◑ Part 50 ◐

13.7K 359 62
                                    

Dedicated to mimhytot

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Thats our Jiro ~► ]

[ For Everything by Julie Anne San Jose ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○


Jiro's POV

Pagkatapos naming magmeryenda ni Lance, umuwi din kami agad. Hinatid niya ko samin syempre, siya may dala ng sasakyan eh.

Saktong lunch na nung makarating kami sa amin. Nang huminto ang kotse sa harap, nakita ko si Mommy sa pinto at nakatingin sa kotse ni Lance. Di kasi kami kita sa loob dahil tinted ito.

"Dito ka na lang kaya kumain? Nakita ka na ni Mommy, malamang pipilitin ka nyan." aya ko kay Lance. "Tara, dito ka na lang muna, gusto pa kitang makasama eh.." maski ako ay namula ang pisngi sa nasabi ko, thats so gay >.<

"Hindi naman kita kayang tanggihan. Ikaw na nag-aya eh.." nakangiting sagot nito. Gusto kong kiligin pero di ko alam kung paano. >.< "Tara baba na tayo.." sabi ulit nito, tumango naman ako.

Sabay kaming bumaba ni Lance. Lumapit agad si Mommy pagkakita sa amin. Akala ko pumasok sa trabaho to?

"Hi Mom.." bati ko dito sabay kiss sa pisngi nito.

"Buti naman at naka-enroll na kayo.." sabi nito, pagkatapos napatingin siya kay Lance. "Hi Lance, salamat sa pag-aalaga palagi sa anak ko.."

"Ma! Hindi na ko bata!" inis kong sabi dito.

Eh kasi  naman, parang 10 yrs old pa lang ako kung makapagsalita siya >.<

"Eto naman.. Bini-baby lang eh.." naka-pout na pagkakasabi nito. Hooo!! I have an AB-normal mother!

"Hindi na nga ko baby.." nakayuko kong nasabi, nahihiya ako, lalo na't si Lance ay nasa tabi ko. >////<

"Okay, sabi mo eh. Basta forever baby kita.." madiing sinabi nito. "Tara hijo, dito ka na magtanghalian.." ngiting-ngiti si Mommy kay Lance nung sinabi niya yun.

Tingnan mo nga naman, si Mommy pa ata magiging karibal ko..

"Tara na, kain na tayo.." sabi ko sabay pasok sa bahay. Pero naalalako si Lance bigla, agad tuloy akong napabalik.

Pagharap ko ulit sa pinto, napanganga ako.

Si Mommy, nakakapit sa braso ng mahal ko.. Hindi maaari 'to..

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon