Marvie na type mo at buong buhay yata pinakwento mo."Pinanlakihan niya ko ng mata.

"Oo nga sissy baka type mo sya sayo nalang ipapaubaya ko na siya.Sayong sayo na siya.Si Carla.

"Sissy baka naman dyan ka pa mainlove ha.Sa kakapili mo!Kakadate mo ng kung sino sino!Pero lahat naman inaayawan mo baka naman dyan mo pa isuko yung perlas ng silangan mo ha!"Si Kylie naman.

"Ano ba yung mga pinagsasabi niyo ha.Para kayong mga luka luka.Kakapasok lang ng tao at ngayon ko lang siya nakita.!"

"Correction sa disco."Singit ni Carla

"Ok sa disco.Pero ngayon ko lang siya nakita ng personal kung ano ano agad yung tumakbo sa isip nyo.Yung isa nainlove ako,yung isa isusuko ko na yung perlas.Yung totoo?pinagttripan niyo ba ko."Hindi ko namalayan na Nakatayo pala si ma'am Sebastian sa pinto.Kaya pala mga nagtahimihan yung mga bwiset.

"Miss Santiago Please sit down.Mamaya mo na ituloy yung declamation mo pagtapos ng klase ko."Nagtawanan ang mga bruha.Hindi man lang sinabi na nasa pinto na pala si Maam.

"At ano yung perlas na isusuko mo Miss Santiago?"Nakititig siya sakin.

"Ahh wala po ma'am .Fake po kasi yung perlas kaya isasauli ko."Saka ako nag smile.Mga bwisit na' to ipapahamak pa'ko.

(PLEASE LIKE AND FOLLOW)

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें