Chapter 9

783 27 0
                                    

Chloe and Pau on the picture ^^


---



[Sami's POV]



"Ano nga problema mo? Hindi ka naman bubuntong hininga ng ganun kalalim kung wala eh." sabi ko naman sakanya



"Well, yung dad ko pumunta pa rito sa Pilipinas para lang patigilin ako sa pagtraining. Pero sorry siya kasi hindi ako titigil. Tinanggal niya ang credit card ko. Pero i don't care kasi hindi pa rin ako titigil. Hay. Sana hindi nalang siya ang daddy ko. Sana hindi nalang sila ang pamilya ko."



"Uy, wag ka magsalita ng ganyan." suway ko sakanya. Hindi naman tama na ganun ang isipin niya sa tatay niya, sa pamilya niya. Kahit anong mangyari pamilya niya pa rin naman yung mga yun.



Ngumiti nalang siya ng tipid sakin atsaka uminom sa juice niya.



"Salamat sa juice Sami. Babayaran ko to."



"Sabi ng wag na eh. Okay lang talaga." nakangiting tugon ko naman sakanya



"Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayoko umuwi."



"Hmm? Baka pwede ka naman makitulog kay Pau? Or kay Brent?"



"Kay Brent malabo. Ano ka ba, nandun na nga si Iya. Nakakahiya naman kung sisiksik pa ako."



"Kay Pau nalang. Tanong mo kung papayag ang parents niya." sabi ko naman sakanya



"Wag na rin siguro. Nakakahiya eh."



"Ito naman, eh san ka matutulog?" nag-aalalang tanong ko sakanya



"Dito sa convenience store."



"Eh? Nako nako! Umuwi ka nalang!" sigaw ko naman sakanya



"Ayoko nga." dinilaan naman niya ako



Hay nako! Ang kulit ng lalaking to.



"Oh si Pau. PAU!" tawag ko naman sakanya. Nakita ko kasi siyang naglalakad at mukang kakagrocery lang. May dala kasi siyang mga plastic.

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon