Chapter 15 : Kasi kaibigan ko sila

Comenzar desde el principio
                                    

Akira's POV

Tahimik lang kaming kumain ni Riri, minsan nga naisip ko hindi ba siya nabobored sa company ko ? Gusto kung itanong yan kaso baka madisappoint ako sa isasagot niya.

"Bakit ?" nagulat ako nung biglang nagsalita si Riri.

"Ha ?"

"Bakit ka nakatitig sa akin ?"

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Yumuko nalang ako at umiwas ng tingin. Nagulat ako ng biglang tumayo si Riri, ubos na pala niya ung kanya gutom yan kaya ganyan.

"Halika"

"Ha ?"

Hindi na nagsalita pa si Riri. Kinuha niya ung bag niya at ung pagkain ko at hinila ako, ung bag ko kasi hindi ko binaba. Pero teka san niya ako dadalhin ?

Nagpahila nalang ako sa kanya, alam kuna kung saan kami pupunta. Nakasalubong namin si Crypt, tinawag niya si Riri. Tinignan lang siya ni Riri ng sumunod-ka-nalang-sa-amin-look. Mukang nagets naman ni Crypt at kumaway nalang ito sa amin.

Sa likod kami dumaan at umakyat ng hagdan, may 5 floor kasi itong school namin. Malaki siya kung tutuusin para sa isang HS building, pero wala eh mayaman ung may ari. At hindi namin kilala kung sino un.

Ok balik tayo sa amin ni Riri, asa rooftop na kami. Ang bilis no ? Sanay na kasi kaming umakyat baba dito, may elevator naman pero ayaw naming gumamit. Binitawan na ni Riri kamay ko, ay sayang tsss !

Uupo na sana si Riri sa lapag, hindi naman kasi madumi eh. Pero pinigilan ko siya. Binaba ko muna ung bag ko at inalis ung long sleeves ko. Binigay ko sa kanya un, pinauna ko muna siyang umupo, pinatong niya ung long sleeves ko sa skirt niya para matakpan ito at ung legs niya.

Sumunod naman ako, umupo lang ako sa tabi niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa, dead air. Pumikit siya, tinitigan kulang siya. Cute pala siya pag tinitigan mo ng matagal, kahit never ko pang nakita ung mata niya at kilay para sa akin cute parin siya.

Tumingala ako sa langit, masakit sa mata pero ang ganda. Pumikit nalang ako gaya niya, napakasarap talaga dito. Preskong hangin, tahimik tapos katabi ko pa ung crush ko. Napangiti ako ng maisip ko un. Lumipas ang ilang minuto na nakapikit lang ako, tahimik parin kami pareho. Walang bumasag ng katahimikang iyun.

"Aki"

Napamulat ako bigla nung nagsalita si Riri. Nilingon ko siya, nakatingin lang siya sa akin.

"May problema ka ba ?"

Hindi ko inexpect na tatanungin sa akin ni Riri yan, nag aalala siya sa akin.

"Alam mo Aki hindi ako ung showy na tipo ng tao na pinapakita ang nararamdaman. Sa loob ng isang buwan, natiis mo ung ugali ko. At yea nag aalala ako kasi iba ung aura mo ngaun. Bakit ?"

O.O

Wow ! Yan na ata ang pinakamahabang sinabi ni Riri. At ano daw ? Nag aalala siya sa akin ?! Sa isip isip ko nagtatatalon na ako sa tuwa. Akalain mo un si Riri na walang emosyon nag aalala sa akin ?!

Napatigil ako sa pag iisip ng marealize ko na tinatanong niya pala ako.

*sigh*

Tinignan ko siya, nakatangin lang din siya sa akin. Sasabihin ko ba ?

"Riri kasi ano"

Yumuko ako, hindi ko kayang sabihin un na nakatingin sa mukha niya.

"Naisip kulang kasi, hindi ka ba nabobored pag ako kasama mo ? Kasi hindi naman ako nagjojoke kasi alam kung corny at hindi ka tatawa. Hindi ako katulad ni Crypt na laging cool, ung pag kasama mo siya ang gaan gaan ng atmosphere mo. Hindi ko kasi alam kung nakikisama kalang sa akin kasi kaibigan mo ako, at tsaka-"

Naputol ung iba ko pang sasabihin ng bigla tumayo si Riri, hindi ko naman siya magawang tignan kasi nahihiya ako. Tsaka naka skirt kaya siya.

