Chapter 38

502 21 0
                                    

[Chloe's POV]



Naghilamos ako ng muka atsaka tumingin sa salamin.



"Di ka niya magugustuhan, okay?" para akong baliw na kinakausap ang sarili rito.



Pinunasan ko muna ang muka ko atsaka napagpasyahan na bumalik sa room.



Napatigil naman ako ng biglang tumakbo palabas si Pau ng room namin.



"Pau! Anong meron?" tanong ko sakanya, pero di siya sumagot at dire-diretso lang sa pagtakbo.



Sumunod na rin ako sakanya hanggang sa makalabas na kami sa academy. Mabilis siyang tumakbo pero nasusundan ko pa rin siya. Medyo malayo nga lang ang agwat.



Napatigil ako ng tumigil siya sa tapat ng bahay niya.



May lalaking nakatayo sa labas nun na mukang nasa middle 50's na. May kasama itong matandang lalaki na parang nasa early 80's na.



Pinagmasdan ko sila. Nagtitinginan sila, walang umiimik. Kahit si Paulo ay napako sa kinatatayuan niya.



"Paulo." sambit ng matandang lalaki



"Sino kayo? Anong pinagsasabi niyo na kamag-anak ko kayo?" madiin na tanong ni Paulo



"Pau, ako ang lolo mo at siya ang tatay mo." sabi nang matandang lalaki


"Tatay? Wala akong tatay. Matagal nang wala. Patay na siya at kung buhay man siya pinatay ko na siya sa ala-ala ko. Iniwan niya kami ng nanay ko. Kaya wala na akong tatay!" sigaw ni Paulo


"Anak, makinig ka." sambit naman ng isang lalaki



"Ayoko! Tumigil kayo! Wala akong papakinggan." sigaw niya atsaka tumakbo palayo.



Napatingin naman sakin ang lolo at tatay niya.



"Sorry po." sambit ko naman tsaka sumunod kay Pau.



Nakita ko siyang nakaupo sa may park na malapit lang din saamin.



Nakayuko siya at mabilis ang paghinga niya. Marahil dahil iyon sa pagsigaw niya.



"Pau." napatingin naman siya at mukang nagulat na nandito ako.



"Bakit nandito ka?" tanong niya sakin



"Sinundan kita eh." sagot ko naman



Umupo ako sa tabi niya.



"Okay ka lang ba?"



Tumingin naman siya sakin atsaka ako niyakap. Ramdam na ramdam kong nasasaktan siya.



Hindi ako nagsalita. Niyakap ko lang siya pabalik habang hinahaplos ang buhok niya.



"Bakit bigla bigla nalang silang magpapakita ngayon? Bakit nila ako iniwan nun? Ang daming tanong sa isip ko, Chloe."



"Marami palang tanong sa isip mo, bakit hindi mo sila tanungin? Bat di mo sila kausapin kung ganun?" tanong ko sakanya



"Dahil naiinis ako, nagagalit ako sakanila. Iniwan nila ako noong mag-isa. Wala akong nakuhang pagmamahal sakanila. Hinayaan nila akong mahirapan."




"Pero paano mo malalaman ang dahilan ng mga nangyari kung hindi mo sila hahayaang kausapin ka?" tanong ko naman sakanya




"Hindi ko alam. Sa ngayon, sarado pa ang isip ko na kausapin sila. Ayaw ko muna sa ngayon."




Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon