Chapter 5

40.7K 880 16
                                    

MARVIE'S POV

"OMG OMG.." Hiyaw ni Carla halatang kabado pa rin sa nangyari.

"Ako rin kinakabahan parin ako sissy.Ngayon lang ako nakaranas ng ganong eksena."

"Sissy ayoko ng mag disco huhuhu."Kahit kinakabahan ako talagang hindi ko maiwasang ang 'di tumawa sa kanya.

"O baket!Ano tinatawa tawa mo d'yan."Pinanlakihan niya ko ng mata.

"Eh kasi naman natatawa ko sa itsura mo eh hahaha."Nasabi ko nalang

"Ah so pagkatapos ng nangyare itsura ko parin ang issue mo ha ganern!"Nakapameywang sya.Ang taray ng baklang 'to haha.

"Hoy sissy baka nakakalimutan mo ikaw ang pumilit sakin kanina na itext ko si Ryan."

"Oo nga sissy akala ko kasi sa Malate lang ."Nagkamot siya ng ulo.

"Hay, Nakakainis naman kasi!Hindi na sana tayo gumorabels dito kung puro jombagan lang pala ang makikita natin.Halata parin na di s'ya mapakali.

"Kung maka react ka sa harapan mo may sinuntok ah.Ako nga ang dapat mag react ng ganyan eh at kasayaw ko yung binugbog ng lalake kanina diba!"

Kasayaw ko kasi kanina yung tropa ni Ryan si Zandro.Nagpumilit makasayaw ako kaya pinagbigyan ko naman.Tapos hai ayun bigla nalang may jumombag ano ba yan nahawa na ko kay Carla .I mean may sumuntok sa kanya .Hindi ko nga nakita kung saan nanggaling yung sumuntok sa kanya.

"Pero sissy nakita mo ba yung sumuntok sa kanya."Si Carla

"Hindi gaano eh,naka side view ko lang nakita."

Nung makita ko kasi siya nasuntok na niya si Zandro.Naka white t'shirt at jeans lang siya tapos naka cap ang sure ko lang matangos ang ilong niya.

"Ano kaya itsura niya siguro yummy hanetch?"

"Hay na'ko Carla umariba na naman yung kalandian mo ha!Gwapo nga kung basagulero naman."sabi ko pa.

Kinabukasan maaga 'kong nagising baka kasi ma late na naman ako.Naalala ko parin 'yung nangyari kagabi.Sino ba naman kasi ang makaka get over sa gan'ong pangyayare.

Nang makarating ako ng school diretso na ko ng classroom.First period ko kasi si ma'am Pascual.Kinakabahan talaga ko dahil ngayon ibibigay yung result ng exam namin.Ilang minuto pa dumating na si maam Pascual ang dami kong kaba na naramdam pati yung kaba ko yata kagabi dumagdag na.

"Ok class before we start Roman."Tawag niya sa isang kaklase ko.

"Ipamigay mo yung result ng exam niyo."Tumayo naman si Roman.

Isa isa sa'ming pinamigay yung exam namin.Pagka abot sakin unti unti kong binuksan!Hay buti nalang!Bigla akong nagulat ng may nagsalita sa harapan ko.

"Nakatsamba ka.Pasang awa."Mahina niyang sabi sa'kin.

"Pero hindi 'yan sapat para pumasa ka."Saka siya ngumiti.Ano kaya ang problema sa'kin ni ma'am.Galit yata sa magagandang babae 'to eh.Pag alis ni ma'am Pascual agad lumapit si Carla.

"Hoy sissy may bagong transfer daw na estudyante dito at balita ko fafa daw".Habang kinikilig sa pagkkwento si Carla.

"Sus kailan ka ba napangitan sa mga lalake ha.".Sabi ko naman.

"Hey, look who's talking!"Talagang tinuro pa niya ko.

"Hoy sissy ako puro date lang no alam mo 'yan!Hmmp."

"Yun nga kaya nga!Ako ba!May naka date na ba 'ko?Ngayon sino sa'tin ang matino aber".Sasabahin ko sana sa kanya na, Pa'no wala sayong nakikipagdate hahaha pero baka lalong magalit.

"O 'de sige ako na 'yung maganda".Hindi ko alam naging itsura niya non kung natatawa o naiinis haha.

"Hoy papasok na raw ang mga bruha bukas.Ang kambal ang tinutukoy ni Carla super friends din namin.Si Kylie at Kyla.

"Oo nga tumawag kanina sa'kin baka makapasok na din si Sally ok na daw siya.Sabi ko naman.

Ayos din yung tatlong yun dikit dikit ang bituka 'no ?Sabay sabay nagkasakit.Kaso 'bat hindi tayo kajoin.Baka nag usap usap lang yung mga un tapos nag boracay hanetch?"Sobra talaga ang tawa ko.Nakabuo agad talaga siya ng istorya sa isip niya.

"Kailan ka pa naging detective ha?O baka naman dapat ijoin ka sa na Oplan tokhang sissy ha iba na yan."

Sira.Isa lang ang gusto kong ijoin no its TUKHANG not tokhang without H N G.Bongga!saka siya tumawa.Bastos talaga yung bunganga nito minsan.Hindi na'ko nag comment at nakitawa nalang ako.

Pagkatapos ng klase at tapos na din ang tsismisan nag punta naman kami ni Carla sa library.Kailangan ko kasi mag research.Abot ang reklamo ng sissy ko at ang dami ko daw himiram na books s'ya kasi yung pinagdala ko.

Nung pabalik kami ng room lumapit yung isa kong manliligaw.

"Hi Marvs.."

"Hi Fernand ang gwapo mo ngayon ah."Nakita ko siyang namula ng puriin ko hehe.

"Ah salamat sa'n ang punta n'yo."Sabi niya.

Ah sa room namin may nakalimutan kasi ko eh."Nakasmile parin ako sa kanya pero ang totoo pauwi na talaga kami hehehe.

"Hatid na kita."Nakangiti ito.

"Ah 'o sige."Sabi ko naman .
"Ah pwede ba na ikaw na yung magdala ng books."Tinuro ko yung hawak ni Carla.

"Sure ."Saka niya kinuha yung books.Hindi pa rin naalis ang ngiti.

"Fernand salamat ha."Kinindatan ko siya pagkatapos niya kaming ihatid hahaha..Sure kilig na kilig 'yun.Apat na buwan na s'yang nanliligaw sa'kin.Halos araw araw yata inaabangan ako sa paglabas minsan nagtatago na'ko.Sobrang kulit kasi pero mabait naman.

"Ang lande mo girl haha."Hinampas ako ni Carla sa likod

"Ganon talaga no!Naawa lang ako sa'yo kanina kaya nga pinansin ko para may magdala ng books eh."

"Talagang siya dapat ang pagdalin mo.Ako kasi yung ginawang mong kargador."Saka siya umirap."Hmmp saka wag ka ngang kapit ng kapit sakin."Inalis niya ung pagkakahawak ko sa braso niya.

"Ang sungit mo sissy ha meron ka ba?"Pang aasar ko sa kanya.

"As if naman na magkakaroon ako.Wish ko lang.!"Saka kami nagtawanan.



(PLEASE LIKE AND FOLLOW)

Badboy Meets Playgirl (Completed) TBBC#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon