◑ Part 39 ◐

17.9K 388 75
                                    

Dedicated to thisShin

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our super duper ultra mega hot 'n spicy Jiro ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Jiro's POV

Lumipas ang dalawang linggo. Nag-uumpisa na ang mga pahirap sa mga buhay ng estudyante. Lalo na sa thesis. Sumasakit ang ulo ko dun kakaisip. Buti na lang nandyan si Lance para pagaanin at pagpa-hingahin ang utak ko. Gaya nung mga nakaraang araw, everydate pa rin kami.

Yung tungkol naman sa kina Zach at Eros, masama. Oo, masama ang buong linggo nila. Nakakatext ko pa nga si Eros. Sabi niya nakipag-break na daw siya kay Zach. Niloko daw kasi siya nito.

Pero yung kwento naman ni Zach kay Lance, iba. Oo, sila naman ang magkatext. Si Eros daw ang nanloko. Siya daw ang nangdaya sa kanilang dalawa.

Dahil don, nag-imbestiga kami ni Lance. Lahat ginawa namin. Lahat inalam namin. At hindi naman kami nabigo dun. Kami pa ba? ^____<

Sabado ngayon at may lakad ulit kami ni Lance. Maaga kaming umalis sa bahay. Kotse ko ang ginamit namin.

"Sana magka-ayos na sila." sabi ko habang nagdadrive.

"Sana nga. Tayo, pag may nanggulo satin. Pinapangako ko, hindi na niya masisilayan ang araw kinabukasan.." sabi naman ni Lance.

"Over protective ha. Kaya gusto kita eh. Ayy mali, mahal pala kita." sabi ko. Tapos may naalala ako bigla. "3rd week na natin, malapit na rin pala ang monthsary natin. San mo gustong pumunta?" tanong ko dito.

"Syempre mahal kita eh.." sabi niya. "Hmmn, beach?" sagot naman niya sa tanong ko.

"Very common. Isip pa tayo.." nag-isip isip ako. "Oww, I have a bright idea.." sabi ko..

"Bright idea?" tanong niya.

"Yeah, its a bright idea!" sagot ko. "Bakasyon tayo sa America! Tutal sembreak na naman natin sa monthsary natin, Out of Country tayo!" masaya kong sabi sa kanya.

"Oo nga no. Mukhang masaya ang sembreak natin nito!" pagsang-ayon niya. "Saka.. isama kaya natin sina Zach at Eros? Diba, mas masaya yun!?" suggest naman niya.

"Sige, sige.." pagsang-ayon ko naman.

Nakarating kami sa pupuntahan namin ng 10㏂. May kikitain kami sa isa sa pinakasikat na restaurant dito, sina Zach at Eros.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon