Chapter 17

485 16 0
                                    

[Brent's POV]




"Anak, may lalaki sa labas. Kailangan daw kayo makausap ni Iya."




Lumabas naman kaming dalawa ni Iya at naabutan namin ang kuya niya na nandun. Ngumiti iyon saming dalawa. Unti-unti rin siyang lumapit samin.




"Kuya, bakit nandito ka?" tanong ni Iya




"Una sa lahat gusto ko magpasalamat sayo Brent. Salamat kasi inalagaan mo ang baby Iya ko." tinapik naman niya ako sa balikat




"Wala po yun boss." sagot ko naman




"Boss? Kuya nalang." nakangiti niyang saad




"Ahh.. Kuya."




"Iya, chineck ko lang kung okay ka rito. Kung gusto mo pwede kang lumipat sa bahay namin ng ate mo. Walang problema sakanya. In fact naeexcite nga siya na makita ka ulit."




"Ah ganun ba kuya? Pero kasi mas malapit ito sa academy eh. Dadalaw dalaw nalang din ako at minsan matutulog ako dun kung wala akong pasok."




"O sige. Dadalaw-dalawin din kita rito ah. Siya nga pala, alamin ang limits Iya at Brent ah. Kahit na nagmamahalan kay----"




"ANONG NAGMAMAHALAN KUYA?!" sabay naming sigaw. Halata namang nagulat si Kuya sa bigla naming pagsigaw ni Iya.




"Hindi ba kayo magboyfriend girlfriend?" naguguluhang tanong niya




"H---HINDI KUYA!" sigaw naman ni Iya at namula pa sa pagkahiya




"Ay. Sorry, akala ko kasi nung unang kita ko rito kay Brent boyfriend mo eh. Grabe kasi magcare sayo." napakamot naman siya sa ulo niya




Napangiti nalang ako sakanya. Nahiya rin ako bigla eh.

Let's do this!Where stories live. Discover now