"Aki, kaibigan mo ako kaibigan kita. Hindi ko kita kino compare kay Crypt oh kung kanino man. Sumasama ako sayo hindi dahil sa pinapakisamahan lang kita, hindi din dahil sa ikaw ung una kung kaibigan dito sa school. Sumasama ako sayo kasi gusto ko"

O.O

Tiningala ko siya ng wala sa oras. Huh ? Nawala ? Nagulat ako ng may umupo sa right side ko, nasa left side kasi si Riri kanina. Nilingon ko kung sino, si Riri.

"Maniwala ka man oh hindi, ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama kita. Hindi ko alam kung bakit. Pansin mo ba pag naiinis ako kay Kurt tumitingin ako sayo ? Kasi nga napapakalma mo ako. Kaya wag kang mag isip ng kung ano ano ok ?"

O.O

Nagulat ako sa mga sinabi niya pero mas nagulat ako kasi, ginulo niya buhok ko gaya ng ginagawa ko sa kanya. Napangiti nalang ako, ganun pala ang epekto ko sa kanya. Nakatngin parin siya sa akin, ganun din ako. Nginitian ko nalang siya at tumango ako. Ginulo kuna din ung buhok niya gaya ng lagi kong ginagawa sa kanya.

Malinaw na sa akin, hindi na ako mag iisip pa ng kung ano ano, sapat na sa akin ung narinig ko mula sa kanya. May side pala siyang ganito, nakakatuwa lang kasi pinakita niya sa akin ung side niyang ito.

"Pwd na ba akong sumingit ?"

Napalingon kami pareho ni Riri sa likod namin. Nakasandal sa pinto si Crypt habang naka ngiti sa amin. Umayos na siya ng tayo at naglakad papunta sa amin. Umupo siya sa kabilang side ni Riri.

"Yanyan"

"Hmmmm ?"

"Ako din"

Tinignan siya ni Riri na parang nagtatanong kung ano un.

"Sabihan mo din ako ng ganun, kung ano ung epekto ko sayo. Tsaka kausapin mo din ako ng mahaba"

Natawa nalang ako kay Crypt, para siyang bata ng humihingi ng pambili ng candy kay Riri haha.

"Ayaw"

"Ihhhhhhh ! Sige na" pangungulet ni Crypt kay Riri, umiling lang si Riri bilang sagot.

"Dayaaaaaaa ! >3<"

O.O

Si Crypt ng pout ?! What the ?! Tinignan ko si Riri, napatigil din siya sa ginawa ni Crypt. Bigla siyang umiwas ng tingin. Bakit kaya ? o.O

"Saka ka na"

Biglang lumiwanag ung mukha ni Crypt.

"Talaga ?!"

"Oo nga kaya shhhh !"

Tumahimik naman si Crypt. Nakangiti lang siya, para talaga siyang bata haha.

Mirch's POV

Tumigil na sa pangungulet sa akin si Crypt at si Aki naman ang kinulet niya tssss ! Napakaingay ng dalawang ito eh asa gitna nila akong dalawa tsk !

Napailing nalang ako. Naalala ko ung mga sinabi ko kay Aki kanina, alam kung gulat siya at natuwa. Totoo naman lahat ng sinabi ko sa kanya. Kahit kasi may makapal siyang eye glasses tulad ko, maaaninag mo parin ung mukha niyang maaliwalas pag nasa malapit ka sa kanya.

Tinignan ko naman si Crypt, itong isang ito napaka isip bata. Pero importante siya sa akin, madali lang akong magpahalaga ng isang tao lalo na kung mabait ito sa akin. Silang dalawa ang mga kaibigan ko sa loob ng school, maging sa labas. Importante sila sa akin kahit hindi halata.

Tsss ! Ngaun kulang naisip, ang swerte ko pala kasi kaibigan ko sila.

Not So Ordinary GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